Class-A Profile

6.4K 225 33
                                    

Xyra's POV



I opened the gate and went in. Nakita ko na bukas ang ilaw ni Tita Helena mula sa labas ng bahay. Ibig sabihin noon ay nakauwi na siya galing trabaho.

She's a sales consultant sa isang company. Siya ang nag-aalaga sa amin ni Erin. Nasa ibang bansa kasi yung papa ni Erin , samantalang namatay na ang kanyang ina noong 10 years old pa lamang siya while I'm here because of a reason.


Medyo may kalakihan ang bahay. Isang vintage house ito na ipinagawa ng lolo ni Tita Helen. May kalumaan na pero hindi halata sa istraktura nito.


Pumasok na ako ng bahay at nakita ko si Erin na nasa sala at mukhang hinihintay ako. Lumapit ako sa kanya, "Si Tita Helen, nasaan?" tanong ko sa kanya.


"Nasa kwarto niya. Ano, sabihin natin ng sabay?" saad niya. Tumango ako at kumatok sa kwarto ni Tita Helen. Pagkalipas ng ilang segundo ay bumukas ito. Nagmano ako at nagsabi ng "Mano po,". Ngumiti si Tita Helen "Pagpalain ka ng Diyos. Saan ka galing Xyra?" tanong niya. "Sa may shop lang po," saad ko.


Ngumisi kami dalawa ni Erin. "Hehe, Tita gumaganda ka yata ngayon." sabi ni Erin. Nakisabay na rin ako sa biro niya. "Oo nga eh, halata ko din," dagdag ko. Tumaas ang dalawang kilay ni Tita. "Kayo talagang mga bata kayo. Ano nanaman yan?" tanong niya. Pumikit si Best at sinabing "79 ako Tita". Napakamot ako ng ulo, "Ako naman po ay 80...hehehe" pagpipilit kong sabi at tawa.


Napabuntong hininga si Tita. Tanggap niya ata na ganito grade namin. It looks like that she's in a good mood. "O sige na. Sa susunod taasan niyo," tugon niya. Ngumiti kami ng malapad. "Love you Tita!" sabi namin at sabay yakap sa kanya. "Mmm, kayo talaga. O' siya ihahanda ko na ang pagkain natin para makatulog tayo ng maaga, " sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap namin ng may ngiti.


Lumabas na kami ng kwarto ni Tita. " Best, mukhang maganda araw ni Tita ngayon ha," sabi niya. Tumango ako, " Oo nga eh, buti na tiyempuhan natin," saad ko. "Tara punta tayo sa kwarto, stalk ko muna crush ko," sabi niya sabay hila sa akin.


Pagkapasok namin sa kwarto agad niyang binuksan ang kanyang computer. "Best, ang gwapo ni Greg noh? Pati rin si Joshua and Eric. Ay! Si Matthew din pala," sabi niya. Napakunot noo ko. "Hindi mo nga sila kilala eh," sabi ko. "Hay nako girl! Papakilala ko sila sayo upang mapatunayan ko na kilala ko sila," sabi niya at may binuksan na website.


Binuksan niya ang website ng University and she clicked the tab where CLASS-A students 2015 3rd year students were written. "Okay, unahin natin si Jade San Diego. Girl, besides sa maganda na siya, matalino pa. Well, lahat naman ata ng nasa Class-A na babae ay maganda at matalino. Sila na ang pinagpala. Haaay... hindi tulad natin, maganda lang." pagpapaliwanag niya. Natawa naman ako.


"Child prodigy siya. Professional siya sa pagtugtog ng harp at the age of 9 years old. She's also a Mathematician and mahilig siyang mag basa ng novels. Gusto niya ng mystery ones. Fluent siya sa Korean, French and Spanish, " dugtong niya. "Xyra! Erin! Halika na, kain na tayo," tawag ni Tita. "Opo," sabay namin na sabi. Tumayo na kami at lumabas ng kwarto.


Umupo na ako sa hapag kainan at pati na rin si Tita. "Ay teka lang, patayin ko lang yung ilaw sa kwarto at isara yung gate sa labas," saad ni Erin. Noong nakalayo na siya biglang nagsalita si Tita. "Xyra, may letter na dumating kanina. Galing sa uncle mo," sabi niya. Tumango lang ako at yumuko. Makikita mo sa mata ni Tita Helen ang pag-alala. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.


Pagkabalik ni Erin ay nagdasal na kami at kumain. Nag kuwento si Tita about sa kabataan niya habang kami naman ay tumatawa ni Erin. Paano pa naman kasi, sinabi niya sa amin kung paano niya hinabol ang isang lalaki. Noong wala pa daw Facebook sumusulyap sulyap daw siya sa library at pasimple na tumitingin sa crush niya. Madami pa siyang kinuwento sa amin hanggang sa matapos kaming kumain.


Class-F GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon