Chapter 23

8 1 0
                                    

Chapter 23
Serene

KENZIE HADEYA

KAKALABAS KO LANG mula sa shower room dito sa gym. Sinadya ko talagang maligo dahil makikipagkita na ko sa pinsan ni Cross and right after may dinner naman sa bahay nila Jadrien. Kailangan maging fresh ako para hindi halatang napagod na naman ako sa training.

"What's with the cute outfit, Ken?" Kendall asked when I returned to the bleachers.

"Susunduin kasi ako ni Cross para makipagkita sa pinsan niya. Tapos may dinner pa sa bahay nila Jadrien kaya nag-ayos ako." I answered as I combed my hair.

Kendall smirked. "Torn between two lovers feeling like a fool." She sang.

Marahan ko naman siyang hinampas gamit ng suklay ko. "Anong two lovers ka dyan. Jadrien is my best friend and Cross is my close friend."

"Oh, come on, Ken. We both know that those two guys have feelings for you. You're just in denial." Kendall playfully rolled her eyes at me.

"I won't believe that unless they state it, Dall. Ayoko namang mag assume sa wala." I answered.

"Oh sige, let's say na umamin silang dalawa sayo. Sinong pipiliin mo? Jadrien or Cross?" Pangungulit pa sa akin ni Kendall.

I looked at her. "Tinatanong pa ba 'yan? Syempre si Jadrien." I said stating the obvious.

Bigla namang tumili si Kendall na naging dahilan kung bakit napalingon sa aming dalawa 'yong tatlo.

"Hoy, anong nangyayari sayo, Kendall?" Tanong ni Kayleigh pagkalapit niya sa amin.

"Eto kasing si Ken. Pinili si best friend. Ba't kasi ayaw mo pang umamin ha?" Hinampas ako ni Kendall.

"Ayoko ngang umamin. Paano kung hindi naman kami parehas ng nararamdaman? Edi nagkalamat lang ang friendship namin. I can't afford to lose our friendship just because I have feelings for him." Umiling ako.

"Ate Ken, bulag ka ba? Halata naman na may gusto rin sayo si Jadrien." Kaitlyn said.

"Kaya nga, Ate Ken. Halatang halata naman na you have feelings for each other. Why don't the both of you take the risk?" Keira asked.

"'Wag nga kayong ganyan. Baka umasa lang ako sa wala." I sighed.

"Bakit kasi hindi na lang umamin sayo si Jadrien? Ang tagal n'yo ng mag best friends. Hanggang doon lang ba talaga ang gusto niyang relationship n'yo?" Mataray na tanong ni Kendall.

"Tama na nga 'yan. Tama naman si Ken. Kung sa pakiramdaman lang tayo magbe-base baka umasa lang talaga siya sa wala." Saway ni Kayleigh sa kanila.

I smiled and hugged her. "Thank you at may kakampi ako."

"Basta libre mo ko ng lunch bukas." Kayleigh wiggled her brows.

Agad naman akong napabitaw sa kanya. "Langya, may bayad pala pagkampi mo."

Natawa naman sa akin si Kayleigh at may sasabihin pa sana sa akin pero may umagaw sa atensyon niya mula sa likod ko. "Nandyan na pala sundo mo, Ken."

Napalingon naman ako sa likod ko at natanaw ko na nga si Cross na naglalakad palapit sa amin. He's wearing a statement white shirt and khaki shorts paired with his white sneakers.

"Hi, girls." Bati niya sa amin pagkalapit niya.

"Hi, Cross! Paki ingatan na lang 'tong pinsan namin. May dinner pa 'tong pupuntahan." Nakakaloko akong tinignan ni Kendall.

Agad ko naman siyang hinampas sa braso niya. "Sira ka talaga, Dall."

Natawa lamang si Kendall at binigay niya na kay Cross ang duffel bag ko. "Sige na, alis na kayo. Ingat!" Pangtataboy niya sa amin.

Each Other's BridgesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon