Chapter 22
DesignKENZIE HADEYA
NANDITO AKO SA reader's santuary para tapusin ang design ko para sa isang subject. Antok na antok na kasi ako kahapon pagkauwi ko galing sa training. Humiga lang ako sa kama ko after ko mag half bath para sana magpahinga lang saglit pero hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nung ginigising na ko kinabukasan ni Kuya.
I was just putting my finishing touches on the outfit when I saw in my peripheral vision that someone sat across the table. I lifted my head up and looked at the person in front of me.
Malapad akong napangiti ng magsalubong ang mata naming dalawa ni Cross. He's not wearing a face mask anymore when he visits the campus. Nakaclose na kasi niya ang mga guard dito sa DVU kaya hindi na niya kailangang magtago.
"Cross! Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin ha." Nagkunwari akong nagtatampo sa kanya.
He laughed and reached for my cheeks to pinch it. "I was just here last week, Ken."
"Kahit na, matagal pa rin 'yon para sa akin." I slightly pouted.
"You missed me that much huh?" He smirked.
I rolled my eyes. "Wag masyadong ma-flutter. Pinagtri-tripan lang kita." I laughed.
Agad naman siyang napasimangot sa sinabi ko. "Pinagtri-tripan mo lang pala ako. Sige alis na ko." Sambit niya at patayo na nga pero pinigilan ko siya sa paghawak sa braso niya.
"Bilis naman magtampo neto. Joke lang naman!" I said at hinila ko siya paupo ulit sa upuan.
Cross flashed his sweet smile as he sat again across me. "Hindi mo rin talaga ako matitiis." He wiggled his brows.
"Parehas lang naman tayo." I smiled back.
Nagbaba siya ng tingin sa ginagawa ko and amusement was visible in his eyes. He took my work to look at it closely. "You're really meant to become a fashion designer, Ken"
Bahagya akong napailing. "Lagi mong sinasabi sa akin 'yan sa tuwing nakikita mo works ko."
"Well, I'm just stating a fact. Tignan mo 'tong gawa mo." Hinarap niya sa akin ang gawa ko. "This can be a design in a luxury clothing brand."
Marahan ko siya hinampas sa braso niya at kinuha ang gawa ko. "'Wag mo nga akong masyadong pinupuri. Baka lumaki lang ulo ko." I laughed.
He laughed as well. "Well, may karapatan ka naman na lumaki ang ulo. Ganda kaya ng mga works mo."
Napailing na lang ako at tinago ko na sa bag ko ang gawa ko.
"Nga pala." Cross said. "Magiging busy na ulit ako this week so baka hindi ako makabisita."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Oh, bakit? May ganap sa academia nyo?"
He nodded. "Yeah, next week will be the foundation week of our academia. Maraming kailangang asikasuhin at pagplanuhan."
"Hectic talaga ang schedule ng student council president." I joked.
He laughed. "Ang dami ko kamong responsibilities. But I'm already used to it. It's been nine years since I've become the student council president."
"Halatang ayaw kang tanggalin ng mga kapwa students mo sa posisyon mo. Maganda naman kasi ang pamamalakad mo sa academia n'yo." I said sincerely.
"Baka ako naman ang lumaki ang ulo nyan, Ken." He laughed.
"Sira." I laughed.
"Nga pala, na kwento kita kay Serene na magaling kang magdesign ng gown. Kinukulit niya tuloy ako na ipakilala kita sa kanya para ikaw daw magdesign ng gown niya para sa King and Queen of EKA." Cross said.
BINABASA MO ANG
Each Other's Bridges
Teen FictionMolina Series #03 Kenzie had always hated Jadrien. His loud husky voice and mischievous schemes gets into her nerves all the time. She never thought that their 'aso and pusa' relationship will ever end. Until something happened. She never thought sh...