PART II: Chapter Ten

6.1K 130 2
                                    

"They looked good together, right?"

Tumango si Ace at inalis niya ang mga mata kina Russell at Grace. Umiikot na ang dalawa para magpaalam sa mga bisita nila. They will be leaving their own wedding reception early for their flight. Isang carribean cruise kasi ang regalong honeymoon ng kaibigan niya sa asawa nitong si Grace. Inaalalayan ni Russell ang asawa nito sa paglibot lalo pa at walang nakikita si Grace. "Yeah, Russell is one lucky man."

"Indeed he is. Grace is a wonderful girl." Tinabihan siya ni Yael sa kinauupuan niya.

Hindi siya sumagot at tumango lang saka niya inilibot ang tingin sa dalawa pa niyang kaibigan at sa mga asawa nito, namely Dash and Jane at sina Nico and Cha-Cha. Both couples were so happy. Hindi niya maiwasang managhili sa mga kaibigan. They were already building their families. Kabuwanan na ni jane sa panganay nila ni Dash. He's happy for Dash since he's the eldest among them. Kaka-thirty five lang nito at tama na magkapamilya na ito at magka-anak.

Nico and Yael were both thirty three. And speaking of Nico, nasusubaybayan na nito ang anak nito sa paglaki. Also, last he heard earlier was that Cha-Cha was confirmed to be one month pregnant with their second child. Sila naman ni Russell ang magkaedad at pinakabata for being thirty two years old. Nilingon niya si Yael. Parang silang dalawa na lang ng kaibigan ang tatandang walang kasama sa buhay. Well, it's no brainer for Yael. Alam nilang lahat na hindi ito mag-aasawa kahit kailan dahil sa nangyari rito. Iba-iba naman ang kuwento ng buhay pag-ibig ng mga tatlong kaibigan nila.

Si Dash, nakilala si Jane ng ituro ng kapatid ni Jane na nabuntis ito ni Dash. Wala naman iyong katotohanan at na-in love sa isa't isa ang dalawa, nagawa pa ngang hindi pakasalan ni Dash ang girlfriend nito para kay Jane. Si Nico naman ay apat na taong nakalimutan si Cha-Cha. Nagkakilala ang mga ito sa Japan pero dahil sa aksidente ay nagkahiwalay ang dalawa. Nakalimutan ni Nico na may babae itong minamahal sa Japan, hindi rin nito nalaman na may anak pala ito kay Cha-Cha.

But still love finds a way to connect them again. Magbest friend pala sina Jane at Cha-Cha. And then now, it was Russell's turn. Sa Hongkong naman nakilala ng kaibigan si Grace. Ipinagtulakan pa palayo ni Grace si Russell dahil hindi nito gustong maging pabigat kay Russell. Malapit na kasing mabulag si Grace noong mga panahong unang nagkakilala ang dalawa. Pero sa kabila ng lahat ay ipinaglaban ni Russell ang pag-ibig niya kay Grace. At ang ending ay ang kasal ng mga ito ngayong araw na ito. Three different stories yet all have happy endings.

"Why are you looking at me like that?" Tanong ni Yael sa kaniya.

"Just thinking some things. Tatlo na sa barkada ang ikinakasal," he voiced his thoughts.

Nagkibit-balikat si Yael. "And you'll be the next and the last."

Hindi siya sumagot at ibinalik na lang niya ang tingin sa mga kaibigan nila. Nakita pa niyang tumatakbong lumapit si Nat-Nat sa tatay nitong si Nico. Nang makalapit ay kinandong ito ni Nico. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng kaibigan habang nakatitig ito sa anak. Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib. Kung hindi siya iniwan ni Rose, baka marami na rin silang Nat-Nat ngayon.

Pangarap kasi niya noong magkaroon ng maraming anak dahil solo lang sila ni Rose na mga anak. Mapait siyang napangiti. Thirteen years and any thought of Rose still bring a twitch of pain in his heart. Hindi niya alam kung hanggang kailan mangyayari iyon. Sa araw-araw na gumigising siya, iyon lagi ang ipinapanalangin niya. Ang tuluyang pagkawala ni Rose sa sistema niya. Sana ay hindi na malayo ang umagang iyon.

"How about Gail?"

Yes, Abigail. Alam niyang nagiging unfair siya sa babae pero kahit anong gawin niya, kahit anong gawin ni Gail, hindi nito makuha ng buong-buo ang puso niya. But he has hope. Sa lahat ng naging girlfriend niya ang babae na ang tumagal. Walong buwan na rin sila nito. And that was a record to him. Gail is a refreshing girl. Masaya siya kapag kasama niya ang babae. She's bubbly, intelligent, adorable and very beautiful. In a way, she changed him. Ang sabi nga ng mga barkada niya ay napatino siya ni Gail.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon