"Hey, Rose. Are you okay? Nagising na ba si Papa mo?" Mabilis na tanong ni Ace kay Rose nang sagutin ng girlfriend ang cellphone nito. Ilang araw na niyang tinatawagan ang babae, ilang beses na rin siyang nagtetext dito pero minsan lang siyang sagutin ng babae. Kapag sinagot naman siya nito, parati itong nagmamadali kaya halos hindi niya ito makausap ng maayos. Naiintindihan naman niya ang pinagdadaanan ni Rose dahil sa nangyari sa Papa nito kaya hindi na lang niya ito kinukulit na kausapin siya kahit parang pakiramdam niya minsan ay iniiwasan siya ng babae.
"Oo. Kaninang umaga lang. Na-cleared na rin ng mga doctor ang internal bleeding niya."
Napatango siya kahit hindi siya nakikita ng babae. "That's good to hear. Puwede na ba akong dumalaw?"
"No!"
Napakunot-noo siya sa napakabilis na pagsagot ni Rose na para bang hindi siya nito gustong makita. Iyon pa ang isang bagay na nagpapagulo ng isip niya. Bukod pa sa napakabihira siyang kausapin ni Rose, hindi pa siya nito pinapadalaw sa ospital. Dalawang linggo na rin simula ng inihatid niya si Rose doon. Lagi itong maraming excuses katulad na lang na maaabala pa ang klase niya kapag dumalaw siya, okay lang naman sila sa ospital at wala namang problema.
Hanggang sa makiusap pa ito na hiling muna ng Dada nito na huwag munang magpapunta ng bisita sa ospital hanggang wala pang malay ang Papa nito. Kahit si Celine at ang ibang barkada ay hindi pinapadalaw sa ospital. Kahit hindi niya iyon gaanong naiintindihan, inunawa niya si Dada Roger. Pero nahihirapan siya na hindi niya madamayan si Rose sa pinakamahirap na sandali ng buhay nito. Naiinis siya na wala siya sa tabi ng babae para suportahan ito. He wanted to be with her, so Rose can lean on him. "Ang sabi ni Dada Roger, hindi siya nagpapapunta ng bisita hanggang hindi pa nagkakamalay si Papa mo. Pero sabi mo ay nagkamalay na siya ngayon."
"I'm sorry, Ace. Kanina lang nagkamalay si Papa. Gusto muna ni Dada na maging stable siya bago tumanggap ng bisita. I appreciate your thoughts. Pero sana naman ay unawain natin si Dada, sobrang mahal niya si Papa at hindi pa niya matanggap na muntik na itong mawala sa kaniya." Mahinang paliwanag ni Rose.
"I understand." Iyon lang ang nasabi niya. He doesn't want to sound like a whining boyfriend. "Iginagalang ko ang desisyon ni Dada Roger pero sobrang nami-miss na kita. Hindi ka naman pumapasok kaya hindi tayo magkausap dito sa RU. I wanted to be with you in this trying times," napabuntunghininga siya. "I'm sorry, I'm probably frustrated that my hands were tied. Kahit gaano kita gustong makita ay hindi naman puwede."
Hindi sumagot si Rose. Pero ng muli itong magsalita, parinig niya ay umiiyak ang babae. "Rose? Are you crying?"
"M-masaya lang ako at nagkamalay na si Papa. M-miss na rin kita,"
Napangiti siya sa sinabi nito. "Yeah, I miss you so much as well. Basta lagi mo lang tatandaan na hindi man tayo magkasama, lagi akong nasa tabi lang. One call and I'll come running. I love you so much, Rose."
"Thank you," mahinang sagot ni Rose.
Itinago niya ang dismaya nang thank you lang ang isagot ni Rose sa I love you niya. It was petty and inconsequential. Kahit hindi man sabihin ni Rose verbally ang pagmamahal nito sa kaniya, nararamdaman naman niya iyon. "Anyway, wala ba talagang balak ang Dada mo na ipa-blotter ang mga bumugbog sa kanila?" Ilang sandaling natahimik si Rose at napatitig pa nga siya sa cellphone niya para tiyaking hindi pa siya binababaan ng telepono ng babae.
"H-hindi nakilala ni Dada ang mga lalaki, may mga takip sila sa mukha. Ang mahalaga lang ay ligtas na si Papa."
"Okay, desisyon naman iyan ni Dada Roger. Ang sa akin lang ay gusto kong magkaroon ng justice ang nangyari sa parents mo. I really don't understand the world sometimes where some people do hate crimes. Hindi nila matanggap ng may mga taong nagmamahalan at dahil lang sa sexual orientation ay sasaktan na nila." Hindi niya talaga maintindihan ang utak ng mga ganoong klase ng tao. Nang tanungin niya si Rose kung napaano ang mga magulang nito, sinabi sa kaniya ni Rose na mga lalaking galit sa gay couple ang gumawa noon sa parents nito.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 04: Faraway
RomanceAminado si Rose na hindi siya maganda o sexy. Utak lang ang mayroon siya pero himala ng mga himala, mahal na mahal siya ng kababatang si Ace na isa sa mga pinakasikat na estudyante sa Raleigh University. Naging pormal ang kanilang relasyon noong 18t...