Jade's POV
"What you did was selfish!", sabi ni Johanna habang inaayos ang results ng match. Nakayuko lang ako. Nandito kami ngayon sa backstage ng auditorium. Kami lang ang nandito dahil tapos na ang match an hour ago. Hindi lahat maka-imik, nakatalikod sa akin si Johanna. I sighed and said, "I'm sorry."
"Tsk, now what? This is the consequence of what you've done, so live it for the rest of your life", she said. Umalis siya, lahat kami ay sumunod kay Johanna. Nandito kami ngayon sa locker ng Class-A. Lahat ng gamit ko ay nakalabas at nakalagay sa isang box. Hindi ko na napigilan at naluluha na ako.
"Johanna, please don't do this," Zoella said na may pag-aalala na tono. Tumingin siya kay Zoey, "I have to do this. You know that," she said and gave the box to me. I sniffed, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tatalikod na sana ako, but I thought, I don't want it to end like this. "Johanna," I said while holding the box. "Please, wag ang mga pocket books ko!" dugtong ko habang yakap yakap ang box. TT__TT
"I'm sorry Jade, as a punishment, hindi ka na pwede magdala dito sa school ng mga libro for a month. It means hindi ka pwede magbasa, especially mystery ones or crime investigations. Look what happened, we were worried about losing you,"Johanna said at tumingin sa ibang direksyon.
Joshua laughed, " Mukhang kahit nanalo ka San Diego, hindi ka pa rin nakalusot," sabi niya habang hawak hawak ang kanyang tiyan sa kakatawa."Tse! Tumahimik ka, balik mo libro ko na hiniram mo last week," sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya. I won, pero sinermonan ako ni Hanny after I told them what happened. Balak ko lang naman ikuwento ang tungkol sa interesting girl I met, pero ang napansin nila sa kwento ko ay ang aking mali.
"By the way, who is that girl you were talking about? The one you described as 'interesting'," Cecillia asked. " Oh yeah, as I was saying, she easily noticed my voice tone ,and predict my current situation," I said. "It's normal, of course may mga Class-B or Class-C students talaga ang mga magagaling sa pag solve ng mysteries. Maybe isa siya sa mga Top 10 ng Class-B," Zoey replied.
Umiling ako, "That's the thing, she's not from Class-B or C," sagot ko. Kumunot ang mga noo nila Lynetta. "She's from Class-F," dugtong ko. Nagkatinginan sila, "Really? That's odd, may skill pala siya, bakit wala siya sa Class-D or Class-C?" Joshua asked. "Maybe may record but I don't remember any girl na nalipat sa Class-F dahil sa isang report," Zoey explained.
"Lets investigate!" I suggested. Lahat sila ay naka poker face sa harap ko. "No." Zoey said. I frowned, "Hmp! Bakit naman hindi," I asked. "It's one of your punishments," Johanna replied. Hindi ko na talaga uulitin ito. TT__TT
"Wait, Where's Eric?" tanong ni Helen. I shrugged and slowly went back to my locker. "Oh hold on my little petunia, where do you think you are going?" Johanna asked. I chuckled nervously, "Nothing," I said and turned my back away from the locker.
Palabas na sana kami nang pumasok si Eric. Tumingin siya sa amin and he smirked, "We have a meeting, by the way, congratulations Jade. All of you, please go to the DCM," Eric said. Tumayo balahibo ko. Tungkol kaya saan ang meeting?
Xyra's POV
Tapos na ang klase kaya nag-aayos na kami ng gamit ni Erin. She has a wide smile on her face. Masaya siya kasi nanalo si Ms. Jade. Lumapit siya sa akin dala ang kaniyang bag. "Best, ready ka na ba?" she asked. Tumango ako at kinuha ang bag ko sa chair.
Lumabas kami ng room nang nag face palm si Erin. "Ahy anak ng tilapia! Nakalimutan ko isara ang drama club, best mauna ka na. Abangan mo lang ako sa kanto. " sabay takbo. "Sige, bilisan mo ah! Magluluto pa ako ng tilapia!" sigaw ko sa kanya habang siya'y papalayo.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto ako nang may narinig akong tunog mula sa music room. Sumilip ako at nakita ko ang isang lalaki na tumutugtog ng violin. Napangiti ako dahil ang ganda sa tainga ng tunog. Locatelli's Caprice in D major Op. 3 No. 23 'Il labirinto armonico' , one of the difficult pieces. Napasabay ang mga daliri ko sa pagplay niya. I'm also playing the chords. Nakapikit ako while I'm imagining that I'm holding a violin. He's very talented, I opened my eyes to see who's playing. I'm guessing he's from..
O___O
Shoot! Si Matthew from class-A, nakatingin sa akin. He grinned and stopped playing. Napayuko ako bigla at napatakbo. Ang sarap mong ikulong sa janitors closet Xyra! Tumigil ako pagkalabas ng building. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. "Xyra!" sigaw ng isang tao at sabay hawak sa balikat ko na ikinagulat ko naman. Napalayo ako ng konti at lumingon sa likod. "Erin naman, anak ng talakitok. Tinakot mo ako," sabi ko. Kumunot noo niya, "Saan ka ba pumunta?" tanong niya. " Ang sabi mo sa kanto umabang," sabi ko.
"May kanto ba sa loob? May litik ka nanaman. Uwi na nga tayo," saad niya sabay hila sa akin. Lumingon ako pabalik at nakita ko na nakasandal lang ang guy sa entrance banda. Ngumiti siya sa akin.
------------
Yan lang po muna
Sana po nagustuhan ninyo
Comment
Vote
And
Be
A
Follower
~Blair_07
BINABASA MO ANG
Class-F Girl
Teen FictionShe's not who you think she is. Alessandra A.K.A Xyra is a Class-F girl. The lowest class in the A6 University where you can find students who always got an F on their report card and haven't discover their talent yet. In A6 University, people from...