Ikadalawampu't Tatlong Tagpo

8 1 0
                                    

Luna's
Ikadalawampu't Tatlong Tagpo (SPG)
Portrait

"Ayos ka na ba?" Bungad sa akin ni Juancho pagmulat ko ng mata.

Nandito pa din kami sa condo ni Juancho. Ano kayang nangyari? Nahuli ba 'yung lalaki? Anong nangyari sa kanya? Napatay ba s'ya or what?

"O-oo." Namamalat ang boses kong sagot sa kanya.

Nilingon ko sila. Hindi ko mabasa ang emosyon ni Juancho habang nakatitig ng mataman sa akin si Seyo. Lumabas si Seyo ng hindi nagsasalita.

"I... I do not think I can face you, Juancho." Naiiyak kong saad. "Can you leave me alone?"

Lumapit s'ya sa aking tabi at tinitigan ako. "And why?"

"Cara died because of me." Bulong ko. "She's insecure about me. She hated me and she killed herself in front of me. Seyo told me that her baby is yours."

Hinawakan n'ya ng masuyo ang mukha ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Seya, paano ko s'ya bubuntisin kung ikaw ang kaunahan ko?"

"Pero sabi ni Seyo--"

Nilagay n'ya ang hintuturo n'ya sa labi ko. "Hush. Sa kanila may nangyayari pero sa amin, wala. Paano naman pati may mangyayari sa amin, baliw na baliw ako sa'yo non? Kung buntisan lang din ang usapan, baka nga ikaw pa 'yung dapat nabuntis ko. Ikaw lang naman ang ginalaw ko noon, Seya."

Tumulo ang luha ko sa sinabi n'ya at niyakap n'ya ako ng mahigpit. "Akala ko talaga... sa'yo 'yon. She... she killed herself in front of me, Juancho. She killed herself in front of me. May baby, Juancho. May baby s'ya." Umiiyak na sumbong ko.

Does that mean its Seyo's? I don't know what to feel. Should I be happy that the baby is not Juancho's? But rather, it is Seyo's?

"Gusto mo, gawa tayong baby ng matigil na ang pag-iyak mo?"

Pinunasan ko ang luha ko at ngumuso sa kanya.

"Pass. May contract pa ako. Pagkatapos na. Iilang buwan na lang naman eh." Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Pero sabi mo 'yan ha? Saka 'wag mo na akong halikan sa noo, feel ko lola na ako eh."

"Tama na ang landi sa akin, Seya. Magpagaling ka muna." Nilingon n'ya ako. "Magpagaling ka muna at 'pag magaling ka na, saka kita lalandiin."

"Nagleave ako for one week sa trabaho ko, Seya. Bakasyon tayo." Dagdag n'ya.

"Saan tayo?"

"London."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Wait did he just say London?! We're gonna go to London?! Lumayo s'ya sa akin ng konti at kinuha ang cellphone n'ya.

"Uhm... anong nangyari sa lalaki?"

Ginulo n'ya ang buhok ko. "Huwag mo ng isipin 'yon."

"Juancho, pinatay mo ba s'ya?"

"For your peace of mind, baby, I didn't. The rest of informations shouldn't go out kaya hindi ko masasabi sa'yo hangga't hindi naman natatapos--"

"Sinong target? Ako ba? I have a stalker so?"

Dumilim ang aura n'ya at pinatay ang cellphone bago ako harapin. "No. You are not. And I want to personally talk to the officers holding your stalker case. Rest assured that as long as you're with me, hindi ka mapapahamak."

Three days after the incident, nagpunta kami sa London at binalikan ang dati naming bahay. Since they already sold their house before, sa mansion namin s'ya tutuloy.

Pagdoorbell ko pa lang ay pinagbuksan na ako ng mayordoma ng bahay.

I made sure that it is thoroughly clean dahil ayaw kong papabayaan ang mansyon na ito lalo't isa ito sa huling lugar na pinaglagian ni Mommy bago s'ya mamatay. Kaya nagkuha ako ng mga katulong at mayordoma tapos sila na ang bahala sa bahay.

A Rendezvous At The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon