Chapter Eleven

5.7K 105 4
                                    

"Hi, babe! Welcome home!" Masiglang bati ni Gail kay Ace ng pagbuksan siya ng pinto ng condo ng babae. Hinalikan siya nito sa labi at hinila papasok. Inanyayahan siya nito doong maghapunan ng gabing iyon lalo pa at Biyernes naman ngayon. Sinabi nitong ipagluluto siya nito ngayong gabi. Paminsan-minsan ay ipinagluluto siya ng babae kapag hindi ito masyadong abala. Minsan ay sa condo nito sila kumakain o kung hindi naman ay sa bahay niya. But most of the time, they're dining out because of their busy schedules.

Tumuloy siya sa living room at hindi niya maiwasang maamoy ang paligid. May masarap na amoy ang nanggagaling sa kusina. "That smells good. Anong niluluto mo?"

Maluwang na ngumiti si Gail pero bago pa ito makapagsalita ay lumabas mula sa kusina ang mommy niya.

"Mom? Anong ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong. Hindi niya inaasahan ang ina ngayong gabi.

Nagkibit-balikat ito. "Nabanggit ni Gail na pupunta ka ngayong gabi rito. That's why I'm here. I wanted to eat with you both."

Lumapit si Gail sa mommy niya at umabrisyete ito sa matandang babae. "I invited her. Kapag nagkaka-usap kami ay nababanggit niyang hindi na halos kayo nagkikita kaya naisip kong papuntahin siya ngayong gabi."

"And that's sweet of you," nginitian ng mommy niya si Gail.

"I see." Iyon na lang ang sinabi niya. "Well, I'm kinda hungry. Can we start?"

"Not yet. Maupo ka muna sa living room and I'll bring coffee first, or wine, whatever you preferred. Napaaga ang dating mo at hindi pa handa ang lahat. You can chat with your mom first if you want," wika ni Gail saka ito bumaling sa mommy niya. "What do you want, Mommy Celeste?"

Kumumpas ang mommy niya. "Don't worry about me."

"And you, babe?" Baling ni Gail sa kaniya.

"I'll wait."

"Okay then, babalikan ko na ang niluluto ko," masiglang wika ni Gail bago ito tuluyang tumalikod.

"What a sweet, sweet girl. That's why I like her so much." Wika ng mommy niya.

Yes, his mom loves Gail so much. Botong-boto ang ina sa girlfriend. Minsan nga ay pakiramdam niya ay mas mahal ng ina si Gail. Malapit ang dalawa at ang alam niya ay laging nagkikita ang mga ito. "That was just plain obvious." Sagot niya makaraan ang ilang sandaling pag-iisip.

"She's a gem. And I think you'll be a fool if you let her go. Nagkaka-edad ka na. Isn't it time for marriage and children?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya. "And Gail is the perfect daughter-in-law."

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ang ina. Halos malapit na itong magsisenta anyos pero hindi iyon halata sa ina. She was still beautiful and graceful and regal. Para ngang hindi ito tumatanda. Pero hindi na ang negosyo at pera ang priority nito. Ilang taon na rin siya ang CEO ng Elizalde Enterprises, Inc. His mother was just watching from the sideline. Ibinigay na nito sa kaniya ng buong-buo ang pamamahala sa iba't ibang negosyo nila. They have banks, property developments, freight companies, beverages companies at chain of hotels.

Lahat iyon ay minana ng ina sa mga magulang nito na lalo nitong pinalago sa pagdaan ng panahon. Pero ang kapalit noon ay ang napakalaking pagkukulang nito sa kaniya habang lumalaki siya. Mas importante rito ang magpayaman ng husto. Noong bata pa siya, hindi niya naramdamang ang pag-aaruga nito dahil masyado itong istrikto, determinado at nakatuon ang buong pansin sa pagpapalago ng mga kayamanan. It was like she was just tolerating his existence in favor of growing her money.

Sinabi nito minsan sa kaniya na ginagawa nito ang lahat para bigyan siya ng magandang buhay kaya nito pinapalago ang mga negosyo nila. Pero mas gusto niya ang magkaroon ng isang mapagmahal na ina kaysa sa malaking kayamanan. Pero hindi iyon naiintindihan nito. Hanggang sa makilala niya at maging kaibigan si Rose. Iyon ang naging simula para pansinin siya ng ina. Pero mas gugustuhin niyang bumalik sila sa dati na para bang dinadaan-daanan lang siya nito at parang hindi siya nakikita kaysa naman lagi silang nagkakagulo.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon