Jennica's POV
pumasok na ako sa classroom, pinagtitinginan ako ng lahat.
"Break na daw sila."
"Bakit kaya?"
"Sayang naman"
"Awwww. kaya pala ganyan siya"
"Mukhang naluge? Syempre! Patrick yon eh."
"Si Trish kasama niya si Patrick kanina eh."
"Ano ba yan"
"Okay lang yan mas maganda si Trish"
"Mas okay parin ang JenRick"
padabog kong binagsak yung notebook na binabasa ko, kaunti lang ang tulog ko, mainit, mainit rin ang ulo ko.
Stressed na stressed na yung tao pag uusapan pa nila?
Natahimik silang lahat tinignan ko silang lahat na naguusap usap.
"Ano? Wala na bang ilalakas yang bulungan niyo? gusto niyo ako mismo magpakalat? OY BREAK NA KAMI NI PATRICK! ayan! masaya na kayo?!" sabi ko at isinigaw ko talaga yung break na kami, yun naman ang gusto nila diba?
taas baba yung balikat ko at ang bigat ng paghinga ko, parang sandaling sigaw lang naman yung nagawa ko pero hingal na hingal ako.
All those girls who admires me were gone with the wind, mga sipsip, mga plastik! Oo hindi ako yung tipo ng babae na magsasalita ng ganyan. Pero natapat sila sa 'bad day' ko
"Nababaliw na ba siya?"
"Grabe yan ba yung tunay na kulay niya?"
tinignan ko ulit yung dalawang babae.
"GUSTO MO MAGPALIT TAYO NG PWESTO? IKAW DITO AKO DIYAN, IKAW ANG MASASAKTAN IKAW ANG PAG UUSAPAN, AT IKAW ANG HUHUSGAHAN KAHIT ANO PA MAN ANG GINAWA MO TAMA MAN O MALI." sabi ko sa kanya
naramdaman kong nagluluha na yung mata ko
kinuha ko lahat ng gamit ko at lalabas na sana ng room, nakasalubong ko pa si Nathan
"Hi Jennica-----" wala akong pinansin, kahit sino hindi ko pinansin.
nakita ko rin si April pero hinayaan nila lang ako
Wala kahit sino ang pinansin ko
April's POV
"Anong ginawa niyo?" tanong ko sa mga blockmate namin. Hindi ako nagmamaldita, nakakaasar kasi. Sa dami nilang yan nag iisa lang si Jennica.
walang umimik sa kanila.
"tinatakot mo sila." sabi sa akin ni Nate.
tinignan ko siya "Pake mo?"
lumapit ako doon sa babaeng naka yuko.
"What did you do?" tanong ko sa kanya.
tumingin siya sa akin na umiiyak.
"Hah. WAG MO AKONG IYAKAN BTCH! TELL ME WHAT HAPPENED!" sigaw ko sa kanya
sinabi niya naman na bigla nalang daw nagalit sa Jennica dahil pinagbubulungan daw siya.
"Insensitive. Yun kayo." sabi ko sa kanila.
"Parang ikaw?" tanong ni Nate pag tingin ko nasa likod lang siya kaya sobrang lapit niya sa akin
BINABASA MO ANG
MTP #3: Only One
Teen Fiction|| BOOK 3 of MTP || TRILOGY || Tapos na ba talaga ang lahat matapos ang sinasabi nating 'Happy Ending' o nag sisimula palang ang panibagong yugto, Hanggang saan ang kaya nilang dalawa para sa isa't isa? Hanggang saan ang kaya nang pag ibig nila?