XYRA'S POV
Time Check: 10:30am (BREAK TIME)
"Ate, isang pineapple sandwich at bottled water po," order ni Erin. Lumingon siya sa akin kasabay ng pagkuha niya ng bayad sa wallet niya. "Ah, ganoon ba? Anong oras ka uuwi ng bahay?" tanong niya. "Hindi ko pa alam eh, siguro mga 10pm kung kalian ako papauwiin ni uncle," sabi ko. "Sige, gusto sana kita samahan sa pagbisita mo sa uncle mo kaso siguradong hindi ako papayagan ni tita. Alam mo naman, sabi ni papa wag ako palabasin ng gabi pag hindi connected sa pag aaral," saad niya sabay nguso. Tumawa naman ako, "Nag-aalala lang si tito sayo," tugon ko. Hindi alam ni Erin ang lahat ng details. I don't want to lie so I just simply said na bibisitahin ko ang uncle ko. Napabuntong hininga siya at kinuha ang pagkain sa counter.
Umupo kami malapit sa bintana. "Sisters, May chika ako!" tili ni Lea habang papunta sa amin. "Dahan dahan lang girl," sabi ko. Umupo siya sa harap naming at huminga ng malalim. "Madaming pupuntang gwapo dito! Baka makita ko na ang aking the one," saad niya. Kumunot ang noo naming ni Erin. "Anong meron?" tanong ni Erin. "Ay, hindi kayo updated? May event somewhere over here mga teh! Chuva ng iba galing daw sa iba't ibang parte. Magsisilabasan ang mga pinagpalang mga nilalang! Magdiwang tayo. Kasama doon ang mga model na sina Drexer Hunt, Chasin Hunt, Angelo Wentz at saka si Spence Thornton. I'm so excited and I just can't hide it," pagpapaliwanag ni Lea habang kumakanta. (^__^")
"Talaga? Oh my vegetables! Saan kaya iyon?" tanong ni Erin na halatang excited. "Hindi ko rin alam. Sana may mag sabi para mabantayan natin at makidnap," sabi ni Lea. "Baka makulong tayo ng hindi oras kung ganoon," sabi ko habang tumatawa. "Basta ba kasama yung nakidnap why not coconut," biro ni Lea. Lumakas ang tawa naming dahil sa sinabi niya.
Tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito para makita kung sinong tumatawag. "Wait lang, may tumatawag sa akin," sabi ko sa kanila. Tumango sila at nagpatuloy sa pag-uusap tungkol sa event. Tumayo ako at lumabas ng cafeteria.
I answered the phone and said, "Hello, Casey?". "Xy! Are you going to the party tonight?" tanong niya. "Yeah," tugon ko. "Oh really? That's great! Narinig ko kanina sa faculty na half day ngayon since you know, some of them are part of it also. Anyway, let's meet up later," saad ni Casey. "Okay, At the venue? " tanong ko at tumingin sa paligid kung may taong malapit at nakikinig. "Nope, we're going shopping. I have nothing to wear and I need to buy a mask," pagpapaliwanag niya. "Oh, right! I forgot about that. I also have nothing to wear at all," sabi ko at napa face palm. I heard her chuckled. "Perfect! We will have plenty of time to get ready. See you later at sweet tooth shop Xy," she said with excitement and then end the call. I chuckled and went inside the cafeteria.
Umupo ako at nilagay ang cellphone sa bulsa. "Best! May plano kami ni Lea kung anong gagawin naming mamayang gabi," sabi ni Erin. "Ano yun?" tanong ko. "Una, sasabihin ko kay tita na magkakaroon ng group study sa bahay nila Lea and then pupunta kami kung saan man iyon at after 3 years. Kasal na ako!" saad niya. Binatukan naman siya ni Lea. Napahawak sa batok si Erin at ngumuso (-3-). "Loka! Ako kaya mauuna. So, ayun nga, in short manghuhunting kami mamayang gabi," pagpapaliwanag ni Lea. "Ang tanong, alam niyo ba kung saan iyon at desidido ba kayo na mag sisinungaling kayo kay tita?" sabi ko. Umiling silang dalawa at lumungkot ang kanilang mga mukha. I don't want to tell them where it is because they might get in trouble but I'm also feeling guilt because I know this kind of information.
BINABASA MO ANG
Class-F Girl
Teen FictionShe's not who you think she is. Alessandra A.K.A Xyra is a Class-F girl. The lowest class in the A6 University where you can find students who always got an F on their report card and haven't discover their talent yet. In A6 University, people from...