Loretta's Plan

5.6K 232 12
                                    

Xyra's POV


We're on our way to the AVH nang naisipan ko na gumamit ng restroom para masimulan ko ang event at wala akong ma miss. "Best, pupunta muna ako sa restroom ha, mauna ka na." paalam ko. "Sige, mag reserve na ako ng seats para sa ating dalawa," tugon ni Erin.


While walking on the corridor, hindi napigilan ng tainga ko na humagilap ng balita. Alam niyo naman ang lola niyo, nakiki echos sa mga tao. Napatigil ako at sumilip ng konti sa may classroom kasi medyo nakabukas ang pinto. "Loretta, are you sure about this?" sabi ng isang babae. Hindi ko makita ang mukha ng kaniyang kausap dahil nakatalikod. Lumakas bigla ang aking pandinig nang marinig ko ang boses ni Loretta.


"Of course! You know me, I'm not gonna let anyone stop me from being a Class-A student. I already planned the whole thing to win. I want to be with Eric, and no one will take that away from me," she expressed. Makikita mo sa mukha ng kaniyang kausap ang pag tataka. "What do you mean by 'already planned'?" tanong ng taga-Class B. Loretta smirked and said, "Well, I just asked for help not to let Jade compete against me. If she is not at the auditorium, then I will be declared automatically as the winner."


I rolled my eyes. What a cheater! Tumango ang kausap niya, "That's good. By the way, kailangan na natin umalis," saad niya. "Yeah, you're right," Loretta replied. Umalis na ako kaagad at baka mamaya mahuli ako na nakikinig sa usapan nila. I know that I need to do something, but first, gagamit muna ako ng CR. (^__^") Naiihi na ako eh. Please don't judge meh! After ko umihi, tumungo kaagad ako sa auditorium. I stopped for a moment kasi biglang tumunog ang cellphone ko.


From Erin:


"Best, wala pa si Ms.Jade. Pag hindi raw siya dumating maaaring si Ms. Lionette  na ang new top 10 student. :( "


Shoot! 2:30pm na, I was about to reply to inform her na may pumipigil kay Jade, it may be the only way I could help without getting involve in the situation. Maglalakad na sana ako ulit nang may narinig akong kalabog na nanggagaling sa janitor's closet. Tinago ko muna ang cellphone ko dahil sa takot. Ako lang kasi ang mag-isa sa corridor dahil lahat ng mga estudyante ay nasa auditorium.O__O Horror ba ang genre ng buhay ko? Wag naman sana Lord. TT__TT


Ignore na lang kaya? Tama, iyon dapat ang gawin ko. Hindi ako katulad ng  mga bida sa mga horror na palabas noh! Alam na nga nila na may something wrong sa closet or bahay, titingnan pa, hindi na lang sana dinedma at lumayo. Tatalikod na sana ako nang may nagsalita habang kumakatok siya sa may pintuan.


"May tao ba diyan? Pwede mo ba akong tulungan?" saad ng isang boses mula sa loob. Nakakatakot kasi mukhang hindi siya nagpapanic. Kaya nakakapagtaka kung bakit naman ganoon. Siyempre kung ikaw pa naman ang makulong sa closet, hindi ka ba matataranta? Huhuhuhuhu baka nga horror ito.  Unti-unti akong lumapit sa closet. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.


"May tao ba diyan?" I asked. Ay tangeks! Malamang, ang stupid naman ng question ko. Siya nga diba ang unang nagtanong (-_-'). "Yeah, can you help me open the door? It's locked from the inside and my hands and feet are tied on a chair. Can you find a way?" tanong niya. Hindi muna ako umimik, then hindi ko napigilan ang sarili ko na ngumiti. Familiar ang boses niya. Suddenly, bigla na lang siya nagpanic.


"Anong name mo?"tanong ko. "My name is Jade. Pwede mo ba akong tulungan? May match kasi ako na kailangan puntahan kaso may nag set up sa akin. Kinulong nila ako rito, I guess my opponent is a cheater," she said. Oh, so this is her plan. Kinuha ko ang hairpin galing sa aking buhok.


"Just wait," I uttered.


Meanwhile, in the auditorium


Third person's POV


"Excuse me, I may not be an expert on rules, but nakalagay sa rulebook na kapag hindi umattend and opponent ko, it will automatically mean na panalo na ako. Nakakainip na kasi," saad ni Loretta. Kalmado lang na nag salita si Johanna, "Yes, may rule na ganoon," she said and smiled at the audience. Everybody gasped and the whole crowd murmured to each other.


"Omg, so that means, siya na ang bagong Top 10?" a spectator asked. "Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi pumasok si  Ms. Jade?" another wondered. "Nagback out na siguro. Maybe she's afraid na instead na matalo, she decided to forfeit and hindi mapahiya," someone hypothesized.


Tumingin pabalik si Johanna kay Loretta. "However, may binibigay na time para masabi na hindi na siya lalaban. May time limit na 20 minutes. Kapag hindi siya nakapasok after the allotted time, you will be declared as the winner and you will replace her as the Class-A Rank 10th student," she explained. Ngumiti lang si Loretta dahil alam niya na siya na ang panalo.


Nagkatinginan sina Johanna and Zoella. They are trying to calm themselves and still hoping na Jade will arrive.





Corridor (17 minutes before the deadline)


Xyra's POV


"Almost there," I uttered while trying to unlock the knob. I was relieved when I heard a click sound. Bingo! When I opened the door, nakita ko si Jade na nakaupo at nakatali ang mga paa at kamay. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang kanyang pagkakatali.


"Salamat talaga, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi mo ako tinulungan," she stated. I smiled, "Wala iyon, mahilig akong buksan ang pinto ng kwarto ng nanay ko at kumupit sa wallet niya noong bata ako hehehehe, biro lang, at saka kaya mo naman makalabas ng sa iyo lang eh. You just want to be entertained," I said, "Huh? What do you mean?" sabi niya habang nakakunot ang noo.


"Well nahalata ko lang noong bago kita tulungan, I heard a knock on the door. Since nakatali ang mga kamay mo, I know you're not capable of doing it. Noong lumapit ako sayo at hindi pa kita natutulungan, I can hear and feel that you're not panicking at all. When you knew na malapit ko na mabuksan ang pinto, nagpapanic ka na which is odd kasi dapat you're already relieved kasi may tumutulong na sayo. Lastly, maluwag ang pagkakatali sayo at madali ka lang makaalis pero hindi ka nag pumilit makawala. It's like you're kinda enjoying what's happening to you. You turn a bad situation into a good one. I'm sure that someone really did set you up, pero you also want to test something, I'm not sure what," I explained.


I just realized kung ano ang mga pinagsasabi ko, "Ay uhh, umm nalaman ko lang yun kasi mahilig akong manuod ng movies about mystery. May ganito na kasi na scene eh," dugtong ko and chuckled nervously. Masyado ka kasi mahilig sa mga crimes and mysteries Xyra eh! Na carried away ka tuloy. Naku! Ikaw talaga, maipapahamak mo ang sarili mo. Tumingin siya sa kaniyang relo and looked at me.


She smirked ," You're a Class-F student? Mmmmm Interesting. I'm curious to know more about how you easily discovered and solved it, pero since may 7 minutes na lang ako para makaabot sa match. I will just deal with it later. Thanks for helping me, see yah," sabi niya at tumakbo na papunta sa auditorium.


I sighed and headed towards the AVH as well.


-------------------------------------------

Vote


Comment


And


Be a follower


~Blair_07

Class-F GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon