Chapter 13

8 1 0
                                    

Chapter 13
Harris

KENZIE HADEYA

          ANNE'S EYES GLISTENED in glee as she looked at the gown, I designed for her. "It's perfect. I'll for sure win because of this gown, Kenzie. Thank you so much for this! I don't even know how to repay you for helping me."

Agad kong winagayway ang kamay ko sa kanya at binigyan siya ng malaking ngiti. "Just do your best in representing our section for the competition. That's already enough for me." I smiled widely.

She firmly nodded her head. "I'll definitely do my best! Thank you ulit talaga, Kenzie! Ipapakita ko na 'to agad kay Mom para mapatahi na."

Marahan ko siyang tinanguan. "You're welcome, Anne. Goodluck!" I gave her a thumbs up before returning to my seat.

Malalim akong bumuntong hininga pagkaupo ko sa upuan ko. That wasn't bad. Maybe I can practice being casual and talking a bit more with my classmates. Then eventually I can make friends again.

I'll do it one step at a time.

I was pulled out from my train of thoughts when I felt my phone vibrated. I took it out of my bag's pocket and checked who sent me a message.

Cross

Hey, Kenzie

Missed me?

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pangalan ni Cross. Buset na 'to! Akala ko iniiwasan na niya ko dahil antagal niyang hindi pumupunta dito sa DVU!

Buti nagparamdam ka pa

Muntik ko nang makalimutang may kaibigan akong Cross ang pangalan

Hindi naman halatang na miss mo talaga ako, haha

Miss mo mukha mo

Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin tapos ngayon magme-message ka

I'm sorry for being MIA for a couple of days

It's kind of a long story

So, can I fetch you after class?

Ask Kuya York

If papayag siya

He already agreed

I just need your answer now :)

Bahagyang umawang ang labi ko nang mabasa ko ang reply niya.

What?

How?

Anong ginawa mo kay Kuya para pumayag?

Secret, haha

So, after class?

Okay, hintayin mo na lang ako sa university gate

Yes, ma'am haha

See you later, Kenzie

See you, hmp

Grumpy Kenny haha

Napairap na lang ako sa reply niya pero agad ding napangiti. Guess I missed having him around.

"Magandang araw, aking mga estudyante." Bati ng aming Filipino teacher na si Sir Reyes.

Agad kong tinago sa bag ko ang phone ko at kinuha ko ang mga gamit ko para sa subject na ito bago tumayo upang sabay sabay namin siyang batiin ng mga kaklase ko.

Each Other's BridgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon