Chapter 4
Bubble GumKENZIE HADEYA
ISA ISA NG nag-aalisan ang mga kaklase ko. Some of them bid their goodbyes to me and I just respond with a faint smile. Patagal ng patagal nararamdaman kong magiging girl version na ko ni Kuya York. Nakakadrain din pala talagang makipaghalubilo sa mga tao. A couple of friends is enough, not a bunch.
Naiwan na lang akong mag-isa dito sa dance studio ng talent department. Nagpractice kasi kami para sa ipre-present namin for University Week.
Kahit away kong sumali sa mga ganitong patimpalak, wala naman akong magagawa. Required saming sumali sa mga contest. Buti na lang marunong ako sumayaw kundi sa academic contest ang bagsak ko. Ayoko namang sumali doon dahil alam kong wala ng pag-asang manalo ako. Damon Del Valle ba naman kalaban ko. Wala na kong panaman roon.
I connected my phone through the bluetooth speakers. The slow soothing piano instrumentals blared from the speakers. Naitukod ko palikod ang dalawa kong kamay at napatingala ako saka napapikit.
Dinamdam ko ang bawat tipa ng piano'ng narinig ko. Isa talaga ito sa mga bagay na nagpapakalma sa'kin. Sa tuwing pakiramdam kong sasabog na ko, makarinig lang ako ng piano instrumentals kumakalma na ko. My own kind of therapy.
'Wag lang sa'kin magpakita si Jadrien kundi mapapatay ko na talaga 'yong nuisance na 'yon.
Napadilat ako at napaupo ng maayos nang marinig kong marahas na bumukas ang glass door ng dance studio.
Kendall made her way towards me with her furrowed brows. Tumigil siya sa harap ko at may nilahad sa aking bimpo.
I smiled sheepishly as I tried to reach the towel. "Aww, what a sweet cousin." I teased.
Ngunit bago ko pa man iyon maabot agad niyang nilayo sa'kin ang bimpong nilalahad niya. Kaya ang kilay ko naman ang nagsalubong. Ano bang trip nitong masungit kong pinsan?
"When did you became friends with Cross Keyper Pangilinan?" Mataray niyang tanong nang nakataas ang isang kilay.
I titled my head in confusion. Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya dahil iniisip ko muna kung sino 'yong taong binanggit niya. Sa pagkakatanda ko isang Cross lang naman ang kilala ko and that's the black face masked guy.
I glanced at her. "The guy who wears a black face mask?"
Kendall's jaw dropped in disbelief. Pinanlakihan niya ko ng mata kaya bigla akong na sindak sa kanya. "So, you are friends with him! Since when?!" She sounded like I betrayed her or something.
Naguguluhan ko siyang tinitigan. "Last two months. And wait, why do you react like that?"
Pabagsak na tumabi sa'kin si Kendall at napabuntong hininga bago inabot sa'kin ang bimpo. "Cross, is somehow a rival of us."
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. How can a good guy like him be a rival? Mas mukha pa ngang kalaban si Jadrien.
"What do you mean by that, Dall?" Naguguluhan kong tanong habang nagpupunas ng pawis.
Kendall looked at me with concern. "Anak siya ng may-ari ng kalaban nating university, Ken."
Napatigil ako sa pagpupunas ng noo ko. Doon ko lang napagtanto kung bakit lagi siyang nakasuot ng face mask sa tuwing nakikita ko siya sa loob ng campus. Kung bakit kapag magkasama kami tapos makikita naming papalapit samin sila Colin bigla bigla na lang siyang nawawala. Kung kalaban namin ang university nila, bakit patuloy siyang bumabalik dito?
Napabuntong hininga ako at dinaan na lang sa tawa ang lahat ng tanong na nabuo sa isipan ko. "Malay mo naman wala na sa kanya 'yong university rivalry na 'yan. Saka hindi ko alam na uso pa pala 'yan." I joked.
BINABASA MO ANG
Each Other's Bridges
Fiksi RemajaMolina Series #03 Kenzie had always hated Jadrien. His loud husky voice and mischievous schemes gets into her nerves all the time. She never thought that their 'aso and pusa' relationship will ever end. Until something happened. She never thought sh...