Ikasiyam na Tagpo

5 1 0
                                    

Luna's
Ikasiyam na Tagpo
Fight

"P'wedeng pakibalaan ako? Para mapapaghandaan ko. Please notify me."

Bago pa s'ya humarap sa akin ay tumakbo na ako paalis.

Nag-iinit ang mukha ko at hindi mapakali. Mukha ba akong desperada? Bakit ko ba sinabi pa 'yon sa kanya. Ano na lang mukhang ihaharap ko sa kanya!

But still... i feel threatened by my own thoughts. Na magmamahal s'ya ng iba. Na hindi ako. Hindi ako ang uunahin n'ya. Ayaw ko.

That's it! Mababaliw ako kakaisip! I need someone to talk to. Mommy probably is still angry at me kaya pinili ko na lang na kay Seyo makipag-usap.

Dumiretso agad ako sa kwarto ni Seyo only to find out he's watching porn. I don't really care. Mukhang hindi din naman s'ya nagulat.

Tinigil n'ya ang panonood at tiningnan ako. "Why are you here?" Walang gana n'yang tanong. Is he also angry at me?

"Wala lang."

"Hambog ka."

"Galit pa din ba si Momma?"

He rolled his eyes. "Malamang. Attitude kang ati chona ka eh."

I sighed. "I told Juancho to tell me if ever he has someone special."

"Ahuh? Did he tell you?"

"Meron ba?" Mahinang bulong ko.

Humarap s'ya sa kanyang tinigil na pinapanood at saka pinatay. Pagkatapos ay tumabi sa akin at huminga ng malalim.

Bago pa s'ya magsalita, uunahan ko na. "To be honest, parang hindi ko pa kaya."

Napaawang ang labi n'ya at parang naghahagilap ng iimikin.

"You know how drown I am to Juancho." Pagpapatuloy ko sa mahinang boses. "Simula pagkabata natin, s'ya yung sinasandalan ko. Being with Juancho makes me feel so complete... kahit wala tayong tatay."

"Seya.. you see--"

Humapdi ang mata ko at nanlalabo na ang mata ngunit nais kong marinig n'ya. "Seyo, Juancho taught me so many things. I am so dependent to him and to you. I have so many dreams ahead of me and I want to call myself successful when he's mine already."

Hinilot n'ya ang sentido n'ya at nakatingin lang sa akin na hindi mahagilap ang gustong sabihin. "W-why? Why are you telling me?"

"Because you're all I have. My very own twin brother. Kasama na kita bago pa man tayo maisilang sa mundong 'to. And it is you he only have as friend maliban sa akin."

"Anong gusto mong palabasin kung ganon?" His voice sounded dangerous at tumalim ang tingin sa akin.

"I want you to..."

"To what?" He said impatiently

I sighed and looked at him fiercely. "To make him choose me no matter what. Or if you won't be able to do so, at least, gusto kong pigilan mong magkagirl friend s'ya and I'll do the rest of making him fall for me."

"And what if I don't?"

"I will stop my ballet career as as sign that I am stopping my dreams because Juancho is all I want for an ending. Hindi na ako mag-aaral. Lalayo na din ako siguro dahil ayaw ko s'yang makikita. And probably be a free lancer." Seryoso kong saad.

Nakita ko ang gitla sa mukha n'ya at umiling iling. "You-you can't do it?" Bulong n'ya na 'di makapaniwala.  "You are crazy!"

"I can do it. Mark my words." Hinawakan ko ang kamay n'ya at tiningnan s'ya ng nagmamakaawa. "Seyo, please. Promise me. Promise me kasi hindi ko kaya. Masakit. Naiisip ko pa lang nasakit na puso ko, Seyo. Would you rather see me broken hearted?"

A Rendezvous At The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon