Chapter Seventeen

6.2K 122 10
                                    

"Hi!"

"Abigail!"

Hindi makapaniwala si Rose na si Gail naman ang magiging bisita niya lagpas dalawang linggo matapos nilang magka-usap ni Ace. The day that they finally ended everything between the two of them. Lagpas dalawang linggong walang gabing hindi siya umiiyak at nakakatulog siyang basa ang pisngi ng mga luha. Those nights when the pain was too much and she thought she will die. Pero nagigising siya kinabukasan na dala pa rin ang sakit na mas matindi kumpara sa nakaraang araw. Hindi niya alam kung hanggang kailan iyon. At naririto sa harapan niya ngayon ang isang babaeng alam niyang nasasaktan din. Nasaktan niya ng hindi niya sinasadya.

"Kamusta?" Tanong nito. Nakangiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. Mga matang puno ng kalungkutan.

"Mabuti naman ako. Nagkausap na kayo ni Mother Cristina?"

"Oo, siya ang una kong kinamusta," tumingin ito sa paligid bago muling ibinaling ang paningin sa kaniya. "Can we talk? Puwede ka ba?"

Tumango siya.

"Thanks. Sa likod tayo?"

"Doon tayo sa isa sa mga activity room. Halika," nagpatiuna siya patungo sa pinakamalapit na acivity room. Hindi pa siya handang pumunta sa likod ng kumbento. Simula ng mag-usap sila ni Ace ay hindi pa siya bumabalik sa lugar na iyon. Hindi niya pa kayang balikan ang lugar kung saan niya tuluyang iginive-up si Ace at ang pag-ibig niya rito. Nang makapasok sila ni Gail sa loob ay pinaupo niya ang babae bago siya naupo sa harapan nito. Isang malaking lamesa ang nakapagitan sa kanilang dalawa. Nanatili ang mahabang katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paanong magsisimulang humingi ng tawad sa babae sa pananakit niya sa damdamin nito ng hindi sinasadya.

"Gail...."

"Sister Rose..."

Sabay silang nagsalita at sabay ding napatigil. Napangiti si Gail kaya napangiti rin siya.

"This was kinda awkward," wika nito pagkatapos.

Tumango siya at tinitigan ito. It was now or never. "I'm sorry, Gail. A-alam kong nasaktan kita pero maniwala kang hindi ko iyon sinasadya."

Tipid itong ngumiti. "Alam mo bang mag-iisang taon na dapat kami ni Ace sa isang araw?"

Umiling lang siya, ano ba ang dapat niyang sabihin doon?"

Nagpatuloy si Gail. "Nalaman ko ang tungkol sa 'yo sa kasal ni Russell noong February. But I only heard your name. Hindi ko alam ang buong story. I didn't even think that it's you. And then, after thirteen years, the two of you met again. At doon nagsimulang magbago si Ace. Iniwasan niya ako at kung magkita man kami ay laging malayo ang isip niya. He's not himself. Nag-aalala ako, sa mag-iisang taong relasyon namin, hindi pa iyon nangyari. I knew that something is bothering him. Nasasaktan ako at hindi niya sinasabi ang problema niya. Baka makatulong ako kung pag-uusapan naming. I never ever thought that it's because of you."

Hindi pa rin siya sumasagot. Hindi niya alam kung saan patungo ang usapan nila ng babae.

"And then, last month, he finally talked to me. Ipinagtapat niya sa akin ang lahat. I was devastated. I love Ace. At nasasaktan ako sa kaalamang hindi sapat ang pagmamahal niya sa akin para ako ang piliin niya. It was you that he loved, for always. Ikaw lang ang may hawak ng napakalaking espasyo ng puso niya. Probably, ninety percent and I was able to only hold for the remaining ten percent," pinahid ni Gail ang luhang naglandas sa pisngi nito.

Lalo siyang naguilty na umiiyak sa kaniya si Gail. At lalong hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Ipinatong niya ang magkasalikop na kamay sa lamesa.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon