//Seventeen

992 38 4
                                    

"Gonzalez"

I raised my right hand. "Present"

Tumitingin parin sa akin ang mga estudyante, halos mag one month na simula ng makilala ko si Thomas. Bumabalik na sa dati ang buhay ko.. Uulitin ko ang buhay ko hindi ang puso ko

I'm still loving him unconditionally. Mahal ko siya at hindi yun ganun kabilis na kalimutan ang taong nagbigay nang daan daang dahilan para mahalin ko siya kahit na higit pa ang daan daang dahilan para kalimutan siya.. Mahal ko parin si Patrick.

Dinrawing ko ang sketch ng bago kong damit. Black and white ang madalas na Damit na nirerelease ko. Ewan ko ba kung bakit mas okay sa akin yung ganon.

"Jennica, pwede patulong dito? Paano ba ito?" tanong ng kaklase ko.

Tumango ako at tinulungan siya sa pag sukat ng dinadrawing niya.

*beep beep*

From: Thomas

Lunch? :)

nasabi ko na diba? sa One month na yon, walang araw na tinantanan ako ni Thomas.

Mabait si Thomas. Maalaga. Perfect man. Boyfriend material. Pero ayokong gamitin si Thomas.

To: Thomas

Okay. :)

From: Thomas

I'll fetch you nalang.

itinago ko na ang cellphone ko at nagpatuloy sa pag s-sketch umalis na agad ang guro namin, ipagpatuloy daw namin ang pag gawa sa plate namin. At dahil tapos na ako ay sketch nalang ang libangan ko.

"Paper mo." kinuha ko ang papel na iniabot niya sa akin. Test paper result namin.

Nasabi ko na ba? Blockmate ko ngayong sem si Patrick at Trish. Galing no? Parang binubwisit ako ng tadhana.

"Hi Jennica! Kamusta na kayo ni Thomas? Napapadalas ata ang pagsasama niyo? Are you liking him na ba?" tanong ni trish sa akin pagkaupo niya sa harap ko.

tinignan ko siya, bumabalik ang mapupungay niyang mata at hindi mo mapaghahalataan na nagdadala siya ng sakit na kayang kumitil ng buhay niya.

"You're getting better na ba? Sana masaya ka na ha? Sana next time maging magkaibigan na tayo." sabi niya at ngumiti sa akin.

tumayo ako sa kinauupuan ko at ngumiti sa kanya.

"Kung ano mang nangyayari sa buhay ko ay hindi ko na kailangang ipaalam sayo. Masaya ka na diba? Di mo na kailangang makisali sa buhay ng iba." sabi ko sa kanya at tatalikod na sana ng may naalala akong sabihin. "Kaibigan? Trish, it was like a kidnapper trying to keep in touch with the victim."

Hindi ka iiyak Jennica. Hindi ka iiyak. Hindi ka iiyak. pero bakit ako umiiyak? Leche

dumiretso ako sa Canteen.

pinahiran ko ang luha ko at tinext si Thomas na sa Central nalang kami magkita. Sa may fountain ng school.

"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa nagsalita.

"Jay." ngumiti ako.

"Mukha kang tanga diyan na nakatitig sa kawalan." sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Hahaha! ano bang magagawa ko?" sabi ko at binalik ang titig ko sa kawalan.

"I think he's a good guy?" tanong ni Jay at ngumiti.

"Ha?"

"Si Thomas. He could take care of you right?" tanong niya.

Natawa ako ng sarkastiko.

MTP #3: Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon