Luna's
Ikadalawampu't Dalawang Tagpo
DugoWARNING! THIS CHAPTER CONTAINS TRIGGERING EVENTS!
"Kung ganito ka at hindi magbabago, ngayon pa lang maghiwalay na tayo. I maybe desperate about you but I never imagine an addict to be my husband."
Tinalikudan ko s'ya pero hinigit n'ya ako. "Sorry. Sorry, baby."
"Then explain it to me, Juancho."
Hinawakan n'ya ng mahigpit ang kamay ko at pilit akong pinaupo sa sofa. Dinantay pa n'ya ang hita n'ya sa akin para hindi ako makakaalis. Nilabas n'ya ang cellphone at dinial ang kung sino.
"Yeah... basta ipapaliwanag ko kay Seya." He said through the phone but still holding my hands. "Sir?"
Nilingon ako ni Juancho at hinalikan ako sa noo. "She saw the drugs. I... I don't want to. Ako na po ang magpapaliwanag kay Daddy. That'll be nice. Okay. I will wait for the right time. Thank you, Tito."
Hinarap n'ya ako at nakakagat labi. "Ano..."
"Ano?"
"I can't tell you." Bulong niya.
Tumayo na ako at hinigit ang kamay ko pero hindi n'ya binitawan. "Bitawan mo ako."
"Seya, I'll tell it to you. Huwag lang ngayon." Nagmamakaawang saad n'ya.
"Aalis na ako." Matigas kong saad.
"Seya, please. I know I have a lot of explaining to do but we both change. We are still in the middle of figuring out the changes that happened to us when we were faraway from each other and that includes our works." He sincerely said.
Tiningnan ko s'ya ng mataman. "Kahit naman noon, ako lang yung madalas mag-effort, Juancho. You always keep things away from me thinking you can always resolve it alone."
Lumuwag ang hawak n'ya sa akin dahilan kung bakit nakaalis ako.
Gaya ng madalas na nangyayari sa akin sa nakaraang mga taon, hindi na naman ako makatulog. Kahit sa pagtulog, hindi ko mahanap ang pahinga. Si Juancho na nga lang ang nagparamdam sa akin kung paano matulog ng matiwasay sa bisig n'ya, inaway ko pa.
"Tama ba ang ginawa ko?"
Naglakas loob akong nagtanong kay Nanay Ysabel ng isa sa dahilan kung bakit ako nasa Pilipinas.
"Where can I ask for private investigator, Nanay? May kailangan po kasi akong hanapin."
Bakas ang disgusto ni Nanay Ysabel sa tinanong ko. Parang may gustong itago sa akin. "Seya, ano ba ang hahanapin mo at baka masagot ko?"
I smiled at her at waved my hands, dismissing her suggestion. "I want to do it myself."
Nawala ang emosyon sa kanyang mataray na mukha at mataman lang akong tinitigan. "Do you remember what you told your mom? Kung bakit ayaw mong makilala ang tatay mo? Na baka makasira ka ng pamilya?"
"Yeah..." mahinang sagot ko.
"Maaaring i-lead ka ng imbestigasyong ito sa kung saan-saan, Hija. Ayaw kong pangunahan ka pero may ibang bagay na mas maganda ng iwan na lang natin sa nakaraan."
Tumayo siya at kinuha ang hand bag na dala. "Pero kung desidido ka na, pumunta ka na lang sa agency ni Juancho dahil may private investigators sila."
"May contact po kayo ni Juancho?"
Kumunot agad ang noo n'ya. "Ano? Wala kang contact ng kasintahan mo? Dyos ko kayong mga bata kayo!"
Dalawang linggo na nga po kaming hindi nagkikita. Kapag uuwi ako, wala pa s'ya. Kapag naman paalis na ako, wala na s'ya.
BINABASA MO ANG
A Rendezvous At The Horizon
RomanceSaavedra No.1 (Solieluna Elirieyella Ysabella Aevha Saavedra) "Just one night of fucking and then the next morning around, you broke up with me. How heartless you can be?" - Luna Saavedra If there is one thing certain in her world, it is Juancho who...