Chapter Thirteen

6K 102 2
                                    

"Are you okay?"

"What?" Nag-angat siya ng tingin mula sa pagtitig niya sa bote ng white wine na nakababad sa bucket na iniwan ng waiter nila kanina pagkatapos silang salinan ni Gail sa kanila-kanilang wine flute. Sinundo niya si Gail mula sa clinic nito kanina at nagpasya silang magdinner sa labas. Pero wala sa pagdidinner ang isip niya. Naglalakbay iyon, napakalayo.

Nagkibit-balikat si Gail at nakatitig ito sa kaniya. "You've been different."

Nagsalubong ang kilay niya. "Different? How?"

Sumimsim si Gail sa wine nito saka ibinaba ang baso sa lamesa. "Halos dalawang linggo ka ng tahimik. It's not like you that's why this thing is excessive. Parang ang layo-layo lagi ng iniisip mo. May problema ka ba?" May pag-aalala sa boses at mukha nito.

It's already been two weeks? Tama nga, halos dalawang linggo na simula noong muli silang magkita ni Rose, correction – ni Sister Rose, pero hanggang ngayon ay apektado pa rin siya ng araw na iyon. Simula noon ay lalong hindi nawala sa isip niya ang babae. Paggising niya sa umaga, sa gitna ng trabaho hanggang sa bago siya matulog. And each day, for a freaking couple of weeks, the pattern will just repeat again and again. And there's this huge yearning to see Rose again. Kausapin ito at hingian ng mga dahilan sa ginawa nito sa kaniya.

Pero hindi niya alam kung tama ba iyon, kung kailangan pa ba niyang gawin iyon. May magbabago pa ba kung sasabihin sa kaniya ni Rose ang dahilan ng pag-alis nito noon? At paano si Gail? Napahawak siya sa batok at huminga ng malallim. "It's been hectic in the office lately. It's burning me out."

Napakunot-noo si Gail. "Bakit? Hindi naman iyan nangyayari sa 'yo noon. Kahit gaano karami ang trabaho mo, hindi ka naman nagkakaganito. Tuwing magkikita tayo, parang laging ang layo ng iniisip mo. You're physically here but your mind is elsewhere."

Hindi siya sumagot at muling ibinalik ang tingin sa bote ng alak. Wala siyang nahihimigang galit o pagtatampo sa boses ni Gail, tanging pagtataka at pag-alala lang. At lalo siyang nakokonsensya lalo pa at nararamdaman ni Gail na may kakaiba sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Hindi niya alam kung paano niya sisimulang sabihin na ang Rose sa nakaraan niya ay si Sister Rose na kaibigan nito. Napabuntunghininga siya ng malalim at muling tumingin sa babae kahit hindi niya gustong salubungin ang tingin nito. "I'm sorry, Gail. It's really been a terrible week at work. Napapagod lang akong masyado."

Tinitigan siya ni Gail pero pagkaraan ay tipid itong ngumiti. "Okay, if you say so. Huwag mo lang pabayaan ang sarili mo. Take some break. Ayoko ng boyfriend na subsob sa trabaho at napapabayaan na ang katawan."

"I will." Sagot niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago kay Gail ang lahat. He maybe a coward for not facing the problem head on but he was so confused. Hindi niya gustong saktan si Gail, hindi niya alam kung bakit kailangang makita pa niya muli si Rose, hindi niya naiintindihan ang mga nararamdaman niya, hindi niya alam kung may mangyayaring pagbabago kapag kinompronta niya si Rose tungkol sa nangyari noon. He was so lost. He didn't know where to go from here.

Tinitigan niya ang malaki at dalawang palapag na ministeryo na may pinturang puti at green na bubong. Sa bandang gilid at likuran ay nakikita niya ang ang mga matataas na puno at halaman. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng car seat. Hindi niya alam kung bakit siya naririto sa harapan ng Sisters from the Monastery of the Blessed Heart of Mary. Ilang linggo pagkatapos ng dinner nila ni Gail – kung saan napansin nito ang pananahimik niya dahil sa muli nilang pagkikita ni Rose – ay pabalik-balik na siya rito. Ngayong alam na niya ang ministeryo na pinagsisilbihan ni Rose, madali na para sa kaniya ang hanapin ang babae. Pero sa mga linggong pumupunta siya rito ay hindi pa siya nagkakalakas ng loob na lumabas ng sasakyan at kausapin si Rose. He didn't even know if that's allowed.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon