Chapter 19
PlaylistKENZIE HADEYA
UMAGA PA LANG ay aligaga na ko sa pag aayos ng mga dadalhin ko sa Catanduanes. After painful days of waiting we are finally going home to our grandparents. Ang balita namin mula kay Ilaya ay huling araw na raw ng burol ngayon ni Lolo. Buti na lang at sumakto sa pag uwi namin sa Catanduanes.
Tinutulungan ko si Kuya sa pagkakarga ng mga maleta namin sa likod ng kotse namin nang may mapansin akong kotse na pumarada sa tapat ng bahay namin.
Hindi ko na inabalang pansinin iyon dahil malamang sila Kendall lang naman yon. Nagsabi naman siya sakin kagabi na dadaan sila dito bago pumuntang airport.
Busy ako sa paglagay ng backpack sa likod ng kotse namin nang may narinig akong tumawag sa akin.
"Hey, Hadeya."
Nanlaki ang mata ko ng hindi boses ni Kendall ang narinig ko. Agad kong hinanap ang may ari ng boses na iyon.
My jaw dropped when I saw Jadrien standing outside our gate. He has a luggage with him and he's wearing a small backpack.
Agad akong naglakad patungo sa gate ng bahay namin para mapuntahan siya. Pinagbuksan ko siya ng gate at ang maaliwalas niyang ngiti ang sumalubong sa akin.
"What are you doing here? With that?" Confusion is written all over my face as I pointed his luggage.
"I'm coming with you to Catanduanes." He smiled widely.
Bahagya akong napanganga. "Pinayagan ka ng Dad mo?"
"And my Mom." He wiggled his eyebrows.
I was about to say something when I felt my Mom's hand on my shoulder. "And who is this young boy, Kenzie?"
Lumingon ako kay Mom at akmang ipapakilala si Jadrien nang siya na mismo ang naglahad ng kamay sa Mom ko.
"Jadrien Del Valle po, Mrs. Molina." He formally introduced himself.
Agad na kinuha ni Mom ang kamay ni Jadrien para makipagkamay. "Oh, silly. You can call me Tita Kendra."
Malapad na ngumiti si Jadrien. "Okay po, Tita Kendra."
"So, narinig ko sa usapan nyo kanina na sasama ka sa amin? Is that right?" Mom asked.
"Yes po, Tita Kendra." Agad na sagot ni Jadrien.
"Okay pumasok ka na sa loob at ipasok mo na rin sa kotse ang mga maleta mo." Anyaya ni Mom at siya na mismong ang kumuha sa luggage ni Jadrien.
Pinigilan pa ni Jadrien si Mom pero she insisted na siya na ang maglagay sa kotse kaya wala ng nagawa pa si Jadrien.
Tumayo ako sa gilid at tumabi sa akin si Kuya habang pinagmamasdan ko si Jadrien na nilalagay na sa likod ng kotse ang backpack niya.
"Hindi porket siya nagpalabas sayo sa kwarto mo ibig sabihin close na kayo." Kuya said coldly as he cross his arms in front of his chest.
Bahagya akong natawa sa pagiging cold niya at bahagya pang binundol ang balikat ko sa braso niya. "Kala mo hindi naging thankful kay Jadrien, eh."
"Yeah, i'm thankful for what he did for you. But this is too much. Hindi nga siya nakilala ni Lolo." Buntong hininga nito.
"Kahit na, it's fine that he's here. He'll give me company." A small smile crept into my lips.
"We can give you company, Ken." May diin sa pagkakasabi ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Each Other's Bridges
Teen FictionMolina Series #03 Kenzie had always hated Jadrien. His loud husky voice and mischievous schemes gets into her nerves all the time. She never thought that their 'aso and pusa' relationship will ever end. Until something happened. She never thought sh...