//Eleven

1.2K 38 4
                                    

Jennica's POV

"Bakit kayo nandito?" tanong ko kela Camille, sinundo pa talaga nila ako sa room at hinintay na matapos ang klase.

"Oo nga, Bakit kayo nandito? Lalo ka na." sabi naman ni April at itinuro si Camille.

"Na-sense kasi namin na kelangan mo kame, HAHAHA Joke, pero kasi may kasama kang B.I." parinig ni Camille kay April at ipinagdiinan yung 'B.I.' at tumingin kay April

Inirapan siya ni April

"Ma una na ako, kita nalang tayo Jen." sabi ni April sa akin habang naka halukipkip at umalis kahit hindi pa ako sumasagot.

"So close kayo?" Camille asked me.

"Siguro?" I said, she just nodded.

"Tara sa Neon." aya ni Johnny tumango nalang ako at sumama.

Habang nasa byahe, tahimik lang kame, no one speak. Pero tingin ng tingin sa akin si Camille.

"what happened?" Rein asked beside me.

I was about to say but I remembered Cyla was beside him, ayoko mamoblema sa akin si Rein, ayokong agawan siya ng panahon kay Cyla. Nginitian ko lang siya "nothing." I said.

Dumating na kami sa Neon at doon na nag simula ang pagtatanong nila.

"Anong nangyare?" Chary asked, ngumiti lang ako at umiling

"Hindi ka ba magkkwento?" Rainie asked

I chuckled "Wala naman akong ikukwento." sabi ko, at nagmamaangmaangan

Ganun lang parate, ayokong magalala sila sa akin

"Si Patrick ba?" Johnny asked, napatigil ako at ang tanging nagawa ko lang ay tumingin sa basong hawak ko.

"Nakausap namin siya, he said nakipag break ka daw, Jennica, bakit?" i found the disappointment in Camille's voice, is she doubting me?

Napabuntong hininga na lang ako at tinignan silang lahat I found their disappointed faces except for Rein and Cyla.

"She's with Trish girl Jennica, I hope you won't regret that, nakipag break ka sa taong nagpapasaya sayo at sa taong mahal mo, akala ko ba matalino ka?!" Camille suddenly shouted in front of me, she's angry.

"Camille, calm down." Johnny said at pinaupo si camille

"Kanina ko pa siya tinatanong, kanina pa ako mukhang tanga na kumakausap sa hangin." sabi niya sa kanila pero sa akin siya nakatingin yumuko ako kasi ang sakit sa puso nung sinasabi niya e, parang kinukurot yung puso ko, tinignan ko ulit yung baso at may luhang pumatak, inilapag ko yung baso sa table at huminga nang malalim.

Ngumiti ako sa kanila at huminga ng malalim "oo nakipag break ako, kasi yung taong mismong nagpapasaya sa akin at yung taong mahal ko, nasasaktan ako e, hindi ko kinaya, hindi kinaya nung pangiintindi ko." sabi ko at yumuko ulit

"Sorry, kasi akala ko rin matalino ako kaya ko ginawa tong desisyon na ito. Pero sabi nga ni April, lahat ng tao natatanga pagdating sa pagibig." tumayo ako at kinuha ang lahat ng gamit ko. "Sorry to disappoint you guys, but you disappointed me too." sabi ko nalang at umalis, alam ko ako mismo yung hindi nag salita kaya na disappoint ko yung sarili ko, pero sa oras kung saan kelangan ko ng pangiintindi nila, tsaka sila kinulang doon. Naiintindihan ko kung bakit sila nagagalit sa akin, kasi pinakawalan ko yung taong mahal ko.

MTP #3: Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon