Chapter Seven

5.9K 129 0
                                    

"Are you asleep?" Mahinang tanong ni Ace.

Nilingon ito ni Rose. Nasa loob sila ng tent na itinayo ni Ace kanina at nakahiga. Pinatay na nila ang flashlights na dala ni Ace at tanging ang liwanag ng buwan na tumatagos sa tent ang ilaw nila. Madaling araw na halos kaya nagpasya na silang matulog ng lalaki. Pero ilang sandali na rin siyang nakahiga ay hindi pa rin siya makatulog. Ito ang kauna-unahang pagkakataong matutulog siyang may katabing lalaki.

Of course, it's just Ace. Wala siyang dapat ipangamba dahil sigurado naman siyang gentleman ang lalaki at igagalang siya nito. It's just that the moment was so intimate. Hindi rin siya makatulog dahil nararamdaman niya ang init na nagmumula sa katawan ng lalaki. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Gising na gising ang diwa niya at aware na aware siya sa pagkakatabi nila.

"Can I kiss you?" Pabulong na tanong nito.

Lalong nag-unahan ang tibok ng puso niya. Tumango siya at hindi nagsalita. She felt that if she spoke aloud, the intimacy of the moment will be lost. Pinanood niya ang unti-unting pagbaba ng ulo ni Ace. Napapikit siya ng tuluyang dumampi ang labi nito sa kaniya. It was sweet and pure. Like the kiss of a butterfly on a flower's petal. Pero hindi iyon nagtagal. Habang tumatagal ay lumalalim ang mga halik nito.

Isiningit nito ang braso sa ilalim ng batok niya at hinapit siya sa balikat palapit dito. Nailamukos niya ang mga kamay sa suot nitong T-shirt. Parang nababaliw siya sa sensasyong idinudulot ng halik ni Ace. This was way more erotic compared to the kisses they shared before. This time, he was ravaging her mouth. His kisses were aggressive but gentle, making her breathless.

The kiss was melting her. Coaxing her into absolute submission. Owning her soul. At sa tingin niya ay lumipad na ang lahat ng laman ng utak niya at si Ace at ang mga halik na lang nito ang natira doon. Pakiramdam niya ay nagbabaga ang mga katawan nila. Setting her own body on fire. Bumaba ang labi nito sa panga at leeg niya. She flinched when she felt his mouth nibbling on her neck. Tumigil si Ace sa paghalik sa leeg niya at tiningala siya nito. His gray eyes were so dark and stormy.

Hinaplos niya ang buhok nito. Hindi siya makapaniwalang ang ganitong klase ng nilalang – so virile, so masculine, so beautiful - ay sa kaniya, sinasamba at minamahal siya. And with that thought she knew she was lost. Hindi na niya yata mapaglalabanan ang nararamdam niya sa gabing iyon. Ace brought unexplainable passion in her body.

"Rose..." Bulong ni Ace sa pangalan niya. Marahang humahaplos ang daliri nito sa labi niya, sa leeg niya. Saka ito muling yumuko at hinalikan ang gilid ng labi niya. Hindi naman ito nagtagal at parang hinahapong lumayo sa kaniya. "Rose, this is getting harder every time."

Napatitig siya sa mukha nito, nakapikit ito. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito, pakiramdam niya ay umuugong ang tainga niya at kinakapos din siya ng hangin. Nagmulat ito ng mga mata at sinalubong ang titig niya. Blazing desire, bold and blatant. Iyon ang nasa mga mata nito.

Malalim itong napabuntunghininga. "Sometimes, I just want to you so much it is paralyzing me. Hindi ko alam pakitunguhan ang reaksyon ng katawan ko. You make me feel I'm always burning every time I touch you."

Pakiramdam niya ay namula ang mukha niya ng magsink-in sa isip niya ang kahulugan ng sinabi nito.

"I really don't know how to keep my hands off you." Pag-amin nito sa kaniya. "At alam kung hindi tama. We're too young for something like that."

Siguro, sa sandaling ito, ganun din ang nararamdaman niya. Sa bawat hawak nito ngayon, para siyang sinisilaban sa init na tumutulay sa katawan niya. And with the closed confines of the tent, she can definitely feel the sexual tension from both of them. Ngayon ay napagtanto na niya ang tawag sa narararamdaman niya simula kanina. It was lust.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon