"Oh! Here's come the abnormal!"
Malayo pa lang ay naririnig na ni Rose ang patutsada na iyon. Paano ba naman ay napakalakas ng pagkakasabi noon na talagang ipinaririnig pa sa lahat, lalong-lalo na sa kaniya. Pero deadma lang siya, sanay na sanay na siya sa kung anu-anong tawag sa kaniya sa university na iyon. Nariyan na flirt siya, gold digger, malandi, abnormal, social climber, illegitimate child, anak ng mga nakakadiring tao at kung anu-ano pang insulto.
Noong una ay nasasaktan pa siya sa mga naririnig. Pero ipinagdiinan sa kaniya ng mga magulang na ignorahin na lang niya ang lahat ng masamang naririnig tungkol sa kaniya at sa pamilya nila. Ipasok niya raw sa isang tainga at ilabas sa kabila. The people around her shouldn't have no say on how she lives her life. Wala siyang ginagawang masama at taas ang noo at diretso siyang makakatingin sa ibang tao.
Kahit ganoon pa man, hindi pa rin niya maiwasang damdamin ang pangbubully sa kaniya na hindi na lang niya ipinapakita. But deep inside, she wanted to shout at them. Sabihin sa mga itong itigil na nila ang mga masasakit na sinasabi nila, pasakan na nila ng tela ang mga madudumi nilang bibig. Kaso hindi niya ginagawa dahil siya lang din naman ang magiging talunan kapag pinatulan pa niya ang mga makikitid na utak na mga taong iyon.
Sinalubong siya ni Marge, ang babeng tumawag sa kaniya ng abnormal, sa paglalakad niya. Isa ito sa mga minions ni Helen, ang numero unong kontrabida sa buhay niya. Nang makalapit ang babae ay sadya nitong ibinangga ang balikat sa kaniya. Saka inis siya nitong tinabig.
"Watch where you're going? Are you blind?" Angil pa nito sa kaniya na may kasama pang panlalaki ng mga mata.
Ngali-ngali niya itong suntukin dahil sa inis na nararamdaman. Pero nagulat siya ng may humila sa bag ni Marge para makalayo ito sa kaniya. Nagulat din ang babae dahil muntik na itong matumba.
"What the hell!" Sigaw ni Marge. Pero dagli itong natigilan ng makilala nito kung sino ang kadarating lang niya na tagapagtanggol.
"You're not looking at where you're going. Sinadya mong banggain si Rose," it was Celine, the campus queen. Kasingganda at kasingkinis ito ni Ruffa Gutierrez. Pero hindi ganoong kaarte magsalita.
Hindi sumagot si Marge, tinignan lang siya nito ng masama saka mabilis na lumayo sa kanila. Kumekendeng pa ito at taas na taas ang noo. Parang natutukso siyang hilahin ang buhok nito at isubsob sa putikan.
Naiiling na lang si Celine. "Wala talagang magawang matino sa buhay ang mga kaibigan ni Helen."
Nagkibit-balikat siya, kinalimutan na niya ang naisip na gawin kay Marge. "Sanay na ako, wala namang bago," ipinagpatuloy na niya ang paglalakad patungo sa susunod niyang klase. Sinabayan siya ni Celine. Kaklase kasi niya ito at kaisa-isang kaibigan niyang babae.
Noong una ay alangan pa siyang makipagkaibigan kay Celine. They were two poles apart. Bukod pa sa mayaman ito, at campus queen, napakaganda pa ng babae. Kapag magkatabi nga sila ay mukha siyang alalay nito. But Celine is the most down to earth person she had ever met. Girlfriend din ito ni Yael, ang isa sa mga kabarkada ni Ace na syempre ay kaibigan niya rin.
"Sabagay, kung papatol ka sa kanila, bibigyan mo pa sila ng kaligayahan. Let them dream on that!" Humagikgik pa si Celine.
Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Nagpapasalamat siya at may kaibigan siyang tulad ni Celine. Hindi lang siya masuwerte sa mga magulang, napakasuwerte rin niya sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 04: Faraway
RomanceAminado si Rose na hindi siya maganda o sexy. Utak lang ang mayroon siya pero himala ng mga himala, mahal na mahal siya ng kababatang si Ace na isa sa mga pinakasikat na estudyante sa Raleigh University. Naging pormal ang kanilang relasyon noong 18t...