Chapter Four

6.4K 140 7
                                    

"Bebe, bebe, gising!"

            Gulat na napabangon si Rose at namulatan niya ang Dada niya na nakatunghay sa kaniya. Sobra ang excitement sa mukha nito. "Bakit ho, Dada?"

Hindi sumagot ang Dada niya at hinila lang siya nito palapit sa bintana. Hindi siya nakapagsalita ng makita kung ano ang mayroon doon. Ang akala niya kanina ay may nagbukas lang ng radio sa kuwarto niya dahil parang may naririnig siyang kumakanta pero hindi pala panaginip ang lahat. Dahil sa labas ng bahay nila ay naroroon ang Randy's Sweetheart. Napahawak siya sa pasimano ng bintana. Hinaharana siya ni Ace!

            Asahan mo nakahit kailan, hindi kita iiwan, kahit kailan hindi kita pababayaan....Pag-ibig na walang hanggan...ang siyang nais mong makamtan...Ngayon ay narito ako handang umibig sa iyo ng walang katapusan....

            "Grabe, bebe ko! Ako ang kinikilig kay Ace!" Impit na tili ng Dada niya na nakahawak pa sa braso niya.

            "Dada! Masakit!" Reklamo niya. Paano naman sa sobrang kilig ng Dada niya, kinukurot na siya nito. Pero ang totoo ay kilig na kilig din siya. Hindi niya inaasahang haharanahin siya ni Ace lalo pa ngayong pormal na ang relasyon nila simula ng debut niya noong isang linggo. Hindi niya mapigilang mapapikit at damhin ang masuyong pagkakakanta ni Ace sa kantang iyon.

            "Halika na, bebe. Papasukin na natin sila!" Hinila siya ng Dada niya kaya walang nagawang napasunod lang siya sa pababa ng kuwarto niya. Mabilis na lumapit sa pinto ang Dada niya at pinagbuksan sila Ace.

            "Pasok kayo, pasok..." wika ng Dada niya. "Upo kayo!"

            "Good evening po, Tito Roger!" Sabay-sabay na bati nila Ace at ng apat nitong mga kaibigan.

            "Good evening din sa inyo," wika ng Dada niya. "Teka lang at ikukuha ko kayo ng maiinom."

            "Huwag na po sa aming apat, Tito Roger. Aalis na rin naman kami, si Ace lang naman ang maiiwan," wika ni Yael.

            "Ganoon ba? Oh sige, si Rose na ang bahala kay Ace. Maiwan ko na kayo, bebe," kinindatan siya ng Dada niya bago ito umalis kaya napangiti na lang siya.

            She crossed her arms on her chest and leaned in the wall and looked at Ace. "At bakit ka naman po nanghaharana, Mr. Elizalde?"

            Lumapit sa kaniya si Ace at bahagyang yumuko. "Good evening, Rose!"

"Hindi na rin kami magtatagal, Rose," wika ni Russell. "Hinila lang kami nitong pare namin na mangharana sa 'yo,"

            "Yap, that's right. Alis na rin kami," segunda naman ni Nico.

            Nginitian niya ang mga ito. "At nagpahila naman kayo rito sa kaibigan ninyo."

            "May bayad iyon. Hindi libre," wika ni Yael. "Sa susunod sasamahan naman nila ako para haranahin si Celine."

            "Oo nga, ako naman sa bago kong pinopormahan," it was Russell.

            Pabiro itong itinulak ni Dash. "May bago ka na naman?"

            Nagkibit-balikat si Russell at maluwang na ngumiti. "Of course! Bawal maubusan!"

            "Oo na, ikaw na ang hindi nauubusan ng babes," tumatawang wika ni Nico saka ito bumaling sa kaniya. "Aalis na kami para masolo ka na ni Ace," sumaludo pa ang lalaki sa kaniya.

            Sunod-sunod namang nagpaalam sa kaniya ang iba pa.

            "So, nagustuhan mo ba ang kanta namin?" Lumapit sa kaniya si Ace at hinawakan siya nito sa magkabilang balakang.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon