Prologue

18.6K 232 5
                                    

PART I:

Prologue

"Walang mommy! Walang mommy! Abnormal!" Malakas na sigaw ng mga batang nakapaligid kay Mary Rose.

"Dalawa naman ang Daddy ko!" Ganting sigaw niya.

"Kahit na! Bakla naman! Bakla! Bakla!" Lalo pang lumakas ang sigaw ng mga ito at halos kuyugin na siya.

Galit niyang itinulak ang batang nagsabi noon. Naiyak na siya dahil sa galit sa mga ito. "Wala kayong pakialam!"

May humila sa buhok niya habang ang batang itinulak niya ay malakas din siyang itinulak. Dahil sa puwersa ay natumba siya sa lupa. Gumasgas ang braso niya sa mga bato doon at naramdaman niya ang paghapdi ng braso niya. May umapak pa sa paa niya kaya lalo siyang napaiyak.

Sabi ng Dada at Papa niya, huwag na niyang pansinin ang mga nanunukso sa kaniya pero hindi siya makaiwas dahil sadyang hinaharang siya ng mga batang nanunukso sa kanila kahit pa anong iwas ang gawin niya. Dati ay gusto niyang makipaglaro sa mga ito pero ayaw siyang isali at lagi siyang tinutukso na umaabot pa nga minsan na nasasaktan na siya ng pisikal ng mga ito.

"Hey! What's there?"

Nagkagulo ang mga nakapaligid sa kaniya kasabay ng bulong-bulungan kasunod ng nagmamadaling pag-aalisan ng mga ito.

"Are you all right?"

Nagtaas siya ng tingin sa batang nakayuko sa kaniya. She squinted her eyes, his face was shadowed by the sun.

"Here, hold my hand," wika ng bata habang ini-stretched nito sa kaniya ang isang kamay.

Kumapit siya dito at mabilis siyang hinila patayo ng batang lalaki. Pinunasan niya ng likod ng palad ang mukha niyang puno ng luha at sipon. "S-Salamat,"

"No problem. Let's go and sit on that bench," wika nito na hindi na hinintay ang sagot niya at iginiya na siya nito sa isang malapit na bench.

Inalalayan siya nito hanggang sa makaupo siya. "S-salamat uli sa pagtulong mo." Napatitig siya sa batang lalaki na sa tingin niya ay halos kaedad lang niya. Ang unang nakakuha ng pansin niya ay ang kulay abong mga mata nito. Kasunod noon ay ang lagi nitong pang-e-english at halatang galing ito sa mayamang pamilya.

Tumango ang bata. "Bakit ka nila pinagtutulungan?"

Huminga siya ng malalim. "Dalawa kasi ang tatay ko at wala akong nanay."

Napakunot-noo ang bata at tinitigan siya. "You have two fathers? How come?"

"Ampon ako nila Dada at Papa simula noong ipinanganak ako at silang dalawa na ang nakalakihan kong magulang. Wala namang masama kung dalawa ang daddy ko. Mahal na mahal naman nila ako. Hindi ko sila naiintindihan kung bakit tinutukso nila ako dahil doon." Hindi niya alam pero magaan na ang loob niya sa batang lalaki na para bang matagal na silang magkalaro. O baka dahil sa sabik lang siya sa isang kaedad niya kaya natutuwa siyang kinakausap siya at tinulungan ng batang lalaki. Sa loob kasi ng walong taon niya sa mundo, ngayon lang may batang kumausap sa kaniya na hindi siya inaaway.

"I see. Here," inabutan siya nito ng panyo. "Wipe your tears and snot," pabirong utos nito sa kaniya.

Kinuha niya ang panyo at mabilis na pinunasan ang luha at sipon niya. "Hindi mo ako aawayin?"

Tumaas ang kilay nito. "Bakit naman kita aawayin? Why do I care if you have two fathers? Masuwerte ka nga dahil dalawa sila. Me? I don't have one."

"Bakit?" Interesado niyang tanong at nakalimutan na niya ang mga kaaway niya kanina.

"Hindi ko na siya nakilala simula ng ipinanganak ako. According to my mother, he died when I was still a baby."

Tumango-tango siya. Nakikita niya sa batang lalaki ang lungkot at pagkasabik nito sa isang daddy. Suwerte talaga siya at dalawa ang sa kaniya.

"Anyway, I'm Antonio Carlos Elizalde but you can call me Ace. You, what's your name?"

"Mary Rose Balbuena," pakilala niya sa sarili. "Rose na lang din ang itawag mo sa akin.

"Nice meeting you, Rose. It's good to know that I have a new friend." Sinserong wika nito na maluwang na nakapagpangiti sa kaniya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay may kaibigan na siya.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon