Chapter Three

6.6K 137 7
                                    

"Here come the Falcons! Elizalde twist around Abellana, stepped back and fires! It was in the net plus a foul..." kasabay ng commentator ang sigawan ng mga fans sa loob ng basketball court. Down the wire ang labanan at 10.2 seconds na lang bago matapos ang oras. Dahil sa tira na iyon ay lamang ng dalawang puntos ang Falcons, ang team name ng College of Business Administration, kung saan si Ace ang team captain at siyang nagdadala ng game.

Championship game na iyon. Inter-department basketball games kung saan naglalaban-laban ang iba't ibang department ng RU. Parte iyon ng Foundation Week ng RU at ngayon ngang Finals ay naglalaban ang College of Business at College of Engineering. Napahawak siya sa sariling dibdib ng pumuwesto ang si Ace sa charity line.

"Yes!" Hindi niya mapigilang mapasigaw ng pumasok ang free throw ni Ace at ganon din si Celine na kasama niyang manood.

"Ang galing! Panalo na ito!" Palatak ni Celine.

Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nag-apiran sina Dash, Russell, Nico at Yael.

"Galing ni Ace ah, masyadong inspired!" Wika ni Yael na ginulo pa ang buhok niya.

Inakbayan siya ni Russell. "Pasikat kay Rose eh,"

Inirapan lang niya ang mga ito at muling ibinalik ang atensyon sa laro. Nakahinga siya ng maluwang ng tuluyang tumunog ang buzzer na hudyat na tapos na ang laro. Sa mahigpit na depensa ng Falcons ay hindi na naka-iskor pa ang kalaban.

Niyakap siya ni Celine. "Panalo na sila Ace!"

"Let's go down!" Hinawakan siya sa kamay ni Dash at hinila siya papunta sa gitna ng gym kung saan nagkakasiyahan ang mga players ng Falcons. Naabutan pa niyang ibinaba ng mga ka-team mate si Ace. Nang tawagin ito ni Nico ay mabilis itong lumapit sa kaniya.

"Hey, Rose! Proud of me? Ang galing ko 'no?" Tudyo nito sa kaniya.

Inismiran lang niya ang lalaki. "Conceited much?"

Humalakhak si Ace at mahigpit siyang niyakap. "Kunyari ka pa, super proud ka naman sa akin."

Naiiling siya at pabiro niya itong itinulak. "Amoy pawis ka! Pinapamunasan mo lang yata ako eh!"

Nanggigigil nitong lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya at isiniksik pa nito ang mukha sa leeg niya. "If I know, you really wanted to have my scent all around you."

"Oo nga naman!" Segunda ni Yael. "Kitang-kita ko na ang luwang ng ngiti mo."

Inirapan niya ang binata at nilingon si Celine. "Celine, iyang boyfriend mo, pang-asar ha!"

Tumawa lang si Celine at yumakap sa beywang ni Yael. "Sorry, my friend, kakampihan ko ang boyfriend ko."

"Ayon oh! Talo ka na, Rose. Kampi rin kami kay Ace," wika ni Nico at nakipag-apiran pa ito kina Russell at Nico.

Umikot lang ang mga mata niya sa antics ng mga ito. Ang totoo naman talaga ay super proud siya kay Ace. Bago magsimula ang games ay sinabi nitong ipapanalo nito ang laro para sa kaniya. At hindi naman siya binigo ng lalaki. Nagawa nitong maipanalo ang laro. At ang isa pang totoo ay gustong-gusto niya ang yakap nito. Kung puwede nga lang na manatili siya sa mga bisig ni Ace pero hindi naman iyon maaari lalo pa at nasa gitna sila ng gym at napakaraming mga taong nakapaligid sa kanila. Pero napakasarap pa rin sa pakiramdam na sa kaniya iniaalay ni Ace ang laro at siya ang inspiration nito. Tama nga si Yael na maluwang ang pagkakangiti niya. Abot-tainga.

 

"Ace, we love you!"

"Nico!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Russell, be mine!!!"

"Dash, I'm just here!!!!"

"Oh, Yaellllllllllll!!!!!!!!!!!"

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon