Chapter 24
KissKENZIE HADEYA
NAG-AAYOS AKO SA harap ng vanity mirror ko. I was putting on some lippie when my phone vibrated. Biningwit ko iyon mula sa bulsa ng shorts ko para makita kung sinong nagtext. Nang makita kong galing iyon kay Jadrien saying nasa labas na siya ng bahay ay nagmadali akong tumayo.
Kinuha ko sa couch ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto. Naglakad ako pababa ng hagdan at naabutan ko pa sila Mom at Dad na nagde-dessert sa dining area. Lumapit muna ako sa kanilang dalawa para makapagpaalam.
"Mom, Dad. Nasa labas na si Jadrien. We'll get going na." Paalam ko sa kanilang dalawa after magbeso.
"Hindi ba papasok si Jadrien para bumati sa amin?" Mom asked.
I was about to answer when Jadrien suddenly appeared. Lumapit siya kila Mom at Dad. Nakipagkamayan siya kay Dad at nagbeso naman silang dalawa ni Mom.
"Good afternoon, Tita Kendra at Tito Yash. Hiramin ko muna po itong si Hadeya. Samahan ko lang sa pamimili niya for one of her subjects." Nakangiting bati ni Jadrien sa mga magulang ko.
"Thank you for always giving our Hadeya company, Jadrien." Dad smiled sincerely.
"It's no big deal, Tito Yash. Nag-e-enjoy din naman po akong kasama si Hadeya." Jadrien answered as he wrapped his arms around my shoulder.
"Akala ko aalis na lang 'tong si Kenzie ng hindi ka nagpapakita sa amin, Jadrien." Mom said, slightly laughing.
Jadrien chuckled. "Nako, Tita Kendra hindi pwedeng hindi ko kayo makikita noh. Syempre babati ako sa inyo bago kami umalis."
"Oh, sige na umalis na kayo dahil mukhang may lakad pa kayo mamaya sa Limitless." Dad said.
"Sige, Mom, Dad. Alis na kami ni Jadrien." Paalam ko sa kanila saka kami naglakad paalis ni Jadrien.
Pagkarating namin sa kotse niya ay pinagbuksan niya muna ako ng pinto at pinasakay sa passenger seat. Saka siya naglakad papunta sa driver's seat para makasakay sa kotse. Pinaandar na niya ang makina at umalis na kami.
"May lakad daw tayo sa Limitless?" Jadrien asked, eyes focused on the road.
"Ah, it's Yeshua's birthday. Sa Limitless ang celebration. Kaya I'll buy a gift for him too." I answered.
"Oww, bili na rin ako ng regalo para sa kanya. Tulungan mo ako sa pagpili. Hindi ko pa masyadong alam mga tipo ni Yeshua." Mabilis niya kong nilingon saka muling binalik ang tingin sa kalye.
"Of course, I'll help. But anything can do naman kay Yeshua. He'll appreciate anything you give him." I said.
"It's obvious that he's appreciative. He's also so easy to get along with." Jadrien said nodding his head.
I nodded my head as well. "He's the most friendly guy cousin I have. Parehas silang dalawa ni Keira kaya silang dalawa ang close."
"Speaking of Keira. That Clinton guy from our last hangout at Limitless, is he Keira's boyfriend?" Jadrien asked.
I smiled upon remembering the two. "I don't know if they're already official but I guess they're exclusively dating."
"Woah, hindi na lang si Yusef ang may jowa sa inyo. Susunod na pala si Keira." Jadrien laughed.
"Yes! And I'm happy for Keira. She found the guy who checked all her standards." I giggled.
"How about you? What's your standards, Hadeya?" Malamlam ang mata ni Jadrien ng tanungin niya iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Each Other's Bridges
Teen FictionMolina Series #03 Kenzie had always hated Jadrien. His loud husky voice and mischievous schemes gets into her nerves all the time. She never thought that their 'aso and pusa' relationship will ever end. Until something happened. She never thought sh...