Jennica's POV
"Na stress lang siya, at hindi kinaya nang katawan niya yon." I heard someone said. Iminulat ko ang akong mga mata at hindi na ako magtataka kung nandito ko.
ito ang gusto ko, kasi dito ang madalas kong takbuhan pag hindi na kinaya
Unlike noon, galit na galit ako sa lugar na ito, pero ngayon I am embracing it because I am not scared whether its a good or bad thing, dahil wala nang mas sasama pa sa nararanasan ko, I'm on my peak.
"Jennica, are you on drugs or something?" salubong na tanong ni April.
"No." hindi ko alam kung narinig niya yon o ano.
"Look at you! You.. You look wasted! Alam kong broken ka at sige sabihin na nating tama ang gawin mong busy ang sarili mo pero hindi ko ikukunsinti ang mali mo."
nag iwas ako nang tingin "Hindi ko naman kasi gagawin yun, I'm not that kind of broken." sabi ko. Nakita kong nagalit siya
"So ano? Prank lang yon? Lahat kami na kasama mo nag panic!"
"No need to---"
"Osige sabihin na natin na hindi ka ganung klase nang tao, pero hindi namin alam kung anong tumatakbo sa utak mo!" galit niyang sinabi sa akin.
"And worst, may reporters sa labas! Iniisip nila na nababaliw ka na nang dahil sa pag ibig mo. Iniisip nila na you're drowning. Iniisip nila na bumababa ka nang deretso sa lupa." Galit parin siya habang nakaturo sa pinto.
"Ilang tao ba ang gusto mong magalit sayo? Ilang tao ba ang gusto mong tumalikod sayo? Jennica, wake up! Your fairytale has ended, and you're having a nightmare! Hindi na ito yung perpektong buhay, eto na yung reyalidad, kung gaano kalupit ang mundo. Jennica, Ito ang totoong kulay nang mundo, alam ko ang nararamdaman mo pero may ilalala pa yan kung hindi ka gigising sa kakaasa mo sa wala, you'll end up losing everything."
parang bumalik ako sa katinuan nang sinabi niyang mawawala sa akin ang lahat. Katugma iyon nang sinabi ni Trish, eto ba ang gusto ni Trish? Oo nga naman Jennica! You gave her, her satisfaction!
may kumatok at pumasok sa pinto, sa pag bukas nito dinig ko ang gulo sa labas at kita ko ang ilang flash sa.labas, baka ang headline bukas ay 'JennicaG is broken hearted! and tried to suicide'
nakita ko ang grupo na pumasok sa loob nang kwarto, yung kaninang tahimik ay may itatahimik pa pala, at ang malala I don't feel comfortable.
mahihiga na sana ulit ako at mag tatalukbong nang kumot nang mag salita sa Camille sa likod ko.
"So that's how you treat your visitor? Kami na nga ang nagmamalasakit ikaw pa ang may ganang mambastos?"
"Hey you! Watch your mouth o susungalngalin kita at kakaladkarin palabas! Mamili ka!" galit na untag ni April.
napatigil ako sa pag higa at na steady na parang bato.
"wala kang karapatang magalit, dahil unang una pagkakamali ni Jennica to, she chose to be like this."
napalingon ako sa kanya, sino ba kasing nagsabi na pumunta sila? Si Trish? syempre!
"Don't judge my choices if you don't know my reasons" seryoso kong sabi sa kanya.
natawa siya nang pilit "Reasons? BAKIT AYAW MONG SABIHIN YUNG RASON MO?" tanong niya nang pasigaw.
"Hey!" sigaw rin ni April "Wala akong paki kung mas marami kayo pero ipapaalala ko lang, hindi kayo welcome dito." sabi muli ni April.
BINABASA MO ANG
MTP #3: Only One
Teen Fiction|| BOOK 3 of MTP || TRILOGY || Tapos na ba talaga ang lahat matapos ang sinasabi nating 'Happy Ending' o nag sisimula palang ang panibagong yugto, Hanggang saan ang kaya nilang dalawa para sa isa't isa? Hanggang saan ang kaya nang pag ibig nila?