Chapter 20
EulogyKENZIE HADEYA
AND JUST LIKE that, I lost two of the most important people in my life. I never seen nor wanted this to happen. Losing them both pains me so much. Parang nung isang taon lang nagtatawanan kami ngayon nandito kami nagbabantay sa burol nilang dalawa.
Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak sa tuwing nakikita ko ang magkatabi nilang kabaong. Sobrang sakit. Hinihiling ko na sana hindi 'to nangyayari ngayon. Pero wala akong magagawa, eto ang realidad ko ngayon.
Luckily, Jadrien never left my side. He's been there always for me. Taga punas ng luha ko. Taga paalala sa akin na kumain na. At taga sabi sa aking matulog na dahil kung ako lang ang masusunod buong araw at gabi kong babantayan sila Lolo at Lola.
"Bukas na ang libing ng Lolo at Lola nyo." Tito Yael broke the silence.
Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pagbuntong hininga niya sabay lingon sa mga kabaong nila Lola.
"We'll be having their last vigil tonight. Sabihan nyo lang ako kung sinong gustong magsalita mamaya para sa eulogy." He added returning his gaze at us.
Agad akong nagtaas ng kamay. Ganun din ang mga pinsan ko. Kaming lahat gustong magsalita para sa eulogy nila Lolo at Lola.
Bahagyang natawa si Tito Yael at pinunasan ang nangingintab niyang mata. "Baka anong oras tayo matapos nyan mamaya kung lahat kayo magsasalita."
"But we all want to bid our goodbyes to Lolo and Lola, Dad." Kendall spoke.
Bahagyang napatango si Tito Yael. "Sige, magsasalita kayong lahat mamaya."
Naglakad na patungo sa balcony si Tito Yael kung nasan ang mga Dads namin. Nagsilapitan naman ang mga pinsan ko sa akin at nag form kami ng pabilog sa harap ng kabaong nila Lolo at Lola.
"Let's relive all the fun memories we have with Lolo and Lola. Alam kong hindi sila matutuwa kung makikita nila tayong malungkot sa huling araw ng libing nila." Kendall said.
"Tama si Dall. Puro masasayang alaala lang ang banggitin natin mamaya. Dapat yong matatawa tayong lahat." Maliit na ngumiti si Yaser.
"Let's make Lolo and Lola's last vigil worth remembering." I said with a weak smile as I wiped a tear that escaped from my eye.
MARAMING TAO ANG dumalo para sa last vigil nila Lolo at Lola. Mga kasama nila sa negosyo, mga kamag-anak, pati na rin ang iilan na politician ay dumalo. We can't deny the fact that our Lolo and Lola left a great legacy in Catanduanes.
Huminga ako ng malalim dahil malapit na magsimula ang eulogy. Pangatlo ako sa magsasalita. Mauuna si Kendall tapos susundan ni Yusef.
I felt an arm wrapped around my shoulder. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang comforting smile ni Jadrien. "Don't get nervous. Remember that you are doing this for your Lolo and Lola." He comforted me.
I leaned in and rested my head against his shoulder. "But there's a lot of people. I'm afraid I'll mess it up."
"Don't be. Isipin mo na lang na nasa harapan pa rin sila Lolo at Lola mo. Nakaabang sa sasabihin mo na ikatutuwa nila." He said as he caressed my shoulder.
BINABASA MO ANG
Each Other's Bridges
Teen FictionMolina Series #03 Kenzie had always hated Jadrien. His loud husky voice and mischievous schemes gets into her nerves all the time. She never thought that their 'aso and pusa' relationship will ever end. Until something happened. She never thought sh...