Luna's
Ikadalawampu't Anim na Tagpo
LetterHinarap ko si Chelsea na nagmumura at kung ano anong tawag ang ginagawa. Mas nadoble ang tensyon.
"Tangina! Harangan n'yo! Wala! Kami na ang bahala ni Solieluna! Ano?! Nagbibiro ba kayo?! Paanong lalabas 'yung case na 'yon?! Nagbibiro ba kayo?! I am ordering you to shut that fucking magazine down! Walang kwenta ang mga gossips nila tangina!"
"Dito ka lang, Solieluna! 'Wag na 'wag kang lalabas muna! Asikasuhin ko lang 'tong mga 'to!"
Lumabas s'ya ng kwarto ko.
Kinuha ko ang ipad at nakitang no.1 na ako sa mga social networking sites hindi lang dahil sa hindi ako nakaattend ng party. Dumagdag din ang pictures ni Juancho at Ella na magkasama sa kotse, it circulates like a wildfire. And now...
Solieluna Quintana was insecure to her co-ballerina and caused her death 10 years ago
Galit na galit ako ngayon! Bakit ngayon pa lumabas ang lahat ng 'to! Nanay Xayo called me. Telling to stay away from reporters and ignored everything.
I was about to turn off my phone to avoid social media when my private investigator texted me.
'Ma'am, nahanap ko na po ang utos n'yo. Ang hometown ng Mommy at Lola mo. Sa Quezon din po. May mansion po kayo na pinapangalaan ni Ysabel Dela Castro.'
"Padala mo ako sa Pilipinas, Chelsea. Sasakay na lang ako sa private plane ni Nanay Xayo."
Chelsea did what I told her kaya nakauwi din agad ako sa Pilipinas ng walang nakakaalam kahit sino. Maliban kay Chelsea. Natagalan lang ng ilang araw dahil hindi ako makalabas sa dami ng nag-aabang sa akin.
Dumiretso ako sa unit ni Juancho at nag-empake ng mga gamit na naiwan ko don.
I'll stay at Mommy's mansion sa Quezon. Doon walang makakahula na nandon ako.
"Wow! You made me so stupid." Walang emosyong saad ko sa pumasok.
He barged in. Of course its his place. No worries, I'll leave.
Nagmamakaawang tumingin s'ya sa akin. "Please, Seya. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Huwag lang ngayon--"
"Bullshit, Juancho! Kelan pa? Kelan mo pa ipapaliwanag sa akin? Kapag ba hiwalay na tayo? Hiyang hiya naman ako sa'yo eh! Isang linggo na pero ngayon ka lang nagpakita! O kaya naman hinihintay mo lang talaga ang araw na 'to--"
"Walang maghihiwalay, Ysabella Aevha." Matigas na sagot n'ya.
"Pwes sana hindi ka pumapangako! Lahat na lang ng pangako mo, hindi mo tinutupad! Ilan pang pangako mo yung babaliin mo, Juancho!"
Sinabunutan n'ya ang buhok n'ya at pilit kinakalma ang sarili n'ya. "Babe, I need you to understand me. Its all for work. You know how dangerous my work is, right?"
Tumango ako. Yeah I always understand. I always should.
"Oo naman naiintindihan ko! Kaya nga ako nandito 'di ba?" Tumawa ako ng pagak. "Eh ako kailan mo iintindihin?"
"I just fucking lost a friend, Seya!" Hinaplos n'ya ang braso ko ng marahan at pilit hinuhuli ang tingin ko. "Sorry. You're just angry because of the gala."
"Yeah. Sino ba namang hindi magagalit 'di ba? I announce to the whole world that my boyfriend would be my date only to find out na may kasama s'yang iba. Sinong tangang hindi magagalit 'di ba? Hindi lang 'yon, nakapost pa talaga sa social media kung saan ipapakita kung gaano ako kasinungaling na tao dahil sa'yo."
Tinabig ko ang kamay n'ya.
"Kaya nga ako nagsosorry."
His phone rang and he left me behind just to answer the call. Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/315473699-288-k996675.jpg)
BINABASA MO ANG
A Rendezvous At The Horizon
RomanceSaavedra No.1 (Solieluna Elirieyella Ysabella Aevha Saavedra) "Just one night of fucking and then the next morning around, you broke up with me. How heartless you can be?" - Luna Saavedra If there is one thing certain in her world, it is Juancho who...