Chapter 15

13 1 0
                                    

Chapter 15
Worried

KENZIE HADEYA

"ANG BAGAL MO namang umakyat, Yale! Tabi ako na lang mauuna sayo!" Inis na bulyaw ni Kayleigh at bahagya pang tinulak si Yale.

Napatigil si Yale sa paglalakad para hindi masubsob dahil nawalan ng balanse sa pagtulak sa kanya ni Kayleigh. "Wala namang tulakan, Kay! Baka masugatan gwapo kong mukha! Malulungkot mga fans ko."

"What do you mean gwapong mukha, Kuya? You don't have that." Inosenteng pasarin ni Kait at mabilis na sumunod kay Kayleigh ng makitang namula ang mukha ni Yale.

"Aba, Kaitlyn Ripley! Sumusobra ka na! Lagot ka sakin!" Sigaw ni Yale at tuluyan ngang hinabol ang kapatid niya.

"Hey, be careful! Ayokong umuwi tayo kila lola na may sugat ang isa sa inyo!" Saway ni Kendall sa mga kapatid niya at sinundan na para awatin.

Napailing na lang ako at nagpunas ng pawis sa noo habang patuloy na nagha-hike. Papunta kami ngayon sa Binurong Point. Nag-aya kasi si Yaser maghike. Saktong alam naman ni Ilaya ang way papunta kaya kami kami na lang ang naghike at hindi na sumama ang parents namin.

Ang problema lang bangayan ng bangayan ang mga pinsan ko. Sana lang talaga makauwi kaming walang nasusugatan dahil iyon pa naman ang binilin sa amin ni Lola.

"Water?" Kuya offered, walking beside me, and giving me his tumbler.

Agad ko 'yong tinanggap at saglit na huminto para uminom. Huminto rin si kuya at Yusef na kasabay kong maglakad. Dahil sa paghinto namin ay nauna na sila Keira at Yeshua na naglalakad sa likod namin. Pinunasan ko ang labi ko dahil may konting tubig na lumandas habang umiinom ako.

"Thanks, Kuya." I said as I gave his tumbler back.

I heaved a deep sigh before I continued walking. Napapagod na ko.

"Want a piggyback ride, Ken?" Yusef asked when he noticed my sigh.

Napahinto ako para tignan siya. Mukha namang hindi siya pagod. Sanay na sila sa ganitong lakaran dahil jina-jog nga nila mula Moning hanggang Baras. Kaya tumango na ko at binigay kay kuya ang tote bag ko para sumakay sa likod ni Yusef.

Nakita kong nginisian ni Yusef si kuya bago umupo sa harap ko para makasakay sa likod niya.

"I'm still Ken's favorite." Yusef teased my brother before following our cousins while carrying me.

Kuya scoffed. "But you're just Ken's cousin, I'm her brother."

Yusef laughed. "Whatever, York."

Bahagya akong natawa sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon ay nag-iinisan pa rin sila kung sinong favorite ko sa kanilang dalawa. Parang mga baliw.

Nakahinga ako ng maluwag ng isandal ko ang ulo ko sa likod ni Yusef. Sa wakas makakapagpahinga na rin ang paa ko. Simula pa lang ng hike napapagod na ko. Tapos nasakit na yong paa ko.

Kailangan ko ng mag-exercise para lumakas naman ang endurance ko. Gusto ko pa naman ng sumali sa volleyball team next school year dahil high school na ko.

"Hey, baka makatulog ka, Ken. Bahala ka dyan hindi kita gigisingin." Biro ni Yusef ng bahagya niya kong inalog.

I chuckled as I lifted my head up to look at the refreshing sight of the greens. "I just rested for a bit."

Nakahabol na pala kami sa mga pinsan namin at nakita kong napalingon sa gawi namin si Kait.

Agad siyang tumingin kay Yannick at marahang inalog ang braso nito. "Buhat."

Each Other's BridgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon