"Ace, hijo! What brings you here?"
Tiningala ni Ace ang ina, masaya itong bumababa ng hagdanan. Ikinuyom niya ang mga kamao at paulit-ulit na huminga ng malalim. Kapag hindi niya kinalma ang sarili ay baka makalimutan niyang ina niya ang babaeng kaharap. Ito ang dahilan kung bakit siya nagdusa sa loob ng labingtatlong taon, at mgayong tinanggihan siya ni Rose, sigurado siyang habang-buhay na siyang magdurusa at mananatili sa madilim na mundo. For the last time, Rose took his heart and destroyed it into pieces, no hopes of fixing or healing it. Umiwas siya ng nagtangka ang ina na yakapin siya.
"Ace?" Nagtatakang tanong nito.
"How could you do it, Mom?"
"What?" Kumunot ang noo nito.
Damn it! Hindi niya tuluyang makontrol ang galit niya. "Alam ko na ang totoo! Hindi ko akalaing magagawa ninyo iyon. For all your misgivings and fault, I didn't even think that you can do a crime!"
Napaatras ito at bahagyang namutla. "W-what nonsense are you saying?"
"Ang parents ni Rose!" Hindi na niya mapigilang mapasigaw sa pagmamaang-maangan ng ina. "Nag-utos ka sa mga tao mo para ipagbugbog sila, takutin at pagbantaan! Did you even think twice about it? Muntik mo ng mapatay ang Papa ni Rose, at nalumpo siya dahil sa ginawa mo!"
Hindi sumagot ang ina, napanganga lang ito sa kaniya, tuluyang nawalan ng kulay ang mukha nito.
"You destroyed my life, you destroyed my happiness. Alam mo kung gaano ko kamahal si Rose, kung gaano ko siya kailangan sa buhay ko. Saksi ka kung paano halos nasira ang buhay ko noong umalis siya. All along, it was all because of you. Because of your black heart, because of your selfishness!"
"Ace..." she reached for him but he stepped back.
"No, don't touch me. God knows how much I'm trying to stop my self to lash out completely. Paano ka nakakatulog ng mahimbing sa gabi sa pananakit mo sa mga inosenteng tao at pagsira sa buhay ng sarili mong anak? Tell me how!"
"How did you know?"
"Nagkita kami muli ni Rose at nagkausap." Huminga siya ng malalim, nagsisikip ang dibdib niya sa galit at sakit na nararamdaman. "I was happy when we reconciled. Buong buhay ko ay inasam ko ang pagmamahal at atensyon ninyo. Akala ko ay hindi na mangyayaring magkakasundo tayo pero nangyari ang hindi ko inaasahan. And the lost boy that I am, the boy who's craving for the love of his mother, accepted you back with open arms.
"Hindi ko alam na may itinatago kayong ganitong kalaking bagay sa akin. Paano ninyo nagawa ang lahat ng iyon? Ganoon na ba talaga kayo kasama para manakit ng ibang tao, saktan ang sarili ninyong anak, makuha lang ninyo ang gusto ninyo? And did you ever love me at all? Itinuring niyo ba akong anak kahit minsan? Ngayon ko lang naintindihan na baka nga hindi, lalo pa at nagawa ninyong wasakin ang buhay ko ng hindi man lang kayo kumukurap,"
Natigilan siya sa pagsasalita ng makita niya ang pag-iyak ng ina. Napailing siya. "Oh, no, don't think that I'll believe your tears. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong paniwalaan sa ginagawa ninyo."
Pinunasan nito ang mga luha at sinalubong ang titig niya. "I'm sorry, Ace. Napakaraming bagay sa buhay ko ang pinagsisisihan ko. If I can undo all of them, I will."
Suminghal siya. "Your words are not enough. Marami kang nasirang buhay at nasaktang tao."
"I know. And I hurt you the most. Alam ko iyon. But believe me, anak, pinagsisisihan ko na ang nagawa ko. Kung gusto mong humarap ako sa pamilya ni Rose at humingi ng tawad ay gagawin ko. Maniwala ka lang sa akin. I'll do everything." Pagmamakaawa nito.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 04: Faraway
RomanceAminado si Rose na hindi siya maganda o sexy. Utak lang ang mayroon siya pero himala ng mga himala, mahal na mahal siya ng kababatang si Ace na isa sa mga pinakasikat na estudyante sa Raleigh University. Naging pormal ang kanilang relasyon noong 18t...