Chapter Twelve

5.8K 111 5
                                    

"Ready, babe?" Tanong ni Ace kay Gail na kakalabas lang ng kuwarto nito, nasa braso nito ang white lab coat at isa namang medicine bag sa kaliwang kamay.

"Yep, let's go." Nauna itong lumabas at bago sila umalis ay sinigurado nitong naka-lock ang pinto at naghintay na sila ng pagdating ng elevator. Hindi naman iyon natagalan at ilang sandali pa ay nasa parking lot na sila at inilalabas na niya sa building ang sasakyan niya patungo sa main road. Madaling araw pa lang at hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na sila.

Papunta sila ni Gail sa isang rural na baranggay sa Santo Tomas, Pangasinan – isang fifth class at pinakamaliit na municipality sa Pangasinan - para sa isang Medical and Dental Mission ngayong buwan ng Abril. Volunteer dentist si Gail sa Mission for the People. Mission for the People is a registered non-profit Dentistry and Medical society that is purely civic and social in nature. Ang dentistry society ay binubuo ng mga dentists, nurses, hygienists, dental assistants, medical and social workers at iba pang mga volunteers. Layon ng mga ito na makapagbigay ng libreng dental services at basic humanitarian care sa mga mahihirap at nangangailangan lalo na sa mga tago at liblib na lugar.

Isa sa mga silent donor ng Mission for the People ang Oasis Land, isa sa mga subsidiaries ng Elizalde Enterprises, Inc. Ito ang branch ng negosyo nila na para sa property developments ng mga housing, condominiums at office spaces. Matagal na silang nakikipagpartner sa Mission for the People pero ngayon ang kauna-unahang pagkakataong pupunta siya ng personal. Ito rin ang unang taong karelasyon niya si Gail at niyaya siya ng babae kaya pumayag na rin siya.

"Excited na ako para sa project na ito," wika ni Gail habang tinatahak ng sasakyan ang kahabaan ng SCTEX. "Sana mas marami pang pumunta ngayon compared last year, at mag-avail ng mga free services."

"Yeah, I hope so. Lalo pa ay may kasabay na medical mission." Sagot niya. May sister society ang Mission for the People Dentistry Society, ang Mission for the People Medical Society, ito naman ang nagcocover ng medical side ng missions. May mga doctors, nurses, pediatricians, ophthalmologists at technicians at mga volunteers din ang grupo.

"Anyway, for sure, darating din ang mga nuns from Sisters from the Monastery of the Blessed Heart of Mary. Galing sila sa Baguio pero matagal na silang volunteers ng Mission for the People dito sa Central Luzon. Tuwing may mission ay pumupunta sila."

"I didn't know that you knew some nuns,"

"Yep. Student pa lang ako ay volunteer na ako ng Mission for the People at marami na rin akong napuntahan at nakilalang mga tao. You'll like the sisters. Sobrang mababait sila at matulungin, especially sina Mother Cristina at Sister Rose."

Napatuwid siya ng pagkakaupo at humigpit ang hawak niya sa manibela noong marinig ang pangalang binanggit ni Gail. Rose? What a common name. If you'll take a time looking up in the name registry, there will be a lot of woman whose name is Rose. Kahit nga siguro i-Google mo lang, sangkaterbang Rose ang lalabas. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin niya maiwasang maapektuhan kapag naririnig ang pangalang Rose, katulad ngayon.

"They're really helpful especially Sister Rose. She's super dedicated. Ilang beses ko na rin siyang nakasama bilang volunteer. She's very compassionate," patuloy pa ni Gail na para bang hindi nito napansin ang naging reaksyon niya.

At ipinagpapasalamat niya iyon. Hindi na kailangan pang malaman ni Gail na apektado pa rin siya kahit ng isang simpleng pagbanggit sa pangalang Rose. Nagkibit-balikat siya. "Well, I guess nuns tend to be selfless."

"Yep, you're right. At sina Mother Cristina at Sister Rose ang pinakapaborito kong mga madre. Kapag nandoon sila ay ipapakilala ko sila sa 'yo. Tiyak na magugustuhan mo sila."

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon