Chapter 16

18 1 0
                                    

Chapter 16
Peach Mango Pie

KENZIE HADEYA

          HINIHINGAL AKONG HUMINTO sa tapat ng bahay namin. Kakatapos lang naming mag-jogging nila Kendall, Yale, Yeshua at Kuya palibot ng subdivision namin. Next week na ang tryouts namin, ako sa volleyball at sila Yale at Yeshua naman sa basketball. Kaya talagang mas inigihan ko ang pagkokondisyon sa sarili ko.

"Here, Kenny. Water." Kendall gave me her tumbler.

Still catching up my breath, I received it and drank from it. "Thanks, Dall." I said as I returned her tumbler.

"Penge rin ng tubig, Ate." Yale asked his sister.

My eyes widened. "Hala, naubos ko na 'yong tubig sa tumbler ni Dall, Yale. Manghingi ka na lang kay Kuya."

Agad namang tumango si Yale at kinuha ang tumbler na inabot na sa kanya ni Kuya. After that Kuya went towards my back to wipe the sweat from my back.

"Sana all may maalagang kapatid." Yeshua whistled as he wiped his back.

Napalingon naman sa kanya si Kendall at natatawang nilapitan ito. "You could've asked for help, Yesh." Kendall said as she snatched Yeshua's towel to wipe his back for him.

"Sweet talagang pinsan ni Dall." Yeshua teased.

"Sweet na pinsan, pangit ka bonding na kapatid." Yale retorted after he drank water.

"Pangit ka rin kasing ka bonding." Kendall sneered, rolling her eyes.

Yale's lips just parted in disbelief.

Halos sabay kaming natawa ni Yeshua at nakita kong ngimisi lang si Kuya nung tumabi na siya sa akin pagkatapos punasan ang likod ko.

"Tara na, maglaro na lang tayo." Anyaya ni Kuya kila Yale at Yeshua.

Agad namang sumunod si Yale kay Kuya ng hindi pinapansin si Kendall. Nagtatampo na naman 'yon sa Ate niya. Sumunod din sa kanila si Yeshua pagkatapos lagyan ng towel sa likod ni Kendall.

"Let's play here na lang." Anyaya sa akin ni Kendall pagkaalis ng tatlo papunta sa covered court ng subdivision.

I nodded in agreement and waited for her to get the ball from inside. Naglaro kami agad pagkabalik niya. Hindi na ko kailangang turuan ni Kendall dahil nahasa na naman ang volleyball skills ko tuwing liga sa Catanduanes.

Kailangan ko lang talagang maglaro ng maglaro para naman lumakas ang endurance ko. Eto rin struggle ko bago magsimula ang liga, eh. Hindi naman kasi ako nakakapag exercise kapag nandito sa Manila dahil focused ako sa studies at mas gugustuhin kong magdrawing sa free time.

Kaya pagkabalik namin dito after last summer, sinikap kong sabayan si Kuya sa jogging. Simula ng makasali si Kuya sa basketball varsity ay palagi na siyang nagja-jogging. Simula kasi nung araw araw silang magtraning ay hindi na pwedeng matengga katawan niya kundi mawawalan siya ng lakas kapag naglaro.

Every weekend naman niyaya ko sila Kendall at Kayleigh na maglaro para naman masanay din ang katawan ko. Para hindi na ko manibago if ever makapasok nga ako sa volleyball team. Every after-class pa naman ang training.

Halos isang oras ata kaming naglaro ni Kendall sa tapat ng bahay bago kami nagpasya na magpahinga muna. Pumasok kami sa loob ng bahay at pasalampak akong humiga sa sofa. Samantalang, parang hindi man lang napagod si Kendall nung umupo siya.

"I wish I had your endurance." I blurted out, while catching my breath.

Kendall giggled as she lifted my head so I can lay on her lap like a pillow. "You'll get my endurance when we start training. Believe me, mas malala pa ko sayo nung nagsimula ako. It's a good thing you took initiative and prepared your body even before tryouts. I wish I did the same thing."

Each Other's BridgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon