"Again?" There was annoyance in the speaker's voice.
Nilingon ni Mary Rose ang nagsalita, pero kahit hindi niya iyon gawin ay alam niya kung sino ang nakasandal sa katabi niyang locker. It was Antonio Carlos Elizalde, better known as Ace throughout the university. Isa ang lalaki sa mga limang pinakasikat at pinakamayayaman na estudyante sa school nila, ang Raleigh University. It is a premier private school for the elites.
Nagkibit-balikat siya at ibinalik ang atensyon sa locker niya saka isa-isang tinanggal ang mga basurang ikinalat sa loob ng kung sinumang may galit sa kaniya. Nagagawa iyong buksan kahit anong lock pa ang ilagay niya. Sanay na siya doon at kahit anong gawin niyang pagkainis ay wala namang mangyayari. At ang katabi niyang lalaki ang isa sa pinag-ugatan ng mga dahilan kung bakit siya nabubully sa school.
Una, isa siya sa dalawa lang na babaeng super close kay Ace at sa apat pa nitong mga kabarkada na sina Dash, Russell, Nico at Yael.
Pangalawa, scholar lang siya sa RU at sa tingin ng ibang estudyante ay wala siyang karapatang makipag-mingle sa mga mayayamang tulad ni Ace at ng mga barkada nito. Ang gusto ng ibang naiinggit sa kaniya ay lumagay siya sa dapat niyang kalagyan, doon sa mga katulad niyang mahihirap at wallflower at dinededma. Masyado raw siyang social climber sa pakikipag-ugnayan sa mayayaman.
Pangatlo, dahil sa scholar siya, siya lagi ang top student sa school nila at lalong hindi mapakali ang mga bashers niya. Hindi makatulog ang mga ito sa panggagalaiti sa kaniya.
Pang-apat, napaka-ordinaryo ng itsura niya. Aminado naman siyang hindi siya maganda, hindi siya sexy at hindi siya mestisa. When it comes to physical looks, she was just a mediocre. Hindi maganda, pero hindi rin naman siguro ganoong kapangit. Pero hindi naman siya vain at wala siyang pakialam sa panlabas niyang anyo. Higit na mahalaga sa kaniya ang maka-graduate ng may pinakamataas na karangalan dalawang taon mula ngayon. Kasalukuyan siyang second year college at kumukuha ng kursong BS Biology. Preparasyon niya iyon upang maging isang doctor. Iyon kasi ang pangarap niya at ng mga magulang niya.
At ang pang-limang rason kung bakit maraming nanggugulo sa dapat ay tahimik niyang buhay ay ang mga magulang niya. Hindi kasi ordinaryo ang pamilya niya. Dalawa ang tatay niya at wala siyang nanay. Gay couple ang parents niya, ang Papa Mario niya at ang Dada Roger niya. Pinsang makalawa ng biological mother niya ang Papa Mario niya. Sixteen lang nanay niya ng ipagbuntis siya. Hindi na nga ito pinanagutan ng tatay niya, namatay pa ito sa panganganak sa kaniya kaya ang Papa Mario niya ang umampon sa kaniya.
Ito kasi ang tanging kapamilyang tumulong sa nanay niya noong wala itong masulingan. Noong panahong iyon ay boyfriend na ng Papa niya ang Dada niya. Kahit hindi recognized ang gay domestic union sa Pilipinas, nagsama ang Papa niya at ang Dada niya at bumuo ng pamilya kasama siya. Iyon ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay niya. Mahal na mahal siya ng mga ito at itinuring ng higit pa sa tunay na anak. She was loved and well taken care of. And she loved both of them the most.
Nagtratrabaho sa gobyerno ang Papa niya, naka-assign ito sa kinukuhan ng NBI, at may parlor naman ang Dada niya. Hindi sila mayaman at kumakayod lang ng husto ang mga magulang niya upang mabigyan siya ng magandang buhay. Suwerte siya at matalino siya kaya simula noong mag-aral siya ng elementarya ay scholar siya. Kaya nitong kolehiyo ay nagawa niyang kumuha ng pre-med na kurso kahit napakagastos ng kursong iyon.
"Here, give it to me," hindi pa man siya nakakagalaw ay kinuha na ni Ace ang mga basura sa kamay niya at pabalibag na itinapon sa katabing trash bin. "Bakit ba kasi hindi ka pumayag na hanapin ko ang gumagawa ng mga iyan?"
Huminga siya ng malalim. "Walang saysay na pag-aksayahan ko pa sila ng panahon ko. Mas mabuting ituon ko na lang ang atensyon ko sa pagrereview para sa mga exams ko." Isinarado niya ang locker, hindi na niya iyon nilalagyan pa ng lock. Nauubos ang pera niya sa lock na nabubuksan din naman ng mga inis sa kaniya. Wala rin namang silbi ang CCTV sa locker area nila dahil mukhang may nagbabantay doon na kakampi ng kung sino mang nagbubukas ng locker niya kaya hindi na siya nag-aaksaya pa ng panahon.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 04: Faraway
RomanceAminado si Rose na hindi siya maganda o sexy. Utak lang ang mayroon siya pero himala ng mga himala, mahal na mahal siya ng kababatang si Ace na isa sa mga pinakasikat na estudyante sa Raleigh University. Naging pormal ang kanilang relasyon noong 18t...