Jennica's POV
"A-April, Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay April pagka-upo niya sa may driver's seat ng sasakyan niya.
"Listen, nerd. You. Owe. Me. Something" at pinaandar niya na ang sasakyan
"Y-Yung kanina.. Ahmm.. Salamat. Pero S-Si Trish namumutla siya----"
"And what? c'mon! Jennica stand up! akala ko ba natuto ka na? Tsss. Bakit ba pilit mong itinatama ang mali? Look, hindi kita tinulungan para sa wala, irita lang talaga ako sa tuwing nagluluha yang mga mata mo kada makikita sila. Pareho lang tayong may galit sa mag pinsan na yon." at bumuntong hininga siya at pairap na tumingin sa dinadaanan
"Mga manlolokong hindi kayang panindigan yung mga sinasabi." bulong niya pa.
"Bakit hindi mo kayang bigyan ng second chance?" tanong ko sa kanya.
tinignan niya ako ng masama at bumuntong hiningang tumingin sa daan
"nag aantay lang ako, na ma satisfy sa sinseridad niya, Pero wag kang magalala, kahit ganito ako nag bibigay ako ng second chance." sabi ni April at ngumiti
"Ikaw ba?" tila nag balik ang kamalditahan niya.
magbibigay pa ba ako ng chance?
tumingin ako sa bintana.
"Haaaaaays, Second Chances are okay, third is too much, and fourth ewan, kabobohan at katangahan na yon." sabi niya at tumingin sa akin.
"So ibig sabihin tanga ako?"
"Oo, parang ganon na nga, nerd na bobo." sabi niya hindi niya inisip na sensitive na yung maari niyang masabe pero yun yung totoo at isa pa si april yung tipo ng tao na straight to the point wala nang paligoy ligoy pa.
"Lahat ng tao natatanga pag dating sa pag-ibig kaya wag kanang mag taka kung isa ka sa kanila, tanga." sabi niya pa sa akin.
"Oo na, alam ko na pero mahal ko eh."
nag punta kami sa mall at ginawa niya akong tagabit bit -_-
nag punta kami sa cupcake house.
"So, ano nang balak mo?" tanong sa akin ni April.
ngumiti ako sa kanya ng alanganin
"Alam mo yung tadhana?" tanong ko kay April.
tumango siya pero halatang nagtataka
"Kung kami talaga para sa isa't isa, kami talaga hindi ko na kelangang ipagpilitan pa. Tsaka sabi mo nga, hindi to fairytale, reyalidad ito." sabi ko sa kanya
"sa paggising mo kay Trish, ako pa ata yung nagising." natawa ako ng kaunti.
inilabas ko ang cellphone ko tinext ko siya. Si Patrick at sinabing magkita kami, bukas.
"Hmm. Saan ba maganda ngayon?" pag iisip ni April.
"TIME ZONE!" sabi ko sa kanya
"Time zone? Ew! Ano ka bata?"
"Bakit sino bang nagsabi na pambata yon?" at hinila siya papunta sa 4th floor.
nag laro lang kami doon at nag ubos ng oras.
inabot din kami ng 7pm doon
hinatid niya ako sa bahay pero laking gulat ko ng patayin niya ang makina ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
MTP #3: Only One
Teen Fiction|| BOOK 3 of MTP || TRILOGY || Tapos na ba talaga ang lahat matapos ang sinasabi nating 'Happy Ending' o nag sisimula palang ang panibagong yugto, Hanggang saan ang kaya nilang dalawa para sa isa't isa? Hanggang saan ang kaya nang pag ibig nila?