Chapter 25

3 1 0
                                    

Chapter 25
Pageant

KENZIE HADEYA

KAKATAPOS LANG NG training namin at umiinom na ko ng tubig ko galing sa tumbler ko dito sa bleachers. Kasama ko rin ang mga pinsan ko at nagpupunas sila ng pawis o di kaya ay umiinom din ng tubig nila.

Pagkatapos kong uminom ay nagpunas naman ako ng pawis ko. Abala pa ko sa pagpupunas sa noo ko ng maramdaman kong may nagpupunas sa likod ko.

Kaya napaharap ako sa taong nagpupunas ng likod ko. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang mukha ni Jadrien.

"When did you get here?" I asked.

"Just a minute ago. You were busy drinking your water that's why you didn't noticed me." He answered.

Marahan naman akong napatango at muli ng tumalikod sa kanya para mapagpatuloy niya ang pagpupunas sa likod ko. Nilagay niya sa likod ko ang bimpo na pinangpunas sa likod ko pagkatapos niya magpunas.

Muli akong humarap sa kanya. "Deretso na tayo sa EKA?"

His brows furrowed. "Anong gagawin natin doon?"

I looked at him flatly and hit his chest. "Pageant night ngayon ng pinsan ni Cross. I told you we're coming to support her."

Realization dawned on him as he nodded his head. "Ngayong gabi pala 'yon?"

"Yes!" I answered with conviction.

Nagkamot siya ng batok niya. "I'm sorry I forgot. Hindi mo naman pinaalala sa akin kahapon or kanina."

"Hindi ko nasabi kasi naging busy ako kanina sa isang subject ko. But now you know so let's go na?" I asked him.

Tumango siya. "Sige deretso na tayo." Sambit niya at kinuha niya na mula sa bleachers ang backpack at duffle bag ko.

Lumingon naman ako sa mga pinsan ko. "Girls, una na kami. Dederetso pa kami sa EKA. Pageant night ng pinsan ni Cross. We're going to support her."

Tumango si Kendall. "Okay, Kenny. Ako na lang magsasabi kay York pagpunta nila dito."

"Thank you, Dall!" I hugged her.

Niyakap ko rin ang iba kong pinsan bago kami tuluyang umalis ni Jadrien. Naglakad kami patungo sa carpark at pinagbuksan niya ko ng pinto sa passenger seat kaya pumasok na ko sa loob. Nilagay naman niya sa likod ang gamit ko bago pumasok sa loob ng kotse.

I bulked my seatbelt and he bulked his seatbelt too before starting the engine of his car. Naging mabilis lang ang byahe namin dahil magkalapit lang naman ang university namin at ang academia nila Cross.

Nagpark sa carpark si Jadrien at nauna na siyang lumabas sa sasakyan niya. Umikot siya papunta sa akin para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako pagkabukas niya at sinara naman niya ang pinto sa likod ko.

Kumapit ako sa balikat ni Jadrien habang naglalakad kami papunta sa entrance ng academia. Puno ng tao ang paligid ng academia. Natatanaw na rin namin ang sumasayaw na mga ilaw galing sa stage kung saan gaganapin ang pageant.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Cross at hindi ako nabigo. Nakita ko siya sa isang table sa may entrance sa open field nila. Kaya naglakad kaming dalawa ni Jadrien papalapit sa kanya.

"Cross!" I called his name.

Agad naman siyang nag-angat ng paningin at nagsalubong ang mga mata namin. Ngumiti siya at naglakad siya papalapit sa amin ni Jadrien.

"You're just on time. The pageant will start in ten minutes." He said.

Napangiti ako. "Buti naman sakto pala ang dating namin. We came right after our training ended."

Each Other's BridgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon