Jennica’s POV
“Wait. What?” gulat na tanong sa akin ni Patrick.
Tumawa siya yung tawa na peke
“Jennica.. JC..” tawag niya sa pangalan ko. Hindi ako nagsalita.. Hindi ako makapag salita..
“B-Baka naman nabibigla ka lang? I’m going to listen-----“
“stay away from her” tama naman diba? Tama naman ako? Pinapalayo ko siya sa taong sumisira sa aming dalawa..
Tinignan niya ako ng blanko, seryoso pero blanko. “I’m going to listen… But don’t ask me to stay away from her.”
Sumakit ata yung puso ko sa sinabi niya, naramdaman ko nanaman yung mga karayom na tumutusok.
“You listened..But clearly.. you’re choosing her.” Yumuko ako at inalala ang lahat ng memories naming pero bakit ganun? Parang wala akong maalala, nagagalet ako sa kanya kasi hindi ako ang pinili niya.. Ay mali.. pinili niya ako.. pinili niya akong bitawan.
Hindi ko maalala lahat ng good memories, puro bad memories ang nasa isip ko ng dahil sa galit. Pero may kaisa isang memorya sa utak ko.. Yun ay yung ngiti niya.
“Matapos ang lahat. Ako.. Ako parin ang bibitawan mo.”
“You’re too much.. You’re too selfish para papiliin ako, akala ko maiintindihan mo ako.” Tinignan ko siya na seryoso at blanko parin ang ekspresyon
Huminga ako ng malalim “Inintindi kita.. Pero masyado ka nang malalim para maabot ko pa.”
Nakita kong may pumatak na luha sa mata niya.
Lumuhod siya sa harap ko habang nakayuko.
“I’m sorry.. I’m sorry. Please.” Nabasag ang boses niya at hindi ako nag kamali, umiiyak siya..
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sa balikat…
“Salamat.” At tinalikuran siya, noong una at naglalakad lamang ako hanggang sa bumilis ang lakad ko at hindi ko na namalayan tumatakbo na ako.
Hindi ko Makita ng matino yung dinadaanan ko dahil iyak ako ng iyak at wala pa yung contacts ko
Habang tumatakbo pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, nagagalit, nasasaktan.. pero imbis na mabawasan yung tinik sa puso ko, lalo lang atang dumami ang nakatusok ditto
“ang pangit mong umiyak bakit ganun? Ang pangit mo.” Tinignan ko yung nagsalita.
Pero iniwasan ko rin siya ng tingin nang makilala ko siya.
“Pero kahit na ang pangit mong umiyak.. Sige umiyak ka lang. Iiyak mo at ubusin mo ang tubig sa katawan mo hanggang mamatay ka diyan.” Sabi pa nito, Hindi ko alam kung nag bibiro ba siya nang cocomfort! PERO IBANG KLASE YUNG PAGCOCOMFORT NIYA.
“BWISIT KA! BWISIT KAAAAAAA!” sabi ko at pinaghahampas siya “Lumayo ka sakin.. Please.” Sabi ko at tumayo pero na out of balance ako ng may natapakan akong bato kaya siya yung sumalo sakin.
“Siya?” nakita ko malapit sa amin si Patrick, blanko nanaman yung itsura niya.
“Kaya ba nakikipag break ka ng ganun kadali kasi may gusto ka nang iba?”
Tinignan ko lang siya.
Tumawa siya yung mapait na tawa.
“Wag kang gumawa ng sarili mong dahilan.” Seryoso ring sabi ni Jay
“WHAT NOW? HINDI KA MANLANG BA MAG EEXPLAIN?!” napatingin kami sa lugar na yon ng marinig ko ang sigaw ni April.
Pinunasan ko ang luha ko at pumunta sa lugar na yon.
Si Nate.. Ibang iba.. Sobra.. hindi siya yung Nate na boyfriend ni april.. Hindi siya yung nate na kaibigan ko.
Nakita ako ng ni Nate at ngumiti siya sa akin may mali eh.
Tumingin sa akin si April at hinila ako palabas ng school.
**
Buong byahe hindi nag salita si April walang nag salita sa aming dalawa. Nakatutok lang siya sa daan ako nakatingin sa bintana.
May mali talaga.
Dumiretso kami sa kwarto ko
Maya maya lumabas ng kwarto si April at pumasok na may dalang ice cream at dalawang kutsara, nag play siya ng movie, pero ibang klaseng movie. Yung movie na puro action hindi basta action, patayan talaga.
Tas maya maya lovestory naman yung sinalang niya sa DVD.
“ang tanga tanga naman nung babae! Tapos itong lalake naman susuko agad ng ganon?! Anong klase palabas ba to?! NAKAKABWISIT AH!” tas sumubo siya ng sunod sunod sa ice cream
Tas sinalang niya naman yung hunger games.
“APAKA MANHID NAMAN NI KATNISS! AYUN NA SA HARAP NIYA NAGHAHANAP PA NG PANGET! HAHAHAHA. ETO NAMANG SI PEETA TORPE.”
Tas maya maya comedy naman yung pinanood niya
Tawa siya ng tawa na halos maiyak na siya.
Tapos habang tumatawa siya umiyak na talaga siya.
“April, okay ka lang?”
“Ha-ha-ha.. nakakatawa. Pero bakit ganun? Tumatawa ako pero ang sakit ditto.” Tapos tinuro niya yung chest niya “Tapos eto naming mata ko bigla nalang iiyak. Masaya ako diba? Bakit bigla akong umiyak?” tas hindi niya na napigilan umiyak na siya ng umiyak ako naman pinatay ko yung tv kasi ang awkward umiiyak siya pero comedy yung palabas.
Tumabi ako sa kanya.
“Wala na.. Wala nang pagasa.. Sumuko na siya.” Yun yung sinabi niya sa akin.
“Haaay. Ano ba yan dinaig ko na yung crying ladies. Kaya ikaw, wag kang sumuko ha?” napatigil ako sa sinabi niya.
At naiyak ako. Tapos bigla siyang sumeryoso at tumingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya kahit yung pilit lang “Break na kami.” Sabi ko sa kanya.
“WHAT?!”
“April, I deserve something better.. I don’t deserve him and I think.. He don’t deserve me either.”
“Nababaliw ka na ba? You told me to stop chasing nate away pero ikaw, ikaw ang bumitaw sa inyo ni Patrick!”
“I feel nate! April! Parang nasa iisang sitwasyon kame pero yung kanya yung hindi dapat sukuan, Nasa iisang sitwasyon pero magkaiba yung takbo. Me? I am waiting pero kame para kaming nasa bangin Ako na lang yung nakahawak sa kanya samantalang siya nakabitaw na. Yung parang.. Ako nalang yung nag pipilit na meron pa.”
Kumuha akong tissue at pinunasan ang pisngi ko
“Sinabi ko naman sayo noon diba? Kung kami talaga. Kami talaga pero ngayon, sige hahayaan ko munang paglaruan ako ng tadhana, hanggang sa mapagod ako at tumigil.”
BINABASA MO ANG
MTP #3: Only One
Teen Fiction|| BOOK 3 of MTP || TRILOGY || Tapos na ba talaga ang lahat matapos ang sinasabi nating 'Happy Ending' o nag sisimula palang ang panibagong yugto, Hanggang saan ang kaya nilang dalawa para sa isa't isa? Hanggang saan ang kaya nang pag ibig nila?