Chapter Five

6.1K 120 1
                                    

"Bakit niyo ho ako pinapunta dito, Doña Celeste?" Bahagyang inilibot ni Rose ang paningin niya sa kabuuan ng Mansion. Hindi niya inaasahang ipapasundo siya ng Doña sa driver nito. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi siya gusto ng ina ni Ace at nag-aalala siya sa maaaring mangyari ngayon. Hindi para sa sarili niya kung hindi para kay Ace, dahil kapag nalaman ito ng binata, alam niyang pag-aawayan na naman ng mga ito ang mangyayari ngayon.

May kinuha ang matandang babae sa center table at nakataas ang kilay na inabot iyon sa kaniya. Naguguluhan siyang napatitig sa papel at halos manlaki ang mga mata niya sa halagang nakasulat sa tseke. Limang daang libong piso! Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakahawak ng ganoong kalaking pera. Nagtaas siya ng paningin sa babae. "A-ano hong ibig sabihin nito?"

"Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang relasyon mo sa anak ko? Did you even think that I like you?" Mahina ang boses nito pero may talim iyon. "Hindi ko alam kung anong panglalandi at panggagayuma ang ginagawa mo pero hindi ako makakapayag na magpatuloy pa ang kahibangan ni Ace sa 'yo. I didn't even know what he sees in you. You're too plain and ugly. You're not even fit to wipe the dust in Ace's shoes. Napakataas naman ng pangarap mo para kumapit kay Ace. You social climber slut!" Habang tumatagal ay tumataas na ang boses ng matandang babae.

Pakiramdam niya ay pulang-pula ang buong mukha niya. Hindi nga niya alam kung paano siya naupo lang doon at hinayaan ang matandang babae na insultuhin ang pagkatao niya. She was flinching with the hatred spewing from the old woman. Sagad na sagad yata hanggang langit ang galit nito sa kaniya. Inilapag niya sa center table ang tseke at mabilis na tumayo. Saka wala siyang imik na tumalikod at mabilis na lumabas ng bahay na iyon. The old woman said her piece. At kahit ano pa ang isagot niya dito, wala rin namang mangyayari. Kahit magpakamatay pa siya sa harap nito, walang mangyayari. Sobra pa iyong ikakatuwa ng babae.

Wala siyang ginawang masama, hindi niya inakit si Ace. They just fell in love with each other. She doesn't deserve all the hateful words that came from the old woman. Alam niya iyon pero habang naglalakad siya palayo, pero hindi niya maiwasan ang pag-agos ng mga luha. Hindi naman siya manhid para hindi damdamin ang mga insulto nito. Oo, dapat ay sanay na siya dahil bahagi na ng araw-araw niyang buhay ang panlilibak sa kaniya pero sobra siyang nasasaktan dahil galing ang mga salitang iyon sa ina ng lalaking pinakakamahal niya.

Noon pa naman ay alam niyang allergic sa kaniya ang nanay ni Ace. Alam niya ring laging nag-aaway ang mag-ina dahil sa kaniya. Pero kahit kailan ay hindi ipinaramdam sa kaniya ni Ace na tumitiklop ito sa ina nito. Laging siya ang pinipili ni Ace at dahil doon ay lalong lumalaki ang galit ng matandang babae sa kaniya.

"Hey! What are you doing here?"

Mabilis siyang napaangat ng tingin at napatigil sa paglalakad. Nakahinto sa tabi niya ang kotse ni Ace at nakasilip ito sa bintana. Salubong ang kilay nito at tinanaw ang pinanggalingan niya.

"Ace..." Hindi niya inaasahang madadatnan siya ng binata doon. Hindi na niya gustong malaman pa nito ang nangyari ngayon.

Itinulak nito pabukas ang passenger side. "Hop in."

Tahimik siyang pumasok at umupo sa loob. Humarap si Ace sa kaniya at hinaplos nito ang pisngi niya.

"You're crying." Mahinang wika nito. "What happened, Rose? Bakit nandito ka at umiiyak?"

Pinunasan niya ng panyo ang mga mata niya at umiling. "Napuwing lang ako."

"Bullshit, Rose! That's lame," mataas ang boses na wika ni Ace. "Anong ginawa sa 'yo ni Mommy?"

"B-bakit iyon naman agad ang inisip mo?" Pag-iwas niyang sagutin ito.

Napatiimbagang si Ace at hindi sumagot. Pinatakbo lang nito ang sasakyan pabalik sa Mansion.

RANDY's Sweetheart 04: FarawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon