FYI: NAGKAMALI PO AKO NG POST AT HINDI KO NAPOST ANG CHAPTER SIX AFTER CHAPTER FIVE KAYA ISINUNOD KO NA LANG PO SA CHAPTER 20. CHAPTER 2O IS THE LAST CHAPTER. :)
"Ano? Naglayas ka sa inyo?" Halos mapasigaw na tanong ni Rose kay Ace. Tinext siya ng binata na magkita sila sa oval after ng klase niya. Hindi naman niya inaasahang iyon ang sasabihin nito sa kaniya pagdating niya doon. Pagkatapos nilang mamasyal sa Enchanted Kingdom noong isang linggo ay ngayon na lang muli sila nagkita dahil parehas silang busy sa mga examinations nila. Ngayong tapos na ang lahat ng exams ay may pagkakataon na muli silang magkasama lagi ng binata, hindi naman niyang naisip na sasabihin nito sa kaniyang naglayas ito.
Nagkibit-balikat ito habang nakasandal sa katawan ng isang puno. "I have some of my things in my car."
Tinabihan niya si Ace at hinawakan ito sa balikat. "Pero bakit nga? Anong nangyari? Nag-away na naman ba kayo ng Mommy mo?"
Huminga si Ace ng malalim. "I have enough of her. Nakakarindi na siya. I thought when I confronted her the last time she insulted you in our house, she will keep her mouth shut. Pero dalawang linggo lang halos ay hindi na naman siya tumitigil. She even threatened me that she will cut me off if I didn't stay away from you. Wala akong pakialam kung alisin man niya ako ng funds or resources. I have my own savings."
"Kaya inunahan mo na ang nanay mo at naglayas ka." Tama nga siya na hindi basta-basta papayag ang nanay ni Ace na magpatuloy ang relasyon nila.
Sinapo ni Ace ang mukha niya. "I can't live without money but I don't want to live without you."
"Pero Ace, hindi puwedeng basta ka na lang maglayas sa inyo. Sige sabihin na nating may savings ka pero sa tingin ko hindi iyon ganoon kadali. Sapat din ba iyon para sa studies mo, sa pang-araw-araw na gastos mo? Sobrang sanay ka sa marangyang buhay."
Ace firmly shook his head. "Don't worry about those things. Kaya kong mag-adjust na mawala ang mga bagay na nakasanayan ko. I can even get part-time jobs. Pero hindi ko hahayaan ang Mommy ko na paglayuin niya tayong dalawa. You're my life, Rose and I won't live without you."
"Oh Ace," hindi niya alam ang isasagot dito. Kitang-kita niya ang determinasyon sa mukha ng lalaki at kahit anong gawin niya, alam niyang nakabuo na ito ng pasya na hindi na nito babaguhin pa. "Anong gagawin mo ngayon? Saan ka matutulog? Saan ka tutuloy?"
"I can rent some apartment near the school."
Napailing siya. "Ewan ko. Mahihirapan ka, alam ko. At hindi ko gustong mangyari iyon dahil sa pagpili mo sa akin."
"This is not your fault, Rose. Decision kong umalis sa bahay namin. Huwag mong isiping mahihirapan ako dahil sa 'yo. I won't be. Basta kasama kita, okay ako lagi."
Hinaplos niya ang buhok ni Ace. "Sige, susuportahan kita sa desisyon mo ngayon. Wala naman akong magagawa para baguhin ang isip mo. Pero kapag nahihirapan ka na, sabihin mo naman sa akin, okay?"
"I will." Pangako nito sa kaniya.
"Teka, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Rose kay Ace habang hila-hila siya nito. Pagkatapos nilang mag-usap sa oval ng RU at manatili doon hanggang halos hapon ay niyaya siya ni Ace na umalis. Dadalhin daw siya nito sa isang lugar na paborito nitong puntahan noong bata pa ito. Ace drove for almost an hour before they reached the place. Matapos iparada ni Ace ang sasakyan nito ay naglakad na lang sila papasok sa lugar. Para silang nagtretrekking.
"It's a surprise," maikling sagot ni Ace. "Malapit na."
Napasunod na lang siya rito, wala naman siyang magagawa. Susunod naman siya talaga kahit saan pa siya dalhin ni Ace. Pero nacu-curious talaga siya kung saan ba siya dadalhin ng binata. Sumusuot kasi sila sa malalaking puno at may kataasan ding mga damo. At sa totoo lang, nilalamok siya.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 04: Faraway
RomanceAminado si Rose na hindi siya maganda o sexy. Utak lang ang mayroon siya pero himala ng mga himala, mahal na mahal siya ng kababatang si Ace na isa sa mga pinakasikat na estudyante sa Raleigh University. Naging pormal ang kanilang relasyon noong 18t...