Chapter Fifteen

6.2K 146 25
                                    

Loved? Cherished? Both past tenses. Pero normal lang naman iyon. Hindi ba at galing na rin mismo sa bibig nito na may iba na itong minamahal na babae? Pero hindi niya mapigilang masaktan. Tumaas ang kamay niya patungo sa dibdib at mahigpit siyang napahawak doon. It was too painful. "W-wala akong balak na guluhin ang buhay mo. Kung puwede ko lang baguhin ang nangyari noong isang buwan, gagawin ko."

"Pero paano ang nangyari thirteen years ago?"

Umiling siya. "Napakatagal na noon. Hindi na natin kailangang balikan pa."

"No, Rose, I need to know what happened."

Humakbang siya paatras. Kailangan pa ba nilang balikan ang nakaraan? Nagawa niyang makalimutan ang sakit at pait na idinulot ng pag-alis niya hanggang sa maghilom ang mga sugat na iyon. Pero gusto ni Ace na balikan niya iyon. Hindi niya alam kung kaya niya. She doesn't want to feel that earth shattering pain anymore. "Wala nang saysay para gawin natin iyon."

"Damn it, Rose! Kailangan kong malaman ang nangyari. I thought you love me. Akala ko mahal mo rin ako katulad ng pagmamahal ko. Pero sa ginawa mo, nalaman kong mali pala ako ng akala." May pait sa boses ni Ace, halata ring pinipigilan nito ang sariling magalit ng husto.

Umiwas siya ng tingin at pumikit. She felt emotions constricting her throat. Pinipilit din niyang pigilan ang mga luhang nagbabantang bumagsak mula sa mga mata niya. Minahal niya si Ace noon pero kailangan niyang umalis at piliin ang mga magulang niya.

"Rose, please..."

Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan si Ace. May pagmamakaawa na sa mga mata nito. Entreating her to tell him everything. The normally prideful Antonio Carlos Elizalde is almost begging her for the truth. Hindi niya alam kung ano ang kalagayan ng relasyon nito sa Mama nito pero kapag sinabi niya rito ang totoo, mababago ba noon ang lahat ng nangyari noon?

"You owe me the truth, Rose." He said again. "Kailangan kong malaman ang totoo. I deserved that. Gusto ko ng tuluyang isarado ang nakaraan at hindi ko iyon nagawa sa loob ng labingtatlong taon."

Hindi siya sumagot, sa halip ay humakbang siya palapit sa duyan. Naupo siya doon at bahagyang gumalaw upang banayad na umuga ang duyan. Kinailangan niyang umupo dahil hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning tumayo habang binabalikan ang nakaraan. Siguro nga ay tama si Ace, para tuluyan silang makamoved on sa sari-sarili nilang buhay, kailangang malaman nito ang dahilan ng ginawa niyang pag-alis noon. Hindi niya nilingon si Ace pero naramdaman niya na umupo ito sa katabing duyan.

Huminga siya ng malalim at tumitig sa kawalan bago siya nagsalita. "Nasasaktan ako sa iniisip mong hindi kita minahal. Minahal kita, Ace. Pero kailangan kong umalis noon. Naisip kong mga bata pa tayo at makakalimutan din natin ang isa't isa. Marami pang mangyayari sa atin. Malayo pa ang mga daang tatahakin natin."

"Can't we walk that supposed path together? Kailanman ay hindi ko naisip na hadlang ang kabataan natin sa pagmamahal natin. I want to grow old with you. I want to spend the rest of my life with you. Mahal na mahal kita, hindi pa ba sapat iyon kung sinasabi mong mahal mo rin ako?"

Napakagat-labi siya at bahagyang tumingala muling pigilin ang pagtulo ng mga luha. Her chest was tightening with the pain she's hearing in Ace's every word. "I'm sorry. Hindi ko talagang gustong saktan ka. Sobra akong nasaktan sa ginawa kong pag-alis. Walang gabing hindi ako umiiyak dahil sa sakit ng pagkawalay ko sa 'yo. Ikaw lang ang lalaking minahal ko, Ace. Dapat mong malaman iyon, at alam kong wala na akong lalaking mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa 'yo."

"Should I be happy with that? Nasa kumbento ka na bilang isang madre. I didn't know that you wanted to be a nun," may lungkot sa boses nito.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko noong umalis kami. Pakiramdam ko ay hinang-hina ako at sobrang nasasaktan. Pero alam ko sa sarili kong kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan kong pangatawanan ang desisyon ko at hindi lang ang sarili ko ang dapat kong isipin. Kailangan din ako ng mga magulang ko,"

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon