Chapter 27

3 1 0
                                    

Chapter 27
Avoiding

KENZIE HADEYA

          UMIINOM AKO NG tubig galing sa tumbler ko at napahinga ako ng malalim bago sinara ang tumbler ko. Kakatapos lang ng training namin at hinihingal kaming lahat ng mga pinsan kong lumapit sa bleachers.

"Ken, painom naubusan na ko ng tubig." Kayleigh asked for some water.

Walang imik ko namang inabot sa kanya ang tumbler ko habang pinupunasan ko ang pawisan kong noo.

Lumapit naman sa akin si Keira habang hawak hawak ang towel niya. "Ate Kenzie palagay naman sa likod, please."

"Sure." Maikli kong sagot at kinuha mula sa kanya ang towel niya.

Pinunasan ko muna ang likod niya bago ko nilatag sa likod niya ang kanyang towel. Tinapik ko ang likod niya pagkatapos kong ilagay sa likod niya ang towel.

"Thank you, Ate Kenzie!" She thanked me.

Pagtango na lang ang naging tugon ko sa kanya nang nilapitan ko ang duffle bag ko para maayos ko ang laman nun. Napansin kong madami na kong labahan na naipon doon. Ipapalaba ko na 'to kay Ate Sheena pag-uwi ko.

"Ken." Narinig kong tinawag ni Kuya York ang pangalan ko.

Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang tinapunan ng tingin. Pagkakita ko sa kanya ay agad kong nilingon ang likod niya. I heaved a sigh when I only saw our guy cousins walking inside the gym.

"Ba't parang nakahinga ka ng maluwag?" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Kuya York.

"Wala si Jadrien?" Tanong ko.

"Friday ngayon. Maaga umalis dahil sa performance nila sa Limitless." Sagot ni Kuya York.

Muli akong nakahinga ng maluwag. "Buti naman."

"Bakit? Iniiwasan mo?" Nagtatakang tanong ni Kuya York.

Marahan akong tumango.

Muling nagsalubong ang kilay niya. "Nag-away kayo?"

Agad akong umiling. "Hindi."

"Edi bakit mo iniiwasan?" Nagtataka niyang tanong.

Huminga ako ng malalim. "Mahabang kwento. Uwi na tayo." Pag-aya ko sa kanya at dinala ko na ang duffle bag ko.

Wala namang nagawa si Kuya kundi sundin ako kaya sabay sabay na kaming magpipinsan na umalis sa gym para pumunta sa car park.

          NASA READER'S SANCTUARY ako habang nag-a-advance reading para sa kasunod naming klase. Pinapakinggan ko ang piano instrumental playlist na ginawa para sa akin ni Jadrien.

Napatigil ako sa pagbabasa ng maalala ko si Jadrien. Tatlong araw ko na siyang iniiwasan at so far hindi pa naman niya nararamdaman na iniiwasan ko siya. Busy siya sa studies niya dahil malapit na ang midterms namin. Usually, pagganitong malapit na ang midterms ay sabay kaming nagre-review.

Malamang mahahalata niyang umiiwas ako sa kanya kapag hindi niya ko mahagilap. Plano kong tumago sa kanya para mas maging close silang dalawa ni Serene. After talking to Serene I realized she deserves Jadrien better than me. Marami siyang kayang gawin para kay Jadrien na hindi ko alam kung matatapatan ko.

Kaya mas minabuti ko na lang na umiwas kay Jadrien. Para wala na siyang choice kundi samahan si Serene. Pakiramdam ko naman hindi mahirap mahalin si Serene. Kaya baka sa dalas nilang magkasama ay mahulog din si Jadrien sa kanya.

I will be lying if I say that my heart isn't breaking. It's already shattered into pieces as I imagine the two of them together. Pero wala akong magagawa. Mukhang sila ang pinagtagpo para sa isa't isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Each Other's BridgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon