Chapter 12

10 1 0
                                    

Chapter 12
Gown

KENZIE HADEYA

          MAAYOS AKONG NAKAUPO sa aking upuan habang pinapakinggan ang mga gagawin para sa buwan ng wika next month.

"Ang tema para sa buwan ng wika ay, "Kasaysayan ay Pahalagayan at Huwag Kalimutan." Our adviser, Miss Perez wrote the theme on the white board.

Muli niya kaming hinarap at binigyan ng magandang ngiti. "Mga patimpalak na maaaring nyong salihan ay poster making, slogan making, folk dance competition, at ang Lakan at Lakambini." Tinignan niya kami isa isa. "Sinong gustong sumali para sa poster making?"

Hindi na ko nagdalawang isip at agad akong nagtaas ng kamay. Nabaling sa akin ang paningin ni Miss Perez at hindi na 'yon nawala. Kaya napalibot ako ng paningin sa silid.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ng walang ibang nagtaas ng kamay. Ako lang talaga sasali? Alam ko may isa pa kong kaklase na magaling magdrawing. Baka nga mas magaling pa siya sa akin.

"Okay, si Kenzie na ang pambato natin para sa poster making." Nakangiting nilista ni Miss Perez ang pangalan ko sa white board. "Sino naman ang gustong sumali sa slogan making?"

Tatlong kaklase ko ang nagtaas ng kamay at kasali doon 'yong magaling magdrawing.

"Oh, Vince. Diba magaling ka ring magdrawing katulad ni Kenzie. Bakit sa slogan making ka sumali?" Malumanay na tanong sa kanya ni Miss Perez.

I'm curious as well. Kaya kunot noo ko siyang tinignan. Mukhang naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon din siya sa akin pero agad ding umiwas ng tingin.

Bahagya siyang napalunok at tumawa. "Wala akong panama kay Kenzie, Ma'am."

Biglang naghiyawan ang mga kaklase namin at sinimulang asarin si Vince. Hindi ako naniniwala sa rason niya pero pinagkibit balikat ko na lamang iyon at muling tinutok ang atensyon ko sa harapan.

          "OKAY, THAT'S ALL for today's meeting. Get home safely and see you tomorrow, class." Nakangiting paalam sa amin ni Miss Perez.

Nagpaalam na rin kami sa kanya at nagsilabasan na ng room ang mga kaklase ko. Sinimulan ko ng ayusin ang gamit ko sa aking bag. Pinasok ko doon ang notebook at pencil case ko. Pagkasara ko ng bag ko ay tumayo na ko at sinukbit ko na sa aking braso ang bag ko.

Paalis na ko nang tawagin ni Miss Perez ang pangalan ko.

"Kenzie." She called me. "Can I talk to you for a second?"

Napatigil ako sa harap niya at maharan siyang nginitian. "Yes, Miss Perez. Ano pong pag-uusapan natin?" Magalang kong tanong.

She smiled sweetly. "I have a favor to ask you, do you mind?"

I carefully shook myself. "No, Miss Perez. What is it?"

"I noticed as your MAPEH teacher, that you excel in arts. And not just that but you also have a good eye in fashion. Your work caught my attention in one of your activities which is Fashion and Design." She showed me my work with a perfect score on the upper right side of the illustration board.

My cheeks blushed as I looked at her and my work. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm overwhelmed by her compliments because this is the first time, I showed my interest in fashion.

Since I was in 4th grade, I already made a bunch of clothing designs. Nagkaroon ako ng interes nun dahil mahilig si Kaitlyn magtingin ng fashion magazines sa tuwing bumibisita ako sa kanila. The elegant and sophisticated outfits worn by models enticed me. 

Each Other's BridgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon