Chapter 9.5

5.8K 221 19
                                    

XYRA'S POV


(_ _") Seryoso, napagod ako ngayong araw.



Naghahanda na ako matulog nang may naalala ako. Bumangon ako at binuksan yung drawer malapit sa kama. Kinuha ko yung letter na pinadala ni uncle. I'm tempted to open it pero I think now is not the best time. Binalik ko ito sa lalagyan at sinara yung drawer. Makatulog na nga.



~NEXT DAY~


Time check: 7:43am



Pagpasok namin sa school, walang tao masyado sa paligid. "Saan pumunta ang mga tao?" tanong ko. Hindi ako sinagot ni Erin. (-___-')



Mukhang may ginagawa siyang kung ano sa dala niyang papel at may ibang iniisip. " Para saan iyan?" tanong ko. "Ha? Ah, form para sa pagsali sa competition," sabi niya. "Ooooh! Kaya mo iyan, fighting Erin! Ngayon feeling ko alam ko na kung saan yung mga tao," saad ko. "Saan?" tanong ni Erin. "Nasa AVH nagpapasa ng kanilang form," sabi ko. "Hindi ka ba sasali talaga?" tanong niyang muli. Umiling ako at ngumiti, "Nope," tugon ko.



Huminga ng malalim si Erin. Alam ko na kinakabahan siya. "Best, mauna ka na sa classroom. Ipapasa ko lang naman ito eh," sabi niya. "Sure ka?" tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "O' sige, kita na lang tayo sa room," saad ko.



Pagpasok ko sa classroom, marami pa rin ang estudyante sa loob. Mukhang wala masyadong sumali galing sa Class namin. Pag upo ko may lumapit na dalawang estudyante. "Uhm... Xyra, hindi ka ba sasali?" tanong ni Chelsea. Umiling ako at ngumiti sa kanila. Makikita mo na nalungkot sila. "Ay, sayang, baka kasi ito yung opportunity na makalaban tayo sa kanila," sabi naman ni Anne. Hindi ako nakapagsalita. "Uh, pero hindi ka namin pinrepressure ha." sabi ni Anne at tumawa ng may kaba. "Oo nga, okay lang kung hindi hehehe," sabi ni Chelsea. Pinilit kong ngumiti. Naalala ko yung sinabi kahapon ng mga professors. Bumalik sila sa kanilang upuan. Napakagat naman ako ng labi.



After a few minutes bumalik yung ibang mga estudyante, kasama si Erin. Nakayuko lang siya at nasa pinto lang. My gut instincts are telling me na may masamang nangyari. Nilapitan ko siya. "Best, okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin na parang maiiyak na siya. Pinilit niyang ngumiti, "Okay lang ako best," sabi ni Erin. May mga dumaan na mga estudyante sa corridor namin. Ang classroom namin kasi ang pinakamalapit sa AVH at madadaanan pag papunta at pabalik. May mga nagbulungan na tama lang na maririnig mo.



"Siya diba yung pinahiya ng grupo ng class-B students?" a student said habang naglalakad sa corridor. "Best, anong nangyari?" tanong ko. She covered her eyes for a while maybe to stop herself from crying tapos tiningnan niya ako "Uhm, sabi nila uh ang mga katulad daw natin ay.. h-hindi dapat sumasali sa mga competitions at..." hindi na tinuloy ni Erin ang kanyang sasabihin. I know she had something else to say.



Lumapit ang isang estudyante sa amin. She's from Class-B, "G-Gusto ko lang ibigay ito. Nahulog niya kasi kanina. I saw what happened," she said and handed me a paper. Form for the competition but it's already crumpled. She looked at Erin with pity eyes. "I'm sorry, I'm really ashamed because of what my fellow Class-B students did," she said. I nodded and umalis na siya. Nakita ko na papunta na si Lea dito. Noong nakita niya kami ay dali dali niya kaming nilapitan. "Girlalu, what's with the gloomy atmosphere," sabi niya. "Lea, ikaw muna bahala sa kanya. May gagawin lang ako," sabi ko at hinabol yung girl kanina.

Class-F GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon