//Eighteen

969 38 4
                                    

pinahiran ko ang pawis ko kasabay ng pagbagsak ko ng isang box sa bodega. 

anong nangyari?

*Flashback*

"Ayos ba?" tanong sa akin ni April. nilingon ko siya.

yumuko ako at umiling. "Natatakot ako." sabi ko.

"Bakit?" she rolled her eyes. "Mahal mo siya?" tanong niya tumingin ako sa kanya at tumango. "May tiwala ka?" nagalinlangan akong sagutin ang pangalawa niyang tanong. "I guess malabo pa yung pangalawang tanong ko. But he loves you right? Kung mahal ka niya talaga, he will never let you go. okay?" tumango ako sa kanya at napabuntong hininga.

yun na nga e.. kung mahal niya ako. Kaso paano kung hindi pala?

nasaktan ako sa naisip ko. Tanga ko. sobra.

habang nakaupo ako sa upuan ko at nag iintay ng prof. narinig ko ang boses ni Trish mula sa labas

"Hindi mo ako iiwan diba? Hindi ka pupunta bukas. or.. kung pupunta ka. tapusin mo na lahat ng kahibangan ng babaeng yon! Patrick! You're my key to live. and my key to die!" Rinig kong hagulgol ni Trish pero wala na akong narinig pa na sumagot sa kanya.

Key to die? That's too selfish trish.

Tahimik silang pumasok sa loob ng room habang may hawak na tubig si trish at pawis naman si Pat...rick.

napaiwas ako ng tingin at tumingin sa blankong white board.

Nasanay na ako sa sakit, yung tipong hindi kumpleto ang sistema ko kung wala yang pain na yan. because pain demands to be felt. its fact! Because the sht really wants to bother us.

"Okay ka na?" dinig kong pagaaalala ni Patrick.

"Basta ba hindi mo ako iiwan." napapikit ako at napadukdok sa lamesa ko.

"Jennica, Okay ka lang?" tanong ng isa kong kaklase.

Bumuntong hininga ako at umiling.

"Masama lang pakiramdam ko. Sa init siguro" at pumikit akong muli.

masakit? haha bahala na bukas kasi kahit ano man ang mangyari, parating may masasaktan

*Kinabukasan

"Ready ka na ba later?" tanong ni April habang nagluluto ng breakfast.

"April ramdam kong hindi Okay ang pakiramdam ko pwede bang icancel na?" seryoso parang may pumipilipit sa tiyan ko.

"Nerd! No way! Tuloy na to! at kahit anong mangyari I'll be always there. promise."

"Ahhh. so makikinig ka?" tanong ki

"Oh well secret." sabi niya at ngumisi. mas may sapak kesa sa akin ang babaeng to eh!

**4pm

"Oh. eto isuot mo." initsa sakin ni April ang isang peach at cute na dress. pinartneran ng peach doll shoes.

"Hindi naman date ang pupuntahan ko e! Pwede akong mabroken mamaya!" sabi ko.

"Batuhin kaya kita ng sapatos? Apaka nega mo! malay mo makadagdag points yan para bumalik siya sayo kahit ikamatay pa ng bruhang yon." sabi niya and let a creepy laugh!

MTP #3: Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon