Chapter Fourteen

5.8K 115 6
                                    

"Hey, long time no see!" Hinalikan ni Gail si Ace sa labi at hinila siya papasok sa condo nito.

Tipid siyang ngumiti at walang imik na nagpahila sa babae.

"I'll get you something to drink," wika nito.

Bago pa siya makatutol ay lumiko na ito patungo sa kusina. Pero maigi na rin sigurong uminom siya, pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Katulad ng sinabi niya sa mga kaibigan kahapon sa flybridge ng Randy's Sweetheart, nagdesisyon na siyang harapin si Gail, kaya naririto siya ngayong gabi. Pero hindi pala iyon ganoong kadali. He doesn't want to see the hurt in Gail's face. Pero alam din niyang kailangan niya itong gawin kahit anong mangyari.

"Here," inabutan siya ni Gail ng wine glass.

Kinuha niya iyon at tinitigan ang likidong laman niyon. Deep red wine. An epiphany? Alam na ba ni Gail ang sadya niya at pula ang wine na inilabas nito? Red for a bleeding heart, huh. At lalo tuloy siyang nahihirapang sabihin kay Gail ang lahat.

"Hey, you're okay?"

Napakurap siya. Hindi niya namalayang nakatayo na ang babae sa harapan niya. Iniangat nito ang kamay at hinaplos ang pisngi niya. "You look lost. May problema ba? You've been so busy this past month. Hindi tayo masyadong nagkakausap."

Huminga siya ng malalim at tumingala. GInagap niya ang palad nitong nasa pisngi niya at banayad iyong pinisil. "I need to tell you a story."

"Ooookay, shoot. Anong story?" Salubong ang kilay na tanong ni Gail na mukhang takang-taka sa inaasal niya.

Binitawan niya ang palad nito at tumayo. Lumapit siya sa malaking portrait na nakasabit sa gilid ng TV. Isang babae iyon na nakatayo sa ilalim ng isang puno at nakatanaw sa dalampasigan. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito at kitang-kita sa expression ng mukha nito na nalulungkot ito sa pag-iisa. The painting was so depressing. Hindi tamang iyon ang nasa harapan niya ng mga oras na ito. Pumihit siya paharap kay Gail. Nakatayo pa rin ito sa tabi ng sofa at kunot ang noong nakatitig sa kaniya.

"I'm getting nervous. Ano ba ang sasabihin mo?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Thirteen years ago, I lost someone I love so much."

Hindi sumagot si Gail, nakatitig lang ito sa kaniya, pero pagkaraan ay tumango ito. "Go on,"

Tumango rin siya. "Magkaibigan kami simula noong nine years old ako at eight siya. We're childhood sweethearts. Naging formal ang relasyon namin noong eighteen na siya. And then she left without any reason or explanation. Masyado akong nasaktan, nagalit, napabayaan ko ang pag-aaral ko pero kinailangan kong bumangon. I did that, yeah, but it was like an automaton. Pakiramdam ko noong umalis siya, tinangay na niya ang buhay ko.

"I was living just for the heck of it. No purpose, no dreams, no happiness, nothing. Wala akong naging seryosong relasyon. I've been the group whore. I keep on jumping from one bed to another, from one woman to another. For twelve years, I was like that. Walang emosyon, walang pakiramdam."

Napakagat-labi si Gail pero hindi niya mabasa ang emosyon sa mukha nito. "It was Rose, right? Ang narinig kong pinag-uusapan ninyo ni Yael sa kasal ni Russell at Grace."

Tumango siya. "But everything changed when I met you. You gave me hope, Gail. Binago mo ang tingin ko sa buhay ko. Naramdaman kong may liwanag pa pala. May pag-asa pa akong sumaya. You gave me happiness. You thawed my frozen heart and healed my broken heart."

Tumango si Gail. "I love you. Gusto kong maging masaya ka. Alam kong napag-usapan na natin ito noong matapos ang kasal ni Russell at marinig ko ang usapan ninyo ni Yael. Alam kong hindi lang ako ang nasa puso mo, may isang babaeng matagal na nandiyan at kahit ano siguro ang gawin ko, hindi ko na siya mapapaalis. Hindi ko makukuha ang lugar niya sa puso at isip mo," isinuklay nito ang nanginginig na kamay sa buhok. "It was okay with me. Basta alam kong ako ang ngayon mo. I had this hope that I'll be your future as well."

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon