Canteen

7.3K 268 13
                                    




XYRA'S POV

Science ang subject namin ngayon. Tumingin ako sa orasan at napabuntong hininga, may 25 minutes pang natitira at nasa part na kami kung saan nag tatanong ng mga questions ang aming professor. Gutom na talaga ako.  (_ _')

"First question, What is Thermodynamics and elaborate it? Does anyone know the answer?" tanong niya. Walang nag taas ng kamay kasi hindi namin alam ang sagot. "No one? Come on, this is an easy question. If no one wants to answer then you can't have your break," pahayag ng professor namin. Lahat naman sila ay nag reklamo. "Ma'am naman eh! Next time na yan," saad ng katabi ko.

"Gusto ko na po lumamon. Wala ng tinutunaw yung tiyan ko eh!" sabi naman ng lalaki sa likod ko. Nako, same tayo kuya! "Ma'am! Nagugutom na ako at ang mga alaga ko sa tiyan . Maawa naman kayo," banggit ng isa pa namin na kaklase.

Jusmeyo! Gutom na gutom na ako, bituka na ata ang tinutunaw ng tiyan ko. Leche naman! Wala na akong magagawa kundi tiisin ito. Lumingon ako kay Erin at makikita mo na gusto niya na rin matapos ang klase. " Hay naku! Kayo talaga, isa lang tapos kumain na kayo," sabi ng aming Professor.

Hindi ko na napigilan at itinaas ko na ang aking kamay. "Oh Xyra, what's the answer?" tanong niya. "It deals with the relationships between heat and other forms of energy. Specifically, it portrays the conversion of thermal energy into other forms of energy. Thermal energy is the energy a substance or framework has because of its tempe..."

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil napansin ko na lumaki ang kanilang mga mata sa sagot ko. Wag ninyo akong tingnan ng ganyan! Gutom na kasi ako eh. Hindi ko na ipinagpatuloy ang aking sagot at umupo na lamang.  "Wow, very good, how did you know that?" tanong niya habang nakangiti.

"Big Bang Theory po ma'am, napag-isipan po kasi ng Drama Club na we should act a scene from an episode of that series, charot lang po yun ma'am," sagot ko at nag peace sign at wink pa. Taray noh? Narealize ko mukha pala akong timang so tinigil ko na. (^_^") Pigil hininga muna Xyra. Wag kang hihinga, maniwala ka po ma'am. "Oh that's great! Okay then, class dismiss," sabi niya at lumabas na ng classroom.

Oh Thank you Lord! Nawala gutom ko dahil doon. Huminga ako ng malalim.  Okay, amoy panis na laway na ang aking bibig.(-_-") Ang tagal kasi ng klase eh. Nakita ko si Erin papalapit sa akin na nakakunot ang noo.

"Xyra, anong Big Bang Theory? Wala naman tayong ganoon, at saka hindi ko nga alam yan eh," tanong niya. Ay! Oo nga pala, kasali rin si Erin sa Drama Club, patay tayo niyan. "Ha? Wala, nakabukas kasi ang libro ko kanina kaya binasa ko na lang. Hindi lang nahalata ni ma'am siguro. Labo na kaya ng mata niya," paliwanag ko sa kaniya at tumawa. "Ah, akala ko naman alam mo talaga. Napahanga mo ako kanina," saad niya. Umiwas na lang ako ng tingin kasi I hate lying to her.

"Matalino? Spell never, A-K-O " sabi ko. Ano daw? Hindi ko na alam ang pinagsasasabi ko. "Oo na! Tara na nga, kumukulo na tiyan ko eh," tugon niya at hinila ako papunta sa canteen. Malayo pa lang ay makikita mo na ang kalahati ng building. Tatlo kasi ang floors ng cafeteria. If you would analyze it deeply, it's like there's a caste system. May three parts ang ground floor. Ang 1st part ay for Class D , Class E naman sa second section and ang third part ay for Class F students.

1st floor

-WIFI zone
-Normal table and chairs made of wood
-Self service
-Spoon and fork ang ginagamit sa pagkain

Ang 2nd floor naman ay nahahati sa dalawa para sa Class B and C pero mas malawak ang part ng Class B. Ang lamang ng 2nd floor sa 1st floor ay strong internet connection, tables and chairs were made by famous Filipino furniture designers. They have butlers and coffee tables.

Ang 3rd floor naman ay ang parang VIP part ng cafeteria, their tables were made by famous furniture designers all around the world. They also have their own WIFI, complete set of utensils, they have their own cafe on their floor, fine dining table set up, butlers, chef and a television. They're like the Brahmins of the Hindu caste system. This is where a Class A student belongs.

Naghanap na kami ng mauupuan. May nakita kami malapit sa bintana. Papalapit na kami roon nang tumunog ang bell. It means papunta na rito ang Class A students. Nauuna kasi ang mga lower classes matapos kaysa sa Class A.

Tumahimik ang lahat at hinihintay ang pagdating nila. Maririnig mo ang kanilang mga boses na unti-unting lumalakas habang sila'y papalapit.

They're here...

--------------------------

Enjoy

Leave a comment

Vote

And

Be a

Follower ^_^

Citation: Lucas, J. (2015). "What is Thermodynamics?" Live Science. Retrieved from https://www.livescience.com/50776-thermodynamics.html

Class-F GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon