Chapter 41

14 2 0
                                    





"Tangina, saglit nga,"



Umalis ako mula sa lamesa dahil tunog nang tunog 'yong cellphone ko. Hindi ako makapagfocus sa laro ko! Baka matalo pa 'ko, ayaw ko talaga sa lahat 'yung makulit at maingay kaya chineck ko na.



Lumaki ang mata ko nang makitang nag-chat sa Messenger 'yung kaibigan ko sa Discord, 'yung taga Manila. Jia Vida pangalan niya.



Jia Vida:

Elias! You're from Bicol, right? REPLY ASAP.



Pambihira. ASAP pa nga. Nagreply na 'ko. Nagulat naman ako sa nireply niya. Ilang beses kong kinabisado sa utak ko 'yong itsura at pangalan ng kaibigan niya. Ang sabi niya kasi, naglayas daw 'yon. Chantal Revidad ang pangalan.



"Peter! Pahiram nitong motor mo!" Tinawag ko 'yung kalaro ko sa sugal.



"Hoy, gago, kapag nasira mo 'yan. Babasagin ko mukha mo!" Pananakot niya.



"Gago! OA?" Pabiro akong umirap sa kaibigan ko.



Bago sumakay, nilabas ko ulit ang cellphone ko para tignan 'yung itsura noong babae. Hmm. Maputi, matangos ilong, maganda 'yung labi, bilog 'yong mata pero hindi naman malaki. Parang sakto lang. Petite siya, e. Tapos 'yung buhok abot hanggang baba ng dibdib niya.



Shit. Mukha siyang mayaman. Biglang tumibok nang malakas 'yong dibdib ko noong may nakita akong bumaba sa bus stop habang papalapit 'yong motor ko. Napalunok ako. Mukha siyang takot, base sa mukha niya. Maliit lang talaga siya. Parang kaya ko siyang buhatin sa isang kamay ko lang.



Huminto ako sa tapat niya, tinitigan ko pa siya nang mabuti. Siguro ang weirdo ko sa paningin niya dahil nakatitig ako. Pero inaalam ko lang talaga kung siya ba 'yung Chantal Revidad. Nang magtama ang paningin namin, bigla akong nakaramdam ng kuryente, ewan ko ba. Umaambon ngayon, kaya siguro ganoon.



"Chantal? Kaibigan ni Jia Vida?" Tinanong ko siya. Hawak 'yong isang helmet, para sa kaniya. 'Yong helmet ko naman tinanggal ko kaya dalawa ang hawak kong helmet.



"Yes! You are?" Halos matawa ako sa taas ng boses niya. Ganito ba talaga siya magsalita? Parang bata.



"Elias." Sumagot ako.



Sasakay na sana siya sa likod ko nang biglang magsalita 'yong konduktor ng bus. Bigla akong nainis, pero may parte sa 'kin na natuwa dahil ang sabi niya wala pa raw bayad ang 'gf' ko. Sus! Pero bakit naman ako matutuwa roon? Mas nabadtrip ako dahil ubos na ang pera ko! 450?! Sa isang tao lang, 450?!



"For.. For compensation." Lord naman, ubos na po pera ko. Nasobrahan na ata sa bait 'tong si Chantal. Napakabait na bata naman nito, kanino kaya nagmana?



"How do I ride this?" Bigla siyang nagtanong. Sumama kaagad ang mukha ko. Ano ba 'yan. Sasakay na lang sa motor, hindi pa alam?



"Mag tumbling ka?" Pilosopong sagot ko. Halos matawa ako nang irapan niya ako. Mukha siyang bata kapag umiirap.



Noong aalis na kami, may tumawag na naman. Magandang babae din. Morena. Katulad ng mga type kong babae. Babayaran ko din sana ang pamasahe niya pero wala na nga akong pera! Bigla akong nabadtrip lalo! Type ko 'yon kaso no chance! Hay nako!



Dahil sa pagkabadtrip ko, pinaandar ko kaagad 'yong motor. Saglit akong yumuko nang maramdaman ang kapit niya sa tyan ko. Napangiwi ako nang maramdaman na nakurot niya 'yong tyan ko.



Sunrise In Your Embrace (Summer Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon