Chapter Twenty

10.5K 253 42
                                    


"Where are we going?" Nagtatakang tanong ni Ace kay Yael habang nagmamaneho ito. Sinundo – correction – pinilit siya ni Yael na umalis sa opisina niya.Mag-aaas tres ng hapon ng bigla itong sumulpot at pinilit siyang sumama rito. Literal siyang itinulak ng kaibigan palabas ng opisina niya at hinila papasok sa kotse nito.

"You need to get out. Masyado kang nagkukulong sa opisina mo. According to your secretary, she'll leave you there each night and when she returns in the morning, you'll still there." Hindi siya nililingon ni Ace.

Napamaang siya sa sinabi nito. "As far as I know, I'm not the recluse one. Hindi ko inaasahang mula mismo sa 'yo manggagaling na lumabas ako."

"I'm not the issue here, buddy. Leave my life alone. I was like that for years. Samantalang ikaw ay isang buwan ng nagmumukmok. It doesn't suit you, you know."

"Ha!" He scoffed. "Worried that I'll get your crown for being Mr. Gloomy?"

Nginisihan siya ni Yael na lalong nagpakunot-noo siya. For some reason, Yael seemed amuse. Parang may nakakatawang biro na ito lang ang nakakaalam. Well, that is really shocking news. Sa loob ng ilang taon ay bilang na bilang sa daliri ng isang kamay na makita niyang nakangiti ang kaibigan. And not a full blown grin either. "What happened?"

"I don't understand you." Simpleng sagot nito.

"I think we have a big problem here. Mukha kang masaya. Well, don't get me wrong, I wanted you to be happy. Pero kakaiba ang ikinikilos mo."

"Ikaw ang kakaiba ang ikinikilos. Bakit nakatira ka na sa opisina mo? You're not that workaholic."

Hindi siya sumagot at lumingon sa labas ng bintana. Tama naman ito, pero kailangan niyang isubsob ang ulo sa trabaho niya. He doesn't want idle time. He doesn't want to have free time thinking about what ifs and bygones. If he didn't immerse his whole energy with work, he'll just think of Rose. And the knee buckling, world shattering pain that he's feeling eversince Rose finally ended everything about them.

Sino ang may gusto ng ganoong klaseng sakit? Not him. Kaya isinusubsob niya ang lahat ng oras sa pagtratrabaho para makalimot. Pero minsan, hindi pa rin iyon sapat. Hindi na nga niya alam ang gagawin para makalimot at maging manhid. Ibabayad niya ang lahat ng kayamanang mayroon siya para sa isang araw na wala na siyang nararamdamang anuman. Nakakapagod na kasi. He knew that he's a strong person, but he doesn't know how long he can cope, until he finally and completely shatters.

"So, saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong niya muli upang iiwas ang usapan sa pagiging sobrang subsob niya sa trabaho.

"You're one lucky, lucky man." There was wistful note on Yael's voice.

"What the hell? Anong suwerte sa akin? Aren't you being sarcastic?" Hindi niya maiwasang magtaas ng boses sa sinabi nito.

"Relax." Sandali siya nitong nilingon bago nito ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. "Dapat alam mong sa aming apat ay ako ang mas nakakaintindi sa pinagdadaanan mo."

Hindi siya umimik at nakaramdam ng guilt. Tama ang kaibigan. They're on the same hell. Parehong nagmamahal sa mga babaeng hindi na kailanman babalik. Hindi niya alam kung paano iyon kinakaya ni Yael. Kung paano ito bumabangon sa araw-araw at kumikilos para mabuhay. Because God knows, it was so fucking hard.

"Here we are," basag ni Yael sa pananahimik niya. Ipinarada nito ang sasakyan sa bakanteng espasyo sa parking lot, pagkatapos ay bumaba ito ng kotse saka naglakad.

Walang nagawang sumunod lang siya rito at saka lang niya iginala ang paningin sa paligid. "Anong ginagawa natin sa air strip?" Tanong niya sa habang sumusunod sa kaibigan, lalo siyang napakunot-noo ng mapansin si Dash na nakatayo sa tabi ng pag-aari nitong chopper na Sikorsky S-76C.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon