Chapter 9

5.8K 231 18
                                    

XYRA'S POV


Paakyat na ako papunta faculty room para ihatid yung libro. Pagpasok ko nakita ko na may mga prof. na nag uusap sa may gilid. Nag good afternoon ako ngunit mukhang hindi nila narinig. Hinanap ko yung table ni sir ng marinig ko ang pinag uusapan nila.


"Oh?! Plano pa lang ba yung pagtanggal?" tanong ng isang professor. Tumango naman ang isa "Ang sabi nila maaaring tuloy na talaga ang pagtanggal sa Class-F. They were just talking about a minute ago sa meeting ng board of University ang proseso. Sabi din na wag muna sabihin sa mga estudyante." sabi naman ng isa. "Kung sabagay, madalang lang may ma upgrade sa Class-F. Makakataas din ito ng reputasyon ng A6 University," another professor said.


Nilapag ko yung libro sa mesa at medyo nalakasan ko ata kasi bigla silang tumingin.



O___O- professors



Tiningnan nila logo ko sa uniform. "Ah eh, anong sadya mo dito hija?" tanong ng isang professor. "May hinatid lang po akong libro. Utos po ni Sir Le marac," tugon ko. Nagtinginan sila, at mukhang hindi alam ang gagawin. "Maaari po bang magtanong?" sabi ko. "Sure" sabi ni Prof. Ettal . " Gusto ko lang po sana malaman kung yung favor na ibibigay sa mananalo sa Class-A special student ay pwedeng anything basta school related?" tanong ko.



"Yes," sabi ng isang voice sa likod ko. Lumingon ako para makita kung sino ang sumagot. Si Mrs.Lyria na maaaring kanina pa nandito sa faculty room . " I see narinig mo sa mga professor ang plan ng board. I would really appreciate kung hindi mo muna sasabihin sa classmates mo dahil maaaring magkagulo," pakiusap ng principal.



Tumango ako at nagpaalam. Lumabas ako ng faculty room at bumaba para puntahan na sila Erin. Habang pababa ng hagdan nakasalubong ko si Matthew ng Class-A . Yumuko ako baka sakaling hindi ako makilala. (____) "Claire, nice to see you again." sabi ni Matthew. Tiningnan ko siya at sinabing "Ah, Hello?"



"So, are you going to join the competition? You're the only one recommended student left who didn't signed up," he said. Umiling ako at nagpatuloy bumaba. "Really? That's too bad, you are the one who will make all of this interesting," he said. Hindi na ako lumingon at nagpatuloy na sa paglalakad.



Kumaway sa akin si Erin noong nakita niya ako mula sa labas ng building. Ngumiti ako at binilisan ang paglalakad. "Girla! Tara lets na punta tayo sa may céu sorvete may pera pa naman ako, " sabi ni Lea. "Ay gusto ko yan! Basta libre mo ako pamasahe!" sabi ko. "Asa ka inday! Sa gulong ka na lang kumapit," sabi ni Lea at nagtawanan kami.



Pagdating namin sa céu sorvete (Ice Cream Heaven) pumunta kaagad kami sa may counter para mag order. "Ang gwapo ng cashier," bulong ni Lea. XD Mag hunos dila ka girl, "Isang devil chocolate," sabi ko. "Isang strawberry kisses po," order ni Erin. "Isang order ng creamy coffee at ikaw fafa," sabi ni Lea. Hindi namin mapigilan ni Erin hindi tumawa. Nagulat naman yung cashier sa sinabi ni Lea, "Ah eh unavailable na po eh," sabi ng cashier at ngumiti. Nag pout naman si Lea na parang na reject. "Ah sige si creamy coffee na lang, " sabi niya. Pinat namin ang back ni Lea, siyempre para suporta. Tiningnan ko yung lalaki and he looks familiar. Hindi ko na lang ito pinansin.

Class-F GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon