The happy ending of a story depends on you. whether you'll choose to be happy for every little things or be graved in sadness for your whole life. to accept what you can't change or rant for your whole life. to do what you want to do or regret in the end.
After 3 years..
"Jennica!" Tawag sa akin ni Camille nakangiti habang nakasuot ng pambride's maid.
Ngumiti ako sa kanya
"Congratulations!" At niyakap niya ako
Few days ago
Nakaupo si Patrick sa isang coffee shop malapit sa glass window his looks changed he became more manly than before but those eyes are still deep. like it wants to say something. and whenever I looked into it I always see the man I loved.
"Busy ka ba? Sorry kung inabala kita." sabi ko at ngumiti. He looked startled.
Ngumiti nalamang ako at naupo sa harap niya.
"May problema ba?" Tanong ko ng makita ang confused at mukhang nangangamba niyang ekspresyon.
Umiling lamang siya. at ngumiti pabalik
"Bakit gusto mong makipag kita?" Tanong niya sa akin
I smiled faintly "i guess I really have to do this isa pa they insisted." kinuha ko ang isang invitation siya bag ko at inilapag sa lamesa at iniusog sa kanya.
Tinignan niya ang nakasulat sa harap nito at tumingin sa akin
Hindi ko masabi kung anong sinasabi ng mga mata niya, blanko.
ngumiti lamang siya "natatandaan mo pa yung sinabi ko sayo 3 years ago?"
Natameme ako sa itinanong niya sa dinami dami ng sinabi niya alin ba don ang nakalimutan ko?
Di na ako nagsalita at tumango nalang
"Eh ano to?" Tanong niya
Para siyang nagpapatawa sa tinatanong niya
"Invitation" seryoso kong sagot
"You don't need to invite me."
Ngumisi ako "kaibigan naman kita diba? Doon naman nagsimula ang lahat kaya doon din dapat matatapos yon." sabi ko
Natawa siya pero yung sarcastic.
"Kaibigan? Nagpapatawa ka ba? Akala ko ba ako lang?"
Ngumisi ako
"Diba sinabi mong hindi mo ako sasaktan, na ako lang?" Bumuntong hininga ako "pwes, quits na tayo." sabi ko
"Quits? Ano ka? Bata?" Sabi niya at tumawa
Napa hah nalang ako sa kanya
"Dont pass the childish on me. isa pa si Trish din ang iniimbitahan ko. hindi lang ikaw."
"Eh bakit ako ang tinawagan mo?"
"Kasi hindi siya pwede" tumingin lang siya ng deretso sa mga mata ko "i guess we cant be friends" sabi ko
"Pwede naman. because if lovers can be friend it's either wala talaga silang feelings sa isa't isa o meron pa" he seriously said.
Bumuntong hininga lamang siya at tumayo kinuha ang invitation.
"Try." yun lamang ang sabi niya bago siya tumingin "wag ka nang magexpect ng malaki baka magkautang nanaman ako sayo e" at ngumisi "congrats nga pala" sabi niya habang pinapakita ang invitation tsaka siya umalis
Walang duda, i still love him pero mahal ko rin si Thobias.
And I can't have the best of both worlds.
Present
Nagbukas na ang mga pintuan ng simbahan at doon tumutugtog ang Eternal Love
Nasa dulo ng aisle ang taong makakasama ko habang buhay.
Ang taong nagpaligaya at nagpunas ng mga luha ko
Ang taong nagsilbing sandalan at nagsilbing haligi ko.
Ang taong mahal ko, Thobias Cy
His smile is as wide as I said yes the day he asked me to be his girlfriend.
Nakikita ko rin ang pagpahid ng ng luha habang nakangiti at nakatingin sa akin. do i even deserve this guy after I treated him as nothing. after ng lahat ng tantrums ko at pagpapahirap sa kanya. after he took responsibility on me.
It made me feel touched. he loves me that much. and I am so lucky.
Nagiwas ako ng tingin at nahagip nito si Patrick nakatingin mula sa malayo
He's looking at me.
Ngumiti lamang siya at tumalikod.
Alam ko. yung ngiti na yon may halong sakit.
Pero nasa harap ko na ang taong mahal ko. ang taong sigurado akong hindi ako iiwan. Hindi ako sasaktan.
Marahil hindi talaga kami para sa isa't isa ni Patrick at marahil parating may parte sa puso namin na nakalaan para sa isa't isa.
Didn't I told you? Happiness is a Choice.
People come and go, but memories stay.
*the end*
Author's Note:
Kung natapos mo ito hanggang dito, THANK YOU! As in! Haha may bagong story na lalabas kasabay ng pagtatapos nito, ang title? ''My Sweetest Downfall" sana'y suportahan niyo kagaya ng pagsuporta sa istoryang ito. thank you ;) :*
-FelicitousKey
PS, "My Sweetest Downfall" is Jennica's daughter's story! :))
BINABASA MO ANG
MTP #3: Only One
Teen Fiction|| BOOK 3 of MTP || TRILOGY || Tapos na ba talaga ang lahat matapos ang sinasabi nating 'Happy Ending' o nag sisimula palang ang panibagong yugto, Hanggang saan ang kaya nilang dalawa para sa isa't isa? Hanggang saan ang kaya nang pag ibig nila?